WHB. 14 - "They're On"

1.1K 38 2
                                    

Update na GUYS!! Ewan ko kung mapapakilig ko kayo. LABYU ALL!!

ENJOY!

---------------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 14

(Play the video to feel this chapter --------->)

KATHRYN’S POV

“Kath... I love you...”

Nagulat ako sa sinabi ni DJ.

“H-huh? Anong s-sabi mo?” ako

“Kath, ang sabi ko mahal kita..” tumingin ako sa mata ni DJ. Bat parang nagsasabi sya ng totoo?

Ngumiti ako. “Seryoso ka ba DJ?” natawa ako ng konti

“Oo. Seryoso ako Kath. Please believe me” DJ

Nilapitan ko sya at hinipo ang noo nya

“Wala ka namang saki--”

Di ko na naituloy ang sinasabi ko dahil hinila nya ang kamay ko. Ngayon ay magkalapit na kami ng mukha.

Nagkatitigan kami. Eto na naman yung moment na parang nagso-slowmo yung paligid

“Kath, I love you and it’s true. Sa tingin mo nagbibiro ako? Bakit? Kasi mayaman ako at maykaya ka lang. Kath, naniniwala ka pa ba sa mga ganyan?”

Nararamadaman ko ang hininga nya sa mukha ko.

“D-DJ kasi--”

“Kasi ano? Kasi hindi mo ako mahal?...” tanong ni DJ

“Hindi naman sa ganun DJ..” ako

“So mahal mo ako?” DJ

Mahal? Si DJ? Ewan ko pero masaya ako pag-kasama ko sya. Magaan ang loob ko pag-kausap ko sya. At isa pa, importante din naman sya sakin..

.

MAHAL KO NA BA SYA? .......... siguro..

“I guess hindi mo ako mahal. Hinanda ko na ang sarili ko sa ganyang sagot”

Inilayo na nya ang sarili nya sakin

“Sige Kath, kita nalang tayo sa Monday. See you. BYE!”

Umalis na si DJ

Mahal nya ako...mahal ko sya... hindi pa huli ang lahat

“Hoy DJ sandali lang!” sigaw ko sakanya

Nakita ko syang tumigil. Dahan-dahan syang lumingon sakin

“Kanino mo naman nalaman na wala akong gusto sayo?” ako

Lumakad ako papalapit sakanya

“Kung kanino mo man nalaman ‘yun. Napaka-sinungaling nya...”

Kumunot ang noo ni DJ

“DJ, mahal din kita!” biglang napangiti si DJ

“Anong sabi mo pakiulit?” DJ

“Sabi ko..MAHAL KITAAAA!!!!!!!!” sigaw ko

Bigla nya akong binuhat. “Uy ibaba mo nga ako!”

“Yes!!! HAHAHA, mahal ako ni Kath! HOOOOO!!!!!!!” sigaw ni DJ

“Ibaba mo nga ako sabi eh” ako

Maya-maya ay ibinaba na nya ako.

“Thank you talaga Kath, hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya” DJ

“Salamat din DJ dahil minahal mo ako” ako

“So ano tayo na ba?” DJ

Nabigla ako sa tanong nya. Agad-agad naman?

“Ang bilis naman. Walang ligaw-ligaw?” ako

“Mainipin kasi ako eh, pag-pinaligaw mo pa ako baka humanap ako ng iba” DJ

“Edi maghanap ka na lang ng iba!” sabay irap at talikod ko sakanya

“Uy, joke lang eh” DJ

Hindi pa rin ako naimik

“Please, tayo nalang..” bigla syang pumunta sa harap ko at lumuhod

Tiningnan ko sya. Grabe ang gwapo nya sa wet look haa..

Di ko sya matiis. Mahal ko eh

“Sige na tumayo ka dyan” ako

“Anong sige? Tayo na ba?” hindi pa rin sya tumatayo

“Tumayo ka na kasi” ako

“Sagutin mo muna kasi ako” DJ

“Oo nga, sinsagot na kita! Tumayo ka na dyan?” ako

Tumayo na sya. At niyakap ako

“Thank you, thank you Kath. I love you!!!” DJ

“Teka nga lang” kumalas ako pagkakayakap

“What?” DJ

“Nag-propose ka diba? ano ibibigay mo sakin?” ako

Pakapalan na noh! Ngayon lang nagka-boyfriend eh

Lumuhod na naman sya sa harap ko

“Kath, please accept this ring as a sign of my love, my soul, and my affection” sinuot na nya yung singsing sa daliri ko

“Soul? Affection? Grabe naman ‘yun” natatawa kong sabi

“Sakyan mo na lang OK?” DJ

“Sige na nga, love naman kita eh” ako

Niyakap nya ulit ako ng mabilis.

“Uhm, Kath you’d better go home. Magkakasakit ka na, sisisihin ko sarili ko pag nagkasakit ka” DJ

“OA naman nito. Sige na uwi ka na din. Goodnight” ako

“OK, Goodnight din” hahalik na sana sya sa lips ko nang mapigilan ko sya

“Oooppsss, dito lang muna virgin pa yung labi ko eh” sabay turo ko sa pisngi ko

Kiniss na nya ako sa cheeks. Grabe kilig ako.

Pagkatapos ng aminan ay umuwi na ako sa bahay namin. Dumiretso na ako agad sa kwarto ko at nagpalit na ng damit.

Ang saya ko grabe. Kami na ni DJ!

////////////////////O/////////////////////////

--------------------------------------------------------------------------------------

THE END... joke HAHAHA :P

Musta? nagustuhan nyo ba? LIKE . VOTE . and COMMENT pleaseeee......

When Heart Beats (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon