TRUE STORY ~
"Minsan kapag nag mahal tayo , kailangan natin ibigay lahat para sa ikakasaya ng mahal mo . Na kahit nagpapaka tanga na tayo , wala tayong magagawa KASI nga NAGMAHAL TAYO . "
Ako si "Chetim Rieje" taga Japan ako , nag migrate kasi yung pamilya namin sa Japan kaya dito na kami nakatira . 16 years old na ako ng tumira sa Japan . Nakasanayan ko na din yung klima , mga tao at nakakasabay na ako sa mga trip ng Hapon dito .
High School graduate ako sa Pinas , pag katapos kung grumadaute dun kinuha na kami ng Mama ko at sinabing dito na kami titira .
May naiwan akong nobyo sa Pinas , naawa ako sa kanya dahil sabi niyang mag hihintay siya akin , minahal ko siya kahit papano . Pero habang tumatagal unti unting nawawala ang pagmamahal ko sa kanya .
Tuwing mag iilove you siya di na ako kinikilig , parang wala ng sparks between samin . Kaya mas minabuti kong MAKIPAG HIWALAY nalang para di pa siya lalong umasa pa . Nung una ayaw niyang pumayag , maghihintay daw siya . Kinukulit niya ako sa FACEBOOK, kaya blinock ko nalang siya .
Ilang linggo din nung wala na akong balita sa kanya , para tuloy ang sama ko sa ginawa ko . Gusto kong humingi ng tawad pero di ko magawa . "GUILTY " yan ang nararadaman ko sa mga oras at panahong yun , pero kailangan kong mag MOVE ON dahil walang mangyayari kung patuloy akong mag papaka lunod sa guilty ko .
Tinuon ko lahat ng oras ko sa pag aaral ng Japanese . Aral at bahay ang daily routine . Wala pa akong phone ng mga panahong yun dahil mahal ang bills dito sa Japan. Hindi kagaya sa Pinas na sim ang gagamitin dito bills at kuryente haha .
Nagkaroon ako ng part time job sa tulong ng tita ko , isang kumpanya : taga tupi , taga lagay ng tag sa damit . Simple pero napaka pagod pero ayos lang atleast nakaka tulong ako sa bahay kahit papano :) Dahil nga medyo marunong na akong mag Japanese binilhan ako ng phone ni dad , pero yung kundisyon ARAL muna bago PHONE. Nasunod ko naman yun , inuuna ko mga gawaing bahay bago yung phone ko .
Syempre uso FACEBOOK kaya araw araw akong nag fe facebook sa phone ko . AT sa FACEBOOK na yan jan nag simula ang LOVESTORYA KO <3