Grae's POV
Ughh. This is all my fault! Pero may part sa akin na hindi ko din kasalanan. Hindi ko naman kasi alam na pinapapunta ako ni Lolo ng agad doon. Hindi ko alam na may emergency.
After kasi umalis ni Criscia sa bahay, nagtext yung Auntie ko na malala na daw yung sakit ng lolo ko. My Lolo kept calling my name. Kaya pinapunta agad ako sa Korea, ora-mismo.
Hindi ko na nagawang magpaalam kay Criscia dahil sa taranta ko. Malapit kami sa isa't isa ng lolo ko kaya ganun na lang ako mag-alala.
Heto ako ngayon, sinusuyo ang aking minamahal. Kahapon pa ako na parang TANGA sa kakasunod sa kanya para mag-sorry. Pero walang effect. My really plan was to surprise her. Gusto kong bumawi sa kanya sa pag-alis ko nang walang paalam at dahil sa 2 weeks na wala kaming contact sa isa't isa.
I'm ready for the surprise. I bought her favorite gummy bear, ayos na din yung letter ko para sa kanya. Kilala ko kasi siya, just give her a letter nang nararamdaman mo, lalambot na agad siya. Nakaka-appreciate siya ng mga bagay kahit maliit lang ito. She's simple as that. Pero kapag nagtampo naman siya, sobra-sobra.
"Mae pahiram ballpen" sabi niya. Inabot naman agad sa kanya ni Mae yung ballpen. "Salamat"
"Criscia" mahina kong tawag. Nakapatong yung baba ko sa arm chair ko habang nakatingin sa kanya. Yung upuan ko kasi nasa harap niya kaya bale nasa likod ko siya.
"2x times----" Hindi na naman niya ako pinapansin. Nakatuon lang siya doon sa assignment namin sa Math about Polynomials.
*sigh*
Buti pa yung numbers, pinagtutuunan niya ng pansin. 'E ako?
"Criscia, look I'm sorry. Nakalimutan kong magpaalam dahil nag-aalala talaga ako sa lolo ko. Sana naiintindihan mo-----" Tumingala siya at tumingin sa akin ng diretso.
"Grae, naka-unli ka ba?" Napa-huh naman ako sa kanya pero inabot ko din yung cellphone ko sa kanya.
Sino naman kaya yung itetext niya?
"Grr. Ang SLOW mo!" Sabi niya sabay bato nung cellphone ko. Buti na lang nasapo ko. Tiniklop niya yung notebook niya at tumayo.
"Saan ka pupunta?" Sinundan ko siya palabas ng room.
"Wala kang pake" sabi niya. Napapangiti na lang ako. Pasalamat 'tong babaeng ito at mahal na mahal ko siya.
"San nga?" Pangungulit ko sa kanya. Humarap siya sa akin. Gusto kong tumawa pero baka magalit siya lalo.
'Hindi mo lang alam kung gaano ka ka-cute ngayon'
"Anong iniisip-isip mo dyan at napapangiti ka dyan?" Pasigaw niyang tanong.
"Wala" Pilyo kong sagot. Kitang-kita ko yung pamumula ng tenga niya. It means, asar na asar na talaga siya.
"Ughh. Nakakainis ka! Nakakainis" sabay hampas sa braso ko. Iniwas ko ang sarili ko kaya muntikan siyang mangudngod. Buti na lang at nahawakan ko yung braso niya.
"Tumigil ka na kasi" mahina kong sabi sa kanya. Magkalapit yung mga mukha namin ngayon.
Nagtitigan lang kami. Nagsusukatan, kung sino ang unang mag-aalis ng tingin.
"Bitawan mo ko" Napangiti ako. Ngiting tagumpay dahil nanalo ako.
"Eh kung ayoko? Anong gagawin mo Ms. Alvarez soon to be Mrs. Versola?" Nakita ko yung pamumula ng mukha niya. Yumuko naman siya bigla.
Dahil sa hindi ko mapigilan ang sarili ko. Bigla ko siyang niyakap. Naamoy ko na naman yung amoy ng buhok niya, ang bango.
"Wag ka nang kumawala pa dahil hindi ako papayag na mabitawan ka pa." Sincere kung sabi.
"Hayaan mo muna akong mag-explain. Sasabihin ko lahat-lahat" naramdaman kong tumango siya.
Napangiti ako sa posisyon naming dalawa ngayon. Magkayakap kami sa gitna ng hallway. Yung baba ko nakapatong sa balikat niya, kaya medyo nakayuko ako. Maliit kasi siya, kaya nagkasya sa puso ko.
"Grae" tawag niya. Naramdaman ko yung init ng hininga niya.
"Hmm?" Gumalaw-galaw siya.
"Nangangawit na ako, sa ibang lugar ka na lang mag-explain kasi---" Mahina niyang sabi. Bakit ba siya bumubulong? Eh pwede naman niyang lakasan.
"Bakit?"
"Kasi nakatingin yung ibang estyudante" Pagkasabi niya nun ay sumiksik siya lalo sa akin. Parang tinatago niya yung mukha niya. Tapos yung kamay niya sa likod ko, nakakapit ng mahigpit. I'm sure lukot na yung polo ko.
Napangiti na naman ako. Nakailang ngiti na ba ako ngayong araw dahil sa kanya?
"Hayaan mo nga sila, pakialam ba nila?"
"Eh nahihiya na talaga ako" sabi niya habang umiling-iling. Inalis na niya yung kamay niya sa likod ko at nilagay sa mukha niya.
Binitawan ko na siya at hinarap sa akin. Nakatakip ngayon sa mukha niya yung kamay niya. Sobrang namumula na yung tenga niya.
"Ang cute mo" sabay halik sa kamay niya na nakatakip sa noo niya.
Umiling-iling lang siya at tumalikod sabay takbo. Hinayaan ko na lang siya. Alam ko naman sa sarili ko na ayos na kami.
----------
Criscia's POV
>///<
GRAE VERSOLA!!!
Ano ba 'tong ginagawa mo sa akin? Dapat nagtatampo ako kaso bakit kinikilig ako sayo?
ANO BA 'TONG NANGYAYARI SA AKIN? MABABALIW NA ATA AKO.
Tumatakbo ako ngayon papunta sa comfort room. Naiihi na ata ako sa sobrang kilig.
Pagkapasok ko, humarap ako sa salamin. Pulang-pula yung mukha ko. Pinagsasampal ko yung sarili ko.
Galit ka di ba? Bakit ganun yung ipinakita mo kanina sa kanya?
Ughh. I hate this feeling.
"Ahh Sha anong nangyayari sayo?"
"Grae!!!!" Napatakip ako sa bibig ko. Anong nasabi ko?
"Ah, so ayos na kayo?" Hindi ako sumagot sa tanong nya dahil hindi ko alam kung ayos na ba kaming dalawa o hindi ba. "As I can see, you two are okay now. So, mind you tell me the story?"
Hindi pa rin ako sumasagot. Nahihiya kasi ako. Feeling ko namumula pa rin ako. Gosh! Ayokong humarap sa kaibigan ko na ganito ang itsura ko.
"Ah ganun, ayaw mo? Kay Grae na lang ako magtatanong. Sige bye!" Akmang aalis na sya nang higitin ko sya. Kainis naman e! Mas lalong nakakahiya kung kay Grae pa sya magtatanong.
"Ano? Sasabihin mo na ba?" Tumango ako ng dahan-dahan. "Go na" Ughh. Di ko alam kung paano ko sisimulan. Nakita ko naman siyang nakataas na ang kilay dahil naiinip na.
"Ano kasi Zhanel..."
"Ano nga?" Napakamot ako sa ulo ko. Hindi ko naman kasi alam kung ayos na ba talaga kami.
"Ano kasi--------" Hindi ko natapos yung sasabihin ko kasi may biglang humigit sa akin at....
*tsup*
>////<
"Yan. Nasagot na nya ang tanong mo Zhanel"
+++++++++
Thank you for reading :)

YOU ARE READING
I'm Your Girl
Novela JuvenilMe + You = FOREVER Mga salitang nabuo at tumatak na sa isip ni Criscia. Simula kasi ng maging sila ng kanyang 'first crush' ay umasa siyang hanggang dulo ay sila. Ang hindi niya alam ay may dadating na malaking pagsubok sa relasyon nila. Paggising n...