Pagkatapos ni Markus tumulong sa gawaing bahay nagkaroon sila naghain na sila nang kanilang almusal.
Marcus di ba sa sunod na linggo na ang simula nang inyong citizenship test, sabi nang matabang lalaki na medyo may balbas na kung titignan sa malayo ay pagkakakitaan nang may ka istriktuhan.Opo uncle Vernon, sagot ni Markus na kasalukuyang kumakain.
Ba't di ka pa sumabay kay Joseph? Tutal parehas din lamang kayo nang papasukang paaralan. Sabi naman nang Auntie niya.
Wag na ma, may kasabay na ako sa Test di ko na kailangan, sabi naman ni Joseph na tuloy tuloy ang pagsubo. Di talaga sila magkasundong dalawa. Magkasalungat ang karakter nilang dalawa. Si Joseph may pagkabossy, madaldal, mahilig sa gulo, at higit sa lahat magaling mang asar lalong lalo na kay Marcus.
Si Markus naman ayaw magpa under gusto niya desisyon niya ang masusunod,tahimik, mahilig sa libro, gusto lagi mapag isa, at higit sa lahat ayaw niya nang magulo.Mas gusto mo pang kasama ang ibang tao kesa sa pinsan mo! Joseph alam kong di kayo magkasundo pero alam mo naman ang kuwento ni Markus di ba? May diing sabi nang Uncle ni Marcus.
Yun naman pala eh alam niyo na ang sagot kung bakit ayaw kung kasama siya kasi alam ko ang katotohanan sa likod nang pagkatao niya, DI NATIN SIYA KADUGO, sa madaling salita di ko siya PINSAN, ayaw ko nang kumain nawalan na ako nang gana. Sabi naman ni Joseph na medyo galit. Sabay alis sa hapag kainan. Masakit para kay Markus ang katotohanang naririnig.Wag kang BASTOS! galit na sabi ni Uncle Vernon.
Okay lang po tita, tito awat naman ni Markus. Ahmm, di ko pala nasabi sa inyo na may kasama po ako papunta sa test kasama ko po si Gerald at Johnny wag po kayong mag alala kaya ko na po, sabay labas niya nang kanyang ngiti na tumakip sa totoo niyang nararamdaman.
Di na nagsalita ang uncle niya at auntie niya pibagpatuloy na lang nila ang pagkain.
****
One week later
Markus POVKinaumagahan nang Lunes maaga akong nagising upang maghanda sa Citizenship Test na ibinibigay nang buong kaharian nang Eutopia sa nasasakupan nito kahapon lang din natanggap ko ang inbitasyon nang Council upang isagawa ang test. Lahat kasi nang mga bata na tutuntong sa edad na 13 ay mahigpit na pinapakuha nang test upang malaman ang katayuan mo sa lipunan. Kinakabahan ako di ako nakatulog kagabi dahil iniisip ko kung anong resulta ang lalabas sa akin lingid naman sa mga nakakakilala sa akin ay di ko kilala at di ko alam kung saang estado ako nabibilang. May mga pangyayari kasi na puwedeng bumaba ang estado mo kung isinumpa ang angkan niyo para mawalan nang kapangyarihan, puwede ring nawalan kayo na kayamanan o di kaya may tinatago kang ibang abilidad lahat yun nalalaman sa C-test.
Pagkalabas ko nang bahay pumunta agad ako sa ETC or Eutopian Testing Center hinanap ko agad sila Gerald at Johnny.
Markus! Nandito kami, sabi ni Gerald habang kumakaway sa akin. Medyo maaga pa pero madami nang mga kabataan ang andito para kumuha nang exam.
Kamusta kayo di ko kayo nakita matapos ang school days natin ah, sabi ko sa kanilang dalawa.
Ahh nagbakasyon kasi ako sa mga pinsan ko sa Errendle village nga pala may pasalubong ako sa'yo sabi ni Gerald sabay abot sa akin nang isang balot nang Errepan ( isa itong tinapay na may kahawig sa cheese bread) alam ko namang favorite mo yan kaya binilhan na kita dagdag pa niya habang nakangiti.
Naku sobrang salamat talaga, tuwang tuwa na inabot ko ang Errepan sa kanya doon lang kasi sa Errendle nabibili ang ganitong pagkain. Uhmm ikaw Johnny saan ka naman nagbakasyon? Tanong ko kay Johnny na ngayon naman ay nagbabasa nang libro.
Ahh ako ba wala naman pumasyal lang kami sa Eutopia Kingdom medyo inisikaso kasi ni Dad yung mga report sa Eperyo para ibigay sa Duke kaya sumama na din ako sabi ni Johnny.
Wow suwerte mo naman,alam mo ba na pinapangarap ko ding makapunta sa iba't ibang kaharian na nandito sa Mundo natin, sabi ko habang iniisip ang mga kaharian.
Si Gerald Gabriel Agasmoth ay isang Magimplomat, madaldal pero mapagbigay, tapat na Heneral ang ama niya kaya masasabing may malakas na impluwensiya sa Eperyo ang pamilya niya. Samantala Johnny Daravon Erepuerto naman ay isang bookish, laging seryoso at tahimik kabaliktaran ni Gerald, Guildan dahil opisyal sa mataas na kapulungan ang kanyang ama Ministro nang Kalakalan si Senyor Erepuerto kaya malaya silang nakakalabas pasok sa iba't ibang kaharian. Ako naman si Markus Eldon Reigs di ko alam ang kahit ano mang history nang family ko buti nga noong elementary years ko silang dalawa ang naging friends ko.
Lahat kami ngayon ay nakapila na sa sobrang dami nang kukuha ngayon nang test di ko mabilang ang mga tao dito ngayon. Medyo nasa una kami nina Gerald at Johnny kaya medyo mapapaaga ang pagkuha namin nang test. Kinakabahan pa din ako. Pumasok na kami sa Testing Hall malaki siya at madaming upuan nasa pangalawang row kami sa sorang laki nang Hall na ito magkakasya ang 100 libong katao. Maya maya pa may pumasok na magandang babae na sa tingin ko ay nasa edad 30 na.
Magandang umaga Eutopians, ako nga pala si Alexandria Tresch ako ang Minister nang BPIASRC or Bureau of Personal Identity and System Rank Council this day malalaman niyo kung anong antas kayo sa lipunan nabibilang alam naman natin na tumatakbo ang oras, alam ko rin na pamilyar na kayo sa nangyari matagal nang panahon ang nakakaraan ang Dark Age nang ating mundo. Para mapanatili ang kaayusan itinayo ang Ranking System sa loob nang 5 kaharian upang malaman natin kung saan tayo nabibilang kung kayo ang tagaprotekta o kayo ang poprotektahan, kahit na ang makuha niyo naman ay ang antas nang Niloro wala kaming pakialam dahil tao pa rin kayo nang ating kaharian di natin pinagbibigyan ang umaabuso sa mga taong walang kalaban laban. Ngayon uumpisahan na natin ang test. Pagtatapos na sabi ni Senyora Alexandria. Pagkatapos noon ay ikinumpas niya na ang kanyang wand at may isinasabi maya maya pa ay may kusang lumitaw na pintuan sa harap nang bawat upuan. Buksan niyo na ang mga pinto at pumasok kayo sa loob, Good luck and Happy Ranking days.
Nagtinginan muna kaming tatlo at sabay sabay na tumayo. Good luck guys sabi ko sa kanila. Kinakabahan talaga ako di ko pa kasi alam ang magiging resulta mabuti silang dalawa at alam na nila.
Sige pasok na tayo sa ating mga pinto. Sabi naman ni Johnny at binuksan na niya ang pinto.
Hinawakan ko na din ang gintong seradura nanv pinto nasa harap ko at binuksan ito. Puting kwarto at isang pulang upuan ang aking nakita sa loob.
BINABASA MO ANG
Chronicles Of Eutopia: The Dragon Medallion
FantasyIsang karaniwang bagay na lang ang magkaroon ka nang kapangyarihan sa Bayan nang Eutopia . Ilang siglo na din bago natapos ang siglo nang madilim na panahon nila.. Ngunit ang inaakala nilang kapayapaan ay simula pa lang nang panibagong digmaan. Ang...