CHAPTER 8: Confessions

34 3 0
                                    

Don't forget to vote before reading. Don't forget also to leave your comments. Enjoy Reading.

Thank you.

................................................

"Ryan"

"Yes Tim, it's me" then he kissed me in my forehead. Siya palang ang unang lalaking nakagawa saki neto. Masarap pala mahalikan sa noo. Ramdam ko yung love, care at respect niya sa'kin.

"Tara lunch na tayo, nagluto ako ng baon na'tin" sabi niya sa'kin habang nakangiti siya.

Tumango na lang ako at ngitian na din ang napakagwapong lalaki na ito. Kinikilig ako pero ayoko na lang magreact physically kasi alam ko may nakatingin sa'min. Marami na naman sigurong tsimis na kakalat. Hay nako, kung payagan lang sana ng bago nating pangulo na pumatay ng tsismoso't tsimosa ng hindi nakukulong e matagal ko na sanang ginawa.

Tahimik lang kaming naglalakad habang nakangiti papunta sa nagiisa at pinakamalaking puno ng Acacia sa buong University. Maganda ang paligid neto kasi malawak ang silong nito dahil sa mga naglalakihang mga sanga at mayabong na dahon. Hindi mo na rin kelangan ng upuan dahil napapalibutan ito ng Bermuda grass kung saan pwedeng umupo at mahiga dito.

Pumwesto kami malapit sa puno para may masandalan habang kumakain. Inilabas niya ang baunan niya sa kanyang bag. No wonder na ganun pala kalaki ang bag niya dahil mejo malalaki ang mga tupperwares na dala niya. Ulam naming ay Ginataang sitaw at kalabasa at Chicken fillet at may hollandaise sauce pa.

Nagkwentuhan kami habang kumakain. Natututo na pala siya magluto dahil mag-isa na lang siya nakatira dito sa Pilipinas. Ayaw niya sumama sa Japan together with his mother and father. Inilabas din niya ang kanyang wallet at smartphone para ipakita ang mga nadownload at nakunan niyang picture ko. Humingi rin siya ng paumanhin dahil sa pagi-stalk daw niya sakin. Grabe ang gwapong stalker naman to. Marami pa kaming napapagusapan. Kung bakit ito nag kursong kinuha namin at tungkol sa buhay buhay. After ng ilang mga minutes, biglang sumeryoso ang muka neto.

"Tim, may tatanungin lang sana ako sayo, ok lang ba?"

"Sige lang Ryan, mukang seryoso yan a?"

"Oo e, pumunta kasi ako sa inyo kahapon..."

Lumaki ang mata ko sa mga narinig ko, literal kasi nagulat talaga ako. Tuloy parin sa pagsasalita si Ryan.

"Bibisitahin sana kita Tim, kaso may nakapark din na kotse sa harapan niyo parang kilala ko rin ang may ari niyon. Bukas ang gate nito rin nuon kaya pumasok ako. May mga narinig ako na mga ungol."

Napayuko ako duon dahil nahihiya ako sa kanya.

"Ungol niyo yata yun. Narinig ko ang boses na nagsabi ng pangalan mo the narinig kita, binaggit mo rin ang pangalan niya. Ayun... alam ko na ang ginagawa niyo"

Napatingin ako sa kanya, malungkot ang ekspresyon ng kanyang mukha katulad nuong naging malungkot siya sa C.R. nuon.

"Si sir Hiro yun di ba?" tanong niya sakin.

"Aaaah eeeeh, oo eh" napakamot na lang ako sa buhok. Medyo nagbublush na rin siguro ako dahil sa hiya.

"Tsaka nung Saturday nakita ko kayo sa bayan, bumaba ka sa kotse ng isang lalaki. Alam ko rin kung anong meaning ng mga tingin at ngiti niya sayo. I think he likes you too"

"May nangyari din sa amin ni sir Anthony, yung nakita mo"

"Aahh , kaya pala, haaaaaay"

Hindi na ako makapag isip ng aking sasabihin s kanya kaya tamemena lang ako. Siguro naturn-off na siya sa mga nalaman niya.

Frustrated SingerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon