CHAPTER 10: Birthday

47 4 2
                                    

Don't forget to vote before reading. Don't forget also to leave your comments. Enjoy Reading.

Thank you.

................................................

"Anak, Jam, halinga kayo at tikman niyo to dali."

Dali-dali kaming tumayo sa lamesa ni Jam para magtungo sa kusina para i-patikim sa amin ang niluluto niyang Inadobong isaw at paa ng manok.

"Mmmm, masarap siya ma pero bakit ganito yung niluluto mo ma? Pangpulutan tong mga to ah tsaka di ka man lang nagpaluto ng kanin sakin?"

"Oo nga tita pangpulutan lahat tiyaka ang dami dami hindi katulad last year." Habang patuloy si Jams na lumalamutak sa pinapatikim ni mama. Hindi na tikim ang ginawa lamon na.

"Mga junakis for a change naman gusto ko rin magshot-shot ngayong birthday ko. Tsaka hindi ba nasabi sayo ni Tim na nagimbita ako ng iba pang mga bisita?"

Napabaling ng masamang sakin ang bespren ko. Nakapamewang ito at nakataas ang mga kilay ng gaga.

"Hehe sorry Jam bes, nakalimutan kong sinabi hehe"

*Ting* *Ting* *Ting*

Tatlong beses yun. Kasi yung tatlong mokong nag-message na malapit na raw sila.

"Ma malapit na raw silang tatlo dito"

"Hihi, sige, magshower muna ako ng mabilis at makapagbihis na. Kayo diyan mga anak mag-ayos-ayos na rin kayo, Yung mga cocktails natin ha? Don't forget"

Nagrequest ng Tequila Sunrise at Margarita si mama which is favorite naman niya. Wala pa kami sa course subject na Bartending pero natututo naman ako thru youtube. Pinuwesto na naming ang lamesa para sa mga drinks, gusto kasi ni mama na parang nasa bar daw siya na magoorder. Nakahanda na rin ang mga necessary ingredients glasses and equipment pang mix ng drinks, ewan pinagbibigyan ko na lang ang nanay ko, birthday naman niya eh.

Naghanda rin ng lamesa para sa mga pagkain tulad ng, Inihaw na pusit, Inihaw na mackerel, Ginisang sugpo which is yung pinagkaka-abalahan naming sa mesa kanina, yung Inadobong isaw at paa ng manok at yung dalang lechon manok ni Jam. Naroon na rin ang mga platito at mga kubyertos.

Take note, naka skirting ang mga mesa at may pink and red backdrop na mga tela pa sa malawak naming dingding at nakalagay ang palayaw ni mamang "MINDY". Naging maayos naman ang mga pinagpaguran naming ni Jam kung saan Thursday pa lang inaayos na naming ito.

Nakapictorial ka na kami at naghilamos na lamang para maging fresh ang pagmumukha. Nakatayo kami at tinatawanan naming dalawa ang aming sarili sa mga wacky at stolen shots namin sa isat-isa.

*Knock* *Knock* *Knock*

Napalingon kaming dalawa sa pintuan. Nandito na pala ang nagsisipogiang mga lalaki. (Makikita niyo ang porma nilang tatlo sa picture ng media ng chapter na to.)

"Wow ha, ang popogi niyong tatlo, tara pasok kayo, upo kayo dito sa couch" paanyaya ko sa kanila.

"Oy Gaga buksan mo yung aircon este... electric fan pala bilis" Utos ko kay Jam.

Pansin ko ang mga bitbit na regalo nila Anthony at Hiro na nakabalot sa mga talaga namang mukhang mamahalin. Si Ryan lang mismo ang walang bitbit. Nako Ryan, kung gusto mong makuha ang blessing ni mama para ligawan ako dapat magpalakas ka rin kay mama.

"Hello ladies and gentlemen may present to you myself, Luzvimindy "Mindy" Manalo"

Pagkatapos inanunsiyo ang sarili, lumabas si mama na nakaayos ang buhok, nakamake-up at naka red dress, mala Maria Mercedes ang dating ng napakaganda kong ina. Nagsitayuan ang tatlong mga pogi para respeto na rin sa nanay ko.

Frustrated SingerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon