CHAPTER 1: I Just Wanna Hold You Close

118 4 0
                                    

Authors Note: Don't forget to vote before reading. Don't forget also to leave your comments.
Enjoy Reading.
Thank you.

.................................................

"Hooooy!! Bangon na jan PAYB TERTE nandiyan ka pa rin"

Bulyaw ng napaganda kong ina sakin. May dalang tasa ng kape at pan de sal. Siya si Luzvimindy Manalo,42 years old, ang mapagmahal kong ina kaso lang napakalakas ng boses, biritera kasi, sumasali ng mga singing contest nung mga araw niya. Sa ngayon hanggang videoke na lang siya, hanep ang boses ni mama, mala Songbird ang dating. Byuda na rin si mama kaya sya na lang ang nagpalalaki sa nagiisa niyang unico iho.

Napaupo ako sa'king kama at inis sinabing..

"Ma, di ba sinabi ko sayo kagabi wala kaming prof. wala kaming lab ngayon. Hindi kami magluluto ngayon. Wala kaming pasok ngayon umaga. Ma, Tingin ka sa bintana..."

Turo ko sa bintana.

"Malayo pa ang UMAGAAAAAA!!!!..." pagbirit ko.

Nagulat na lang ako ng pinasak ng mama ko ung hawak nyang pan de sal saking bunganga na syang ikinasama ng tingin ko sa king mama.

"Nako BEBE GIRL nakakarindi ka, alam kong wala kang pasok hindi pa ako ulyanin, ginising kita ng maaga dahil magpapatulong ako magbake sayo, para maaga ko i-deliver sa YUMMY CAFÉ. Hala sige bangon na maghilamos at mag mumog ka na diyan para makalamon na tayo."

Grabe lamon talaga? Tapos tinawag pa akong BEBE GIRL. Nakaka asar lang. Haaay ano ba yan nagpuyat pa naman ako kagabi kausap ko kasi ang bestfriend ko sa tawag, saka niyo na lang siya kilalanin. Sa ngayon ako muna.

Hi I'm Tim Manalo. 17 years old, 2nd year BSHRM student, 5.3 ft. tall, katamtamang payat lamang at medyo may kaputian, mana sa nanay kaya pogi rin ang inyong likod.

Tama kayo ng nabasa kanina, tinawag akong BEBE GIRL ni mama. I'm gay at alam na ni mama yun since high school pa lang nung inamin ko. Hindi naman po ako ung baklang manamit at kumilos babae. Discreet ganun. Masasabi kong gay ako kasi sa lalaki ako nagkakagusto. Sa babae never talaga, kahit crush lang never.

Mahilig ako sa music. Sa katunayan sa 16GB memory ng cellphone ko ay meron na akong 4,000+ songs at dahil love ko ang music. Naka arrange ito sa ibat ibang album depende sa kanyang genre at artist. Nagdodownload lang ako ng music na may lyrics tapos yung may picture para feel na feel habang kumakanta.

Sa kasawiang palad hindi ko man lang namana ang talent ni Mama sa pag kanta. Baka kay tatay ako nagmana... pero kailanman hindi nagkukwento ng kahit ano si mama ng kahit ano kay papa. Sinasabi na lamang niya na iniwan na daw kami at hindi na daw kami mahal.

-----YUMMY CAFÉ-----

Kasalukuyang kaming nandito sa café na pinagdedeliveran nia ng mga pastries and cakes na ginagawa niya galing sa bahay. Masasabi kong napaka talentado ng nanay ko kaya bakit iniwan kami ni tatay.

"Ayieeehh makikita natin uli yung crush mo" Pang aasar ni mama.

"Tsk, mama naman wag kanga no baka sungaban ko si Sir Anthony Villanueva niyan" Inis kong sabi, pero ewan crush ko naman talaga si sir.25 years of age, Gwapo, matangkad, mabait, maganda ang ngiti, masarap titigan, masarap ang abs.

--Flashback--

May nakalimutan kasi si mama pinabalik ako nuon sa locker room nila. Naabutan ko kasi nun si sir na nagbibihis nagbubutones ng pantalon niya. Napatulala talaga ako dahil kitang kita mo talaga yung mala pandesal niyang abs. Nakatulala lang ako nun sa kanya habang nabibihis sya. Slow motion lang. Nagising na lang ako sa ulirat nung nasa harapan ko ang napakabangong si sir at hinalikan ako ng mabilis... Oooops hindi sa lips wag kayong ano.. sa pisngi lang saka lumbas na sya ng locker room. Basta nakakahiya yung pangayayring yun nuon or nakakakilig, grabe lang ampota, kanin pa please.

Frustrated SingerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon