Kabanata 1

38 1 0
                                    

Isang madilim at tulog na bayan ang di alam ang nangyayari sa isang sanggol na ipinanganak. Habang ang lahat ay tulog at nagpapahinga sa bayan nang Eutopia may mga 3 anino ang dalidaling naglalakad at nag uusap sa daan. Nang makarating ang mga aninong ito sa kanilang destinasyon ay bigla silang huminto at nalulungkot sa mga susunod na pangyayari.

Kailangan ba talaga natin siyang iwanan dito Rebecca, sabi nang isang binatang lalaki habang hawak hawak ang sangol sa kanyang mga kamay. Wala na bang iba pang paraan, dugtong nito.

Wala nang iba pang paraan Miguel ako man ay labag sa pangyayaring ito pero ito lang ang magagawa natin ngayon, ang kailangan na lang natin ay maghintay.. Sagot naman nang isang babae na medyo maputi na ang buhok pero maliban doon ay di na makikita na matanda na nga ito.

Bakit dito pa sa Kaharian nang Eperyo, di kaya medyo delikado siyang lumaki dito alam naman natin na sa limang kaharian na naitatag sa bayang ito ay ang Eperyo ang nahuhuli sa seguridad madali lang siyang sugudin dito nang mga kalaban, pagsingit ni Sahupiro na mayroong mahabang puting balbas at mahabang buhok.

Pinili ko ang Eperyo para di makahalata ang mga kalaban. Ang Bathala na at ang mga diwata ang bahala sa kaniya alam naman natin na siya ang susulat sa bagong kabanata sa bayang ito. Kinuha ni Rebecca ang bata sa mga bisig ni Miguel. Alam niyo naman na siya ang may pinakamahalagang gagampanan sa mga taon pang darating sa ngayon umasa na lang tayo sa kaligtasan niya. Sabi pa rin ni Rebecca na nakatitig lang sa tulog na sanggol na buhat buhat niya.

Ibinaba ni Rebecca ang basket na naglalaman sa sa sanggol sa tapat nang pintuan nang isang bahay.

Hanggang sa muli nating pagkikita Salazar Leonel..
Ang huling sinabi ni Rebecca sa sanggol bago sila umalis.

After 15 years.
Markus gumising ka na diyan at maglinis ka nang bahay at maghanda nang almusal nagising si Markus sa malakas na sigaw nang kanyang Tiyahin. Wala na siyang totoong kamag anak sabi nang Tiya Fiona niya namatay ang ina't ama niya sa aksidente at siya lang ang natirang buhay. Ayos naman ang pakikitungo nang pamilya na napuntahan niya sa kanya pinapakain siya at pinalaki kaya wala siyang karapatang magreklamo.

Lumaki si Markus sa pagkahilig sa mga aklat, sa pagsusulat nang mga tula at nobela at higit sa lahat magaling din siyang magpinta. Nanirahan siya sa Nirvana Village kung saan ang lahat nang naninirahan dito ay tinatawag na Niloro o pinakamababang antas sa lipunan sa bayan nang Eutopia dahil sa pagkakaroon nila nang normal na katangian. Nahahati kasi 5 kaharian ang bayan nang Eutopia
Ang kaharian nang Eperyo na pinamumunuan nang haring si Lucio at reyna Beatrice, karamihan nang nakatira dito ay may mga di ordinaryong kakayahan may kakayahan silang gamitin at kontrolin ang apoy sa iba't ibang paraan mahina man ang seguridad pero sila ang may pinakamagagaling na gumamit nang kanilang kapangyarihan, Kaharian nang Dionysus pinamumunuan nang haring si Eretheros ang mga tao naman dito ay may kakayahang manipulahin at kontrolin ang lupa, mga hayop, at sila din ang nangunguna sa pangangalaga nang kalikasan di sila malakas sa opensa pero sila ang may pinakamatatag na opensa. Karamihan nang nakatira dito ay mga mangkukulam at mga nuno at engkanto, at mga tao. Pangatlo ay ang Kaharian ng Agwaterya pinamumunuan nang reynang si Taribitha lahat halos nang tao dito ay nakokontrol ang tubig kadalasan mga sireno at sirena na nagtataglay nang kakaibang kagandahan, mahilig sa musika, sining, at higit sa lahat may kahusayan sa paggamit nang mga sandata, pang apat ay ang kaharian nang Arialan pinamumunuan nang kambal na Haring Sejun at Reyna Namyoon kumokontrol sila nang hangin kadalasang makikita sa kaharian nila ang mga mythical creatures gaya nang wind phoenix, gryffin, pegasus and pixes halos lahat nang mga naninirahan sa kahariang ito ay may kakayahang lumipad,at magkaroon nang pakpak mga diwata ang karamihang nakatira dito. Panglima ang sentro nang bayan nang Eutopia ang kaharian na kung saan wala nang namumuno simula nang nakaraang digmaan ang Kaharian nang Eutopia ang mga taong nakatira dito ay ang pinakamalalakas at pinakamakapangyarihan sa lahat nang nilalang dito din makikita ang pinakasikat na paaralan sa buong Eutopia ang Ligeron Academy kung saan nag aaral ang mga mayayaman at mga royal blood sa bayan.

Nahahati naman sa apat na sektor ang mamamayan sa lahat nang kaharian
Una ang Suprema sila ang mga hari at reyna, prinsipe at prinsesa nang kaharian sila din ang tinitingala at iginagalang. Pangalawa ang Guildan sila ang mga opisyales sa mga kaharian pumapangalawa sa Suprema kalamitan ay mayayaman, mga politiko, propesyonal at mga milyonaryo sila ang sumusuporta sa mga kaharian, Pangatlo ang mga Magimplomat karamihan ay mga di galing sa mayayamang pamilya pero may kakayahang tapatan ang galing at lakas nang mga Guildan sila kalimitan ang nagiging sundalo, heneral, at tagaprotekta sa bayan sila din ang tinagurian bilang Officers of Prosper dahil sila ang tagapagpatupad at tagaprotekta nang batas at nang mga mamamayan at ang huli ay ang mga Niloro o Commoner sila naman ay mga normal na tao puwede silang maging mayaman o hindi depende sa pagsisikap mo walang kakaibang abilidad.

Chronicles Of Eutopia: The Dragon Medallion Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon