Chapter 2: SMALL CELEBRATION

1 0 2
                                    

Criscia's POV

"Happy 4th monthsarry Criscia Alvarez"

"Oh..wag ka nang kiligin dyan, kanina niya pa sinabi sayo yan" Hinarap ko siya at inarapan. Kahit kailan panira 'tong si Zhanel. Bakit ba kasi sa dinarami-rami ng tao sa mundo siya pa ang naging bestfriend ko?

"Pasalamat ka pa nga at ako ang naging bestfriend mo. Hindi yung mga plastic na pakalat-kalat dyan e."

Mind reader pala siya, huh? Nakita kong bubuka na naman yung bibig niya kaya inunahan ko na.

"Oopps. Shut up. Sakit sa tenga ng boses mo" sabi ko. Nag-tss lang siya at nangalumbaba.

"Yan na si Prince Charming mo" walang-gana niyang sabi. Napatayo ako at hinanap siya pero wala. Hinampas ko siya, baka pinagtritripan ako e.

"Wala naman ay"

"Ayun oh" Tumingin ako sa tinuro niya pero wala pa din. Binatukan ko siya at tinalikuran. Bahala siya, iiwan ko siya.

"Criscia"

Luh! Si heartbeat ko ang bilis na naman.

Lumingon ako at nakita siyang nakatayo doon sa tinuro kanina ni Zhanel. Lumapit siya sa akin at inabot yung dala niya.

"Salamat" sabi ko habang nakayuko. Shit! Kinikilig ako!

"Your always welcome" sabi niya at hinawakan ang baba ko para maangat niya yung ulo ko. Nagkatitigan kami. Hmmp! Ang gwapo niya. Gustong-gusto ko na siyang sakmalin at halikan. Pero syempre dapat Maria Clara ako noh kahit na iba na ang panahon ngayon.

"Ang ganda mo talaga" sabi niya. Yung pisngi ko!!!!!!! Namumula na panigurado. Hinampas ko ng mahina yung kamay niya.

"Bolero" sabi ko habang natatawa. Inaya ko siyang umupo doon sa table namin ni Zhanel.

"I'm not. I'm just telling the truth" sabi niya. Ngumiti na lang ako sa kanya pero nawala din dahil umarangkada na naman yung magaling kong bestfriend.

"Wag kang mag-english, kaka-nosebleed 'e. At sigurado ka bang maganda yang bestfriend ko? 'E sa pagkakaalam ko sinamahan ko siyang bumili ng gayuma at ginamit sayo para ma-inlove ka sa kanya." Seryoso niyang sabi. Natawa na lang si Grae. Babatukan ko na sana siya kaso hinarang niya yung braso niya.

"Oh..tama na, kanina ka pa nananakit. Sumbong kita dyan sa ginayuma mong englisherong boyfriend." Pinandilatan ko lang siya ng mata. Dinilaan niya lang ako at nilagay yung kamay niya sa tenga niya.

"Haha. You two looks good together" Napatingin kaming dalawa sa kanya at sabay na nagsabi ng 'yuck!'

Kami? Good together? Na-uh.

"Anyway Criscia, my parents invited you to our house. We will have a small celebration" Bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya.

"Eh? Are you sure? Hindi ba pwedeng----"

"Wag ka nang maarte pwede ba? Ayaw mo nun? Legal na legal na talaga kayo. Kaya pumunta ka na" sabi ni Zhanel. Sasagutin ko sana siya kaso nagsalita si Grae.

"Don't worry. You can bring Zhanel" Tumango na lang ako. Bahala na si Batman. Kailangan makapag-ayos ako ng sarili ko bago muling humarap sa parents niya.

********

"ANO BA? 30 MINUTES NA TAYONG GANITO. WALA KA PA BANG NAPIPILI?"

Oh yeah! Nasigawan na ako ni Ma'am Zhanel. Hindi ko kasi alam kung ano ba dapat ang susuotin ko.  Hindi naman pwedeng sexy noh? And ayoko din naman yung balot na balot. Napaka-plain naman ng pants at shirt.

I'm Your GirlWhere stories live. Discover now