Prologue:

3 0 1
                                    


Napakasarap balikan nung..

Una naming pagkikita.

Una naming pag-uusap.

Unang pagkakabungguan namin.....

"Hoy! Ano ba Zha, ibigay mo na sa akin yang pagkain ko!!!!!!" Uggh. Nakakainis siya, gutom na gutom na ako eh tapos inagawan pa ako. Tapos ngayon nagpapahabol pa para makuha ko yung pagkain ko.

"AYOKO!!!!! HABULIN MO MUNA AKO!!!!!!!" Sigaw niya sabay dila.

"HUMANDA KA SA AKIN!!!!! MAKAKATIKIM KA NG NAPAKATINDING BATOK PAG NAABUTAN KITA" Sabi ko at mas lalong binilisan ang takbo ko. Wala akong paki kung pinagtitinginan na ako ng mg students dito sa hallway. Ang mahalaga sa akin ay yung pagkain ko.

"ANDYAN NA AKOOO------ARAY" Napaupo ako sa sobrang lakas ng impact. Uggh. Napahawak ako sa balikat ko sa sobrang sakit.

"Sorry. Next time, wag kasing tatakbo sa hallway na akala mo parang bata lang. Dalaga ka na po kaya wag kang ganun. Nakakaturn-off sa mga lalaki yun" Sabi nung nakabungguan ko at inilahad yung kamay niya. Napa-tss na lang ako at kinuha yung kamay niya. Pinagpag ko muna yung palda ko bago humarap sa kanya.

"Edi sorry po mister----" Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Geez! Bakit siya pa? Kaya pala nung nabunggo niya ako may kuryenteng dumaloy sa katawan ko.

--------
Yung una kaming nagkatitigan.... 

Naandito kami ngayon sa library nagbabasa. Ano ba naman kasi ang ginagawa dito di ba?

"Kyaaahhh! Kinikilig talaga ako Sha" Sabi sa akin ni Zhanel. Inirapan ko lang siya at nilagay yung daliri ko sa labi ko. Sign na wag siyang maingay.

Hinayaan ko lang siya na dumaldal nang dumadaldal. Tiyak na mas maganda ang binabasa ko kaysa sa ikinukwento niya. Maya-maya narinig ko na nanahimik na siya. Buti naman. Pinagpatuloy ko yung pagbabasa ko hanggang sa makaramdam ako ng parang hininga sa tenga ko.

Dahan-dahan akong lumingon. Biglang tumibok nang malakas yung puso ko. Right now, I think namumula na yung mukha ko. Magkatitigan kami mata sa mata, ang tagal din nun hanggang sa siya ang unang nag-alis ng tingin.

"Pwedeng mahiram yung book na binabasa mo? Kanina ko pa kasi hinahanap yan e" Sabi niya pero nakatitig pa rin ako sa kanya. "Ah...hello" Saka lang ako natauhan at inabot sa kanya yung book. Nag-thank you siya at umalis na.

Yung una niya akong hatakin....

Yung una niya akong sabayan sa recess, then sa lunch din...

Yung una niya akong yayain sa park...

Yung sa umamin na siya sa akin...

Yung sa manligaw na siya....

Hanggang sa maging kami at ipakilala ko siya sa mga magulang ko pati na rin sa mga magulang niya....

Lahat ng iyun ay una para sa akin. Napakasaya ko dahil SIYA, SIYA ang una ko. Masaya ako dahil minahal niya ako. Akala ko dati hindi niya ako mapapansin kaya hindi na ako nagpapansin sa kanya. Pero dahil sa pagiging tahimik ko at pagiging MAGANDA na siguro kaya napansin niya------ARAY!!!!

"Okay na sana sa akin na mag-reminisce ka dyan sa mga ka-cornihan niyong mag-syota. Kaso nagsabi ka pa ng MAGANDA ka!! Talaga lang huh? Saan banda?" Hinawakan ko yung batok ko. Kahit kailan napakahilig niyang batukan ako.

"Wala kang paki. Story KO 'to. AKO ang bida. EXTRA ka lang" sabi ko sabay irap.

"Aba! Magsusumbong ako kay Author para ipatanggal ka dito sa story na 'to. Napakasama mong bida" sabi niya at tatayo na sana kaso pinigilan ko.

"Oh saan ka pupunta?"

"Kay Author" sabi niya. "Humanda ka na dahil mawawala ka nang parang-bula dito sa story"

"Oh..oh..wait lang. Niloloko lang kita. Halika dito!" Hinatak ko siya at pinaupo ulit. "Hindi mo mahahanap si Author dahil hindi natin alam kung nasaan siya" paliwanag ko sa kanya.

"Alam ko kung nasaan siya" sabi niya sabay irap.

"Nasaan?" Tanong ko. Curious ako e. Napakabagal kasi ng bestfriend ko magpaliwanag. Gusto kong malaman kung saan makikita si Author.

"Edi nasa......" Hinintay ko siya magsalita pero walang lumabas sa bibig niya. Sinamaan ko siya ng tingin at babatukan na sana.

"Nasa PUSO po ni Do Kyungsoo, aka D.O. San matatagpuan si D.O.? Nasa Seoul, Korea po. San yung Korea? Bansa po yun sa Asia. San yung Asia? Pinakamalaking kontinente po yun sa Earth. Baka pati Earth di mo din alam? Nasa----" tinakpan ko yung bibig niya dahil mga walang kasaysayan ang sinasabi niya.

BTW. I'm Criscia Alvarez. Ako ang bida ng story na 'to. May loveteam ako syempre, pero saka ko na ipapakilala sa inyo. Yung kaninang pangit na maingay ay bestfriend ko.

"HINDI AKO PANGIT!"

Siya si Zhanel Enriquez.

Para sa ibang info about me, paki subaybayan na lang ang story na 'to. Yun lang! Bye 😊😊

------------

A/N: WAHAHAHA!!!!! Lakas ng trip ko noh? Sensya na. Hahaha. May nakain e. Anyways,, hope you like the prologue(kung prologue nga ba talaga siya hahaxD puro kabaliwan lang e) And sana may bumasa nito :) Yun lang. Kamsa~~

I'm Your GirlWhere stories live. Discover now