Chapter 1: PREPARATION

2 0 0
                                    

Criscia's POV

Napakaganda ng gising ko ngayong araw. Excited na ako sa magaganap ngayong araw. I wish it will going to be perfect.

I woke up early, para makapaghanda ng sobrang bongga. Nagulat pa sa akin si mama kung bakit ang aga ko. I only gave her my sweetest smile.

"Inlove na talaga ang dalaga ko" sabi niya at niyakap ako. Nako! Nakuha pang mag-drama ng nanay ko. Bumitaw ako sa kanya.

"Ma naman, wag ngayon. Baka pumasok ako na namamaga ang mata" sabi ko at natawa naman siya.

"Ang sabihin mo, ayaw mong maging pangit sa harap niya dahil baka iwan ka niya" Napaisip ako sa sinabi ni mama. Ganda ba talaga ang batayan ng pagmamahal?

"Ganun ba yun Ma?" Tumawa lang siya at pumunta na sa dining area namin. Inaayos na niya yung mga niluto niya.

"I'm just joking Sha. Ewan ko ba kung saan ka nagmana ng pagiging SLOW. Kumain ka na nga" Sabi niya at nagtawanan kami. Tinawag ko na din si papa para sabay-sabay na kami kumain. Then after ng breakfast nagpaalam na ako na naalis na.

"Bakit naman ang aga ng bunso natin? Anong nakain?" Tanong ni Papa. Sasagot na sana ako ng biglang sumabat si mama.

"Honey, obvious naman kung ano ang nakain ay. Yung luto ko malamang" Napanganga ako sa sagot ni mama. Si Papa naman nung una hindi ko ma-gets yung reaction pero biglang nag-switch sa parang naiinis. Si mama kasi lakas mambara.

"Bye na po. Love you" Paalam ko at lumabas na ng bahay. Nako! Pag di pa ako lumabas masasaksihan ko pa yung away-nila-na-magiging-lambingan portion.

*****

Pagkababang-baba ko sa tricycle dali-dali akong tumakbo papunta sa room.

Sana andon na sila.

Pagkabukas ko ng pinto ng room namin, nakahinga ako ng maluwag nang makita silang magkakasama sa harap.

"Good morning" bati ko sa kanila at lumingon sila sa akin. Habang naglalakad ako papalapit sa kanila, nakikita kong nagbabago yung mga expression nila sa pagiging malungkot. Nagtaka ako kung bakit ganun sila.

"Sha" tawag nung isa kong kaklase. Nginitian ko siya bago sumagot.

"Bakit? May problema ba at ang aga-aga nakabusangot ang mga mukha niyo?" Sabi ko sa kanila. Sabay-sabay naman silang nagtanguan. Binigyan ko sila ng ano-yun-look?

"Eh...kasi....ikaw na nga lang magsabi sa kanya" sabi nung isa.

"Bakit ako? Ikaw dapat!"

"Uggh. Ayoko...siya na lang" sabay turo sa isa.

"Hala! Ano kayo! Ito na lang" turo niya sa katabi niya.

"Huwag ako...ayoko...kayo na lang"

"Ikaw na kasi...."

Susko! Nagtulakan pa kung sino magsasalita. Pagbabatukan ko 'tong mga 'to.

"Ikaw na lang dahil ikaw ang pinakamaganda sa atin"

"Anong ako? Siya kaya, gwapo siya e"

"Ba't ako? Kahit na gwapo ako hindi ako ang pwede magsalita noh"

Hindi ko talaga sila maintindihan kung bakit nagpapasahan pa sila kung sino ang magsasalita. Ano ba talaga ang sasabihin ng mga 'to? At bakit may salita pang 'maganda' at 'gwapo'?

"Sabihin niyo na kasi sa kanya"

"Bilisan niyo na"

"Baka magalit e."

I'm Your GirlWhere stories live. Discover now