CHAPTER 4: Kiss you

57 3 0
                                    

Authors Note: Don't forget to vote before reading. Don't forget also to leave your comments. Enjoy Reading.

Thank you.

.................................................



PAAAKKK!!!

"Aray naman JAMS" himas ko sa kaliwang braso ko dahil sa kanyang paghampas.

"Bes, walanghiya, putsa, betch. Napakalandi mong bakla ka, ahahahaha"

Nakakainis lang din kasi dinuduro niya yung noo ko ng malakas habang tumatawa ng parang bruha dahil ata kinikilig. Kinuwento ko kasi sa kanya ang mga nangyari kahapon.

Yung mga actions nila towards sakin, yung kiss ng dalawang sir ko, tapos yung confessions of feeling ni Sir para sakin.

Napangiti ako ng bahagya dahil sa kiliting aking nararamdaman. Napakadaming nangyari sa dalawang araw lang. Eto araw ng Biyernes, na eexcite ako sa mga mangyayari, kaabang abang.

PAAAKKK!!!

"JAMS ano ba yan hinampas mo na nga ako sa kabila tapos ngayon sa kanan naman"

"E para kang tanga ka naman talaga e, pangiti ngiti ka diyan, landi landi mong hinayupak na bakla ka, pati yung mga Sirs mo at yung lalaki sa C.R. pati sila malalandi, hayok na hayok sayo bes. Dami mong suitors ikaw na!!! Daig mo pa si Rapunzel sa haba ng hair mo. Ikaw ha magkakalove life ka na tapos magiging, ma...ma..magigi... magiging.........*sniff* *sniff*.. ahuhuhuhu."

Nako biglang tinopak na naman tong bespren ko, napadrama ng di oras. I need to calm her down kasi napalakas ata ng emote neto. Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante dito.

"JAMS, halika nga dito" nang makalapit na siya sakin ay inakbayan ko to at siya naman ay napayakap sa katawan ko at ang mukha niya ay nakasubsub saking leeg. Ramdam ko pa rin ang kanyang hikbi at pagdaloy ng luha.

"JAMS kung sakaling magkalovelife naman ako e hindi ko naman magagawang kalimutan ka dahil pagkabata pa lang natin ikaw na ang kasama ko sa buhay, para na kitang nanay, teacher, ate, doctor, bodyguard at lahat ng kahit ano mang trabaho diyan, mababawasan nga lang ang time natin together pero it doesn't mean na hindi ka mahalaga sa'kin . May dumadating lang talaga na priorities which is pwede din mangyari sayo di ba, balang araw magkakapamilya ka ding babae ka, magkakaron ka rin ng priority but the friendship, I believe that it will last as long as we live. Best friends forever okay? Pinky Swear bes?"

"*Sniff* *sniff* Pinky Swear bes ko, *sniff* I love you bes, bes tayo forever ahuhuhu"

Nakakatuwa talaga tong kaibigan ko, napakatotoo at napakasupportive. Wala akong pakiaalam kung pinagtitinginan kami ng mga estudyanteng dumadaan basta ako may kaibigan akong tapat at loyal. Napakaswerte ko.

--------------------------------------------------------------------

Holding hands while walking papuntang bus terminal. Habang si JAM may kinalikot duon sa phone niya. Mukhang may nagtext.

" Bes Tim, hindi uli ako makakasabay umuwi sayo a, si mama pinapatawag ako sa grocery duon." Pouting her lips sa direksyon na tatahakin niya later.

"Bes Jams, Sabado naman bukas ah wala ka naman ng pasok sa araw nayun'

"Bes Tim nakalimutan ko pala sayo sabihin uwi pala kami ng probinsya ng madaling araw kasi dumating si tita yung kapatid ni mama, alam mo na, pasalubong, so sige na bes, Larga na this, bye bes Tim, ingat ka a?"

Frustrated SingerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon