3

39 1 0
                                    

"ok salamat -_- kahit minura mo ako" -Di ko ini expect na yung nagmura sa akin ay siya pa tutulong sa akin.

"wala yun. Trip lang talaga namin ibash yung kontra sa kapatiran namin. Ay sorry ha, di ko alam nasaktan kita "-Leo. Ay mabait naman pala :3

"ok lang yun ^__^ di ko lang kasi makalimutan yung mukha mo." -Sabi ko.

"huh? saksakan naba talaga ako ng pangit para di mo makalimutan *sabay dila*" -Leo.

Ohmygaaaaad O.O baka di na niya ako tulungan sa request ko.

"hindi naman ^_^ Kapag ang isang tao kasi may nagawang kasalanan sa akin, di ko makakalimutan talaga. "-maniwala sana siyaaaa -/\-

"kung ganun. May nagawa akong kasalanan eh. So bat ka nakikipag friend?" -Leo. Ohmygaaaaad O.O baka mabasa niya utak ko na ginagamit ko siya. Ay utak? Nagcha chats lang pala kami eh. Hoo ~

"hindi ako nakikipag friend! Kakilala lang kita." -magkaiba naman yun diba?

"nagbago na isip ko. Di pala tayo friend eh." Leo.

NO WAY! T__T

"ok salamat nalang." -Maybe iba nalang hihingan ko ng tulong. Not him!

"Ano kaba joke lang ^_^ alam mo kasi sa isang Group, pakapalan lang yan eh. Kung magpapa apekto ka sa sinasabi nila talo ka. Don't you worry, we will work this out. WAIT ha Dota muna ako. Wait lang. " Leo. ABA! -.- Inamin nga niya na makapal mukha niya.

"tse! di bagay sayo magbiro. Pangit mo kasi " -SENT. ohmy O.O nasend ko. Wrong SENT akoooo T.T

Wala na, nasend ko na </3 Sana di siya magalit.

"Pero di ako nagpapa apekto ah. hMp"- Pangalawang message ko.

"hmm. Admin kasi kinalaban mo. Yan ang napapala ng babaeng warfreak. Joke ^_^v" -Leo.

"warfreak mo mukha mo -_-" -nakaka asar na siya ha.

"May mga secret admins kasi sa Group na yun. Like me, kasi inoobserbahan namin yung mga nagpopost dun." -Leo. secret admins? Chosero!

"kahit na. Sila yung Admins so dapat sila yung nangunguna sa pagiging friendly diba! " -MAY PINAGLALABAN AKO <(`^')>

"Yun naman ang ginagawa namin eh. At isa pa lumabag ka sa rule no. 1 'walang respect' nag exceed ang comment mo na di gusto ng iba kaya Automatically kick para wala ng gulo."-WHAAAAAAT! Nag init yung dugo ko sa sinabi ng ulupong nato.

"WALANG RESPECT?! srsly! "-Caps on para dama niya. "pinaalis nila ako without knowing my freaking side? Sila pa yung masasaktan sa pagmura sa akin? Sa pagdown sa akin? mga makikitid ang utak! " GABRIELA SILANG <(`^')>

"In the 1st Place, bakit ka nila minura?"-Di agad ako nakapag reply.

Ewan ko?

OO nga! Bakit nila ako minura ?

Dahil lang dun sa post ko minura ako?

"kahapon. Minura nila ako dahil lang sa post ko. I never felt na friendly lahat ng nandoon. It feels like im in hell." -out of nowhere my tears suddenly fell down.

Ang drama ko naman *wipe tears*

" That should explain it. Nakipag-away ka. Alam ko nararamdaman mo kaya magpapatulong ako sa ibang admins to get you back and I personally want to hear that freaking side you're talking about. "-Leo.

" Gusto kung bumalik para may last words ako sa mga na iwan kung mabubuting Friends! At ipamukha sa tatlong bugok na yun. Na si Kiyou, Ched at si Niever mukhang poser na mali siya. Alam ni Niever na wala akong sinabing nakakasakit. Pero bakit pa niya pina public na mag mura ? Or he just did that because he want us to show his immortality and immaturity side ? C'mon ! "-Taena. Daig ko pa si Gloria sa SONA ko ah.

"Relax close ko si Niever, i think we should talk."-Leo.

"Ou , itanong mu dun! Kung gusto mo, basahin mo mga messages ko sa kanya at ikaw na mag judge kung masakit ba yun. Kung hindi ipapamukha ko sa manok na yun na mali siya ! " -OU manok siya. Yung buhok niyang pang manok ang style >//<

"i guess we should really talk. i think Kailangan ko na ding mag quit sa Group na yan para sayo, makikita mo."-Leo.

Di agad ako nakapag reply. Mag quit?

Para sa akin?

Biglang may nag message sa akin.

Pag tingin ko.

○.○

○.○

si Niever ?!

Pretending  ( LDR )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon