KILL 1

3 1 1
                                    

"T*nginang anak ng salot ka!  Umalis ka sa pamamahay ko!"

Ang ganda ng pambungad sa umaga ah. Siya na nga tong binigyan ko ng pansin dahil ke aga aga katok ng katok.

Wala na ngang natira saakin pati matitirhan wala na rin? Pinapalayas ako noon ng auntie ko pero mabuti't napipigilan ko pa naman. Ewan ko ngayon siguro luluhod nalang uli ako't magmamakaawa.

Bahala na ang pride ko, siya lang naman ang makakakitang nakaluhod ako eh. Nasa boarding house ang kaisa-isang anak ng auntie ko na si Genna. Mabait naman, feeling ko nagmana sa kanyang papa. Si uncle naman ay matagal nang wala. Bali katulong lang ang kasa-kasama ng matandang uhugin na 'to.

Ang sabi niya'y malas daw ako sa buhay nila simula ng pinatira nila ako doon sa bahay nila. Aba't kasalan ko pa ngayong hindi siya magaling mag negosyo?

"A-auntie kahit isang linggo lang o, p-pramis po talaga aalis na ako b-basta isang linggo lang talaga auntie maawa po kayo." Umiiyak ko nang saad. Galing ko talagang umarte.

"Panglima mo na iyang sinasabi sawang sawa na ako! Umalis ka sabi, p*tang ina ka! Alis!"

Tsk. Hindi gumana ngayon ah. Tumayo na ako at pinagpag ang tuhod ko tsaka pumasok muli sa kwarto. Heh.

"Hoi p*tang ina ka bakit ka pa pumasok jan! Ang kapal talaga ng mukha mong malas ka!" Naiinis na sigaw niya.

"T*ng ina mo ring menopausal na matanda ka! Kinukuha ko lang ang mga gamit ko! Sino bang maysabing gusto ko 'tong bahayng to ha?! Ang baho baho lalo na sa kwarto mo! Amoy matandang letse!" Habol hiningang pabalang kong sagot. Psh, akala niya. Noon ko pa kinukumkom ang galit ko sa mga salita niya. Buti't naipalabas ko na ngayon.

Gulat na mukha niya akong tinitignan. "Napaka mo talagang p*ta ka! Nasa loob pala ang kulo mo! Mabuti pa't lumisan ka na nang hindi na kami madamay pa sa mga utang ng walangyang tatay mo!"

"Aalis talaga ako! Mas walanghiya ka! Tandaan mong pera pa rin ni papa ang ginamit mo sa pagtayo ng bahayng to! Swerte mo lang at hindi ko ito babawiin."

"Mabuti nama-"

"Sa ngayon." Tapos ko at tumalikod na.

"H-hindi ako natatakot sa iyo! Hinding hindi mo ito makukuha!" Sigaw pa niya ngunit tinaasan ko siya ng gitnang daliri ko habang nakatalikod.

"Napaka- arghhhh!" Ang huling narinig ko sa auntie kong mabaho ang hininga. Tsk. Paano na ako ngayon? Sa'n ako titira? Sa'n ako hahanap ng pera?

*****

Pumasok ako sa walang lamang mala dagang kweba sa baho at dilim na apartment na singlaki ng apat na cubicle ng public CR na pinagsama-sama.

"Oh ano, kukunin mo ba o hindi? Bilisan mo na't mayroon pa ako gagawin." Nilingon ko ang landlady at tumango. Bumuntong-hininga ako. 500 lang ang renta taga buwan kaya titiisin ko nalang. Mabuti at may 1k akong naipon.

Nilagay ko na ang mga gamit ko sa gilid at napag-isipang linisin muna itong impyernong ito. Nanghiram ako ng mga panlinis at sabon at kumuha narin ng balde ng tubig.

Tinanggal ko muna ang mga gagamba sa itaas at pinatay silang lahat at sinimulan na ang pagkuskos at pagma-mop. At ang final touch, ang paglalagay ng floorwax sa kahoy na sahig at ang pag s-spray ng Glade sa apartment.

Pinunasan ko ang pawis ko at tinignan ang kabuuan. Maganda naman pala talaga ang apartment na ito eh, nagmumukha lang na imburnal kanina dahil siguro matagal nang walang nakatira.

Nag-ayos na ako ng tutulugan ko at natulog na.

KINAUMAGAHAN

*TOK TOK*

"Anonixakiacah...." pilit kong bigkas.

*TOK TOK*

"Anong kailangan mo sabi eh!"

*TOL TOK TOK!*

"T*ngna oo na paparating na!" tumayo ako galing higaan at kinuha ang cellphone ko at naglakad patungong pintuan.

Binulsa ko muna ang cellphone ko at binuksan na ang pinto. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang mga lalaking buff ang katawan na naka black suit at naka black shades, in short Men In Black.

Ngumiti ako. "Hi mga pogi! Anong kailangan nyo? Naliligaw ba kayo? Pasensya na ha? Bago rin kasi ako dito eh. Magtanong nalang kayo sa kabila. Hehe sige ah. Bye!" At dali-daling sinara ang pinto ngunit napigilan ito ng mga MIB.

"Come with us." Ayyyy, taray si koya #1 oh, englishero. Lumapit si koya sakin at ako naman ay humakbang paatras.

"Ha?" Maang-maangan kong sabi habang naghahanap ng matatakasan.

Ba't nila ako kukunin? Tangna anong ginawa ko? Nag-jaywalking ba ako? Nag U-turn? Nag left turn? Tangna wala naman akong sasakyan eh!

"He said come with us." Matigas na sabi ni kuya #2.

Nasulyapan ko ang kanyang right chest na may ID. "K. I. L. L."? Teka, narinig ko ito noon kay papa ah? Ito na ba ang kukuha sakin bilang kabayaran ng mga utang ni papa? Huhuhu... wala na akong choice kundi..

"Ha ano? 'Come' with us? Iga-gangrape nyo ako? Sabi nila mesherep pero wag naman koya bata pa aketch. My dreams, my goals. Please let me reach dem purs." sabi ko habang umaaction na may inaabot sa langit. Mag aacting nalang muna akong walang alam.

Ngunit para lang silang bingi na binalewala ang sinabi ko at hinigit ang magkabilang kamay ko.

"H-hoi ano ba! Bitiwan niyo ako! Kitang bagong lipat ko lang rito kukunin niyo agad ako?! Hell no! Bayaran niyo muna ako ng 500 pesos bago ako sumama sa inyo!" Marahas nila akong binitawan at lumabas muna si kuya #2. Ay, nagwalk out? Walang perang pambayad?

Pumasok si kuya #2 na may dalang silver brief case. Wow, kaya ba ako kukunin dahil isasali nila ako sa deal or no deal na gameshow? Astigggg!

Binuksan nila ito at bumungad sakin ang libo-libong pera na nakahiga don.

"You asked for 500. We'll give you 5 million. Now, let's go." Oo, aaminin ko, malaki ang pera na 'to pero fakset 5 billion ang utang ni papa! Tsaka alam kong may kapalit 'tong 5 million na 'to. Hinigit na nila ako ng tuluyan at pinasok sa itim na limousine.

Nilibot ko ang tingin sa loob at paksyet ang gondoooo. Kukunin ko na sana ang cellphone ko at pipicturan na sana ng tinutukan ako ng baril ng dalawang shofong MIB.


****
Hi! Hope you liked the first chapter of my story! If you have a photo for me to use for this book's cover please pm me! Comment if you want more! And vote so I will be determined to write. Thank you!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 25, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

KILL ORGANIZATIONWhere stories live. Discover now