Chapter One

118 12 5
                                    

Dianne POV

Hello! I am Dianne Eilish Fausto. I am a 17 year old girl from Quezon City. 1st year and studying Bachelor of Science in biology, kung magtatanong kayo, yes may plano akong magdoctor. Tch. May problema ka dun? Wala pala eh. Buti naman.

"Bebe! Ano? Tapos ka na dyan kaka daydream? Tara na! Mahuhuli na tayo sa klase natin!"

Ah. Bestie ko yan. Si Crystal Jane Dela Vega. Meron pang isa eh. Kaso iba ang course. Si Joanna Denisse Torres. Tatanungin niyo ako anong course niya? Wag na ako. Di ko maalala eh. Haha.

At dahil wala akong maikuwento sa inyo, bibigyan ko nalang kayo ng side to side comparison naming tatlo. Si Bebs Jo ay sobrang makulit at sobrang mabait kaya mabilis siyang nasasaktan ng tao. At least 5'4 ang height niya. Masarap siyang kasama. Pag ngumingiti o tumatawa ay nawawalan na ng mata. Singkit kasi pero wala siyang lahi. Payatot pero may figure at napakaganda. Hanggang dibdib ang buhok. Napaka Open Minded din nito, napaka understanding rin.

Si Bebe Tal naman ay may pagkabitter na babae. Mga 5'6 ang height. Napaka hyper at super duper madaldal. Yung parang di nauubusan ng kwento, pero kahit ganyan yang si Bebe? Napaka caring niyan. Gusto niya na nasa tamang oras kami kumakain lagi ni Jo. Napaka Open minded at approachable, pero mabilis mapikon lalo na pag nasosobrahan na pangangasar sa kanya. Pero marunong naman siya magalit sa tamang lugar. 'Di naman siya bara-bara.

Isa pa sa magandang quality traits niya ay napakaganda niya at napaka sexy. Parang si Bebs Jo. At alam niyo ba na pag may nakikitang couple si Bebe palagi siyang sumisigaw ng "WALANG FOREVER!" Tas tatawa nalang si Bebs Jo sa gilid. -___-

At ako, well I don't know pa ano ko idedescribe ang sarili ko pero sabi ng mga tao sa paligid ko ay napakamaldita ko daw, walang inuurungan na tao. Napaka palamura ko, kaya siguro ako hinirang na "Cuss Queen" ng Campus namin kasi kababae kong tao napakapalamura ko. Pero anong pake ko? Ako naman to eh. Tch. Isa rin akong "dakilang man hater" sabi nila Bebe at Bebs. Ayaw na ayaw na AYAW ko na may nanliligaw sa akin, kahit nga lumapit naiirita ako eh.

Pero pag sila dalawa lang ang kasama ko, tinatawag nila akong "Happy Virus" kasi ako ang nagpapangiti sa kanila lalo na pag down na down sila. Simula 3rd highschool kasi magkakasama kami. Super inseparable ika nga nila. Madalas ako din nagpapasimuno ng kababalaghan na usapan, gets niyo na siguro no? Hindi? Ay, slow ka teh/pre. Paki ayos ang turnilyo sa ulo.

Pero may common kaming tatlo, pare-pareho kaming reader ng app na Wattpad. Marami rami na rin kaming nabasa eh. Jonaxx, PinkyJhewelii, Xiomai at iba pa.

"HOY GAGA! ANO HINDI KA PA TALAGA TATAYO DYAN SA KINAUUPUAN MO? PARANG NAGLUE YANG PUWET MO DYAN EH! TAYO NA!! MAHUHULI NA TAYO ABA! FIVE MINUTES NALANG EH OH!" Sabi ni Crystal.

"Usong kumalma Bebe. May Date ka ba? Tch. Sino naman yang-- Aray! Tangina naman bebe! Nagloloko lang ako eh! Tara na nga!" Sabi ko.

Tumayo na ako at sabay kaming naglakad. Nakatikim pa ako ng batok eh. Bastusan. Tch.

"May padate date ka pa dyan na nalalaman babae ka? Ako nga tong di magkalovelife tas ako pa tatanungin mo kung may date! Baliw ka na talaga." Nagtatantrums niya.

"Hi Cyrs at Eilish." Malanding sabi ng isang lalaki na muhkang may masamang balak.

"Hi sayo! Di ka mag h-hi bebe?" Sabi ni Tal ng todo ngiti.

"Sorry. Allergic ako sa lalaki na muhkang F*ckboy, oh wait, lahat pala ng lalaki allergic ako. So lumayas ka sa harapan ko kung ayaw mong ingudngod kita sa lapag." Sabi ko ng malamig na tono.

I Fell In Love with a Dummy UserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon