Chapter Eight

27 5 1
                                    

Crystal POV

Hello! Ako na naman. Haha!

Haaay.. naawa na ako kay Bebe. Wasted siya. Kanina pa siya iyak ng iyak. Taena! Mapapatay ko yung Ivan na yon! Di ko mapapatawad yung lalaking yun!

May ikukwento ako sainyo, alam niyo ba bat nagkaganyan si Eilish? Bakit siya naging man hater? Nasaktan na kasi siya noon.

Much more worse than what happened to her.

Yan kasing si Eilish nagka EX yan. Nung 4th year kami. Saglit lang naging sila eh at ultimate crush niya yung lalaki. Super inlove siya dun sa guy bago pa man maging close kami nila Joanna.

Ganito yun, nung nalaman ni Eilish na may gusto sa kanya yung guy na yun, edi ayun umamin yung gaga. Syempre ikaw ba naman crush mo may crush din sayo di ka ba magugulat? Di ka ba matutuwa? Edi niligawan niya si Dianne. Alam ng parents niya lahat eh. Kung pano nanligaw yung lalaki sa kaniya. Kung kelan niya sinagot. Mga 2 bwan nangligaw yung guy eh. 6 months after.. iniwan niya nung lalaki ng walang rason. Isipin mo ha. Walang rason yun! For 6 months na inakala namin mahal nila ang isa't isa. Pero what? Wala lang pala. Pinagtripan lang siya nung lalaki. Sinaktan. Niloko. Ginago tapos iiwan lang siya. Nakakatawa pa nito pinagpalit siya sa kaaway niya. Yun pala talaga yung mahal nun lalaki.

Kung ikaw kaya nasa sitwasyon niya? Di ka kaya masasaktan? Di ka kaya magbago? Sa tingin mo?

Ngayon nasaktan na naman siya. Napaaaa na naman siya. I feel bad. Pero taena! Wag lang talaga magpapakita sakin yang Ivan na yan! Patay yan sakin!

Anyways! Mayroon na akong Dummy Account! Add niyo ko ha? Francheska WP!

"Be-Bebe!!" Sabi niya sabay akap sa akin.

Di kami pumasok kasi wasted ang gaga. Haaay. Nasaktan talaga siya ng sobra. Muhkang nabagsakan ng bato tong babaeng to.

Kanina pa iyak ng iyak eh. Haay.. kung pwede ako nalang sumalo ng lahat eh. Or kaya half nalang kami! O 1/3 kay Jo yung 1/3. Hahaha de joke lang.

"Bebe wag mo na siya iyakan.. please? Di siya worth it! Sayang luha mo dun sa gagong yun at please kumain ka na! Ipagluluto kita ng carbonara. Promise. Masarap yun! Favorite mo yun diba?? Kain ka na please?" Pag mamakaawa ko kay Eilish.

Alam niyo bang halos isang araw ma siyang hindi kumakain? Pero kung tatanungin niyo ako kung sa isang linggo di siya kumakain? Mga tatlo hanggang apat lang naman. May balak ata magpakamatay to. Tangina! Di ako papayag!

"Bebe. Ayokong kumain. Wala akong gana. Matutulog muna ako." Sabi niya sa akin, kakatapos lang umiyak eh.

"Please bebe! Nagmamakaawa ako sayo.. wag mo pabayaan ang sarili mo. Nagangayat ka na oh! Di ka na sexy! Toothpick ka na niyan! Nasan na yung Dianne Eilish na nakilala ko na mataray at palaban at super duper man hater? Kinain na ng sistema ganun ba? Bebe! I swear don't waste your tears on that assh*le! He doesn't deserve any single drop of your tears! So pretty pretty please stop crying."

Nakayuko parin siya at napaka gulo ng buhok. Palibhasa di na nagsusuklay. Hay epekto ng pagmamahal na naman.

"And now you look like a witch bebe. Sobrang tangled yung buhok mo!"

*DINGDONG*

Baka si Joanna na yun. Nagmadali akong pumunta sa pinto at binuksan iyon.

"Oooy! Kumain na ba yan? Di pa rin no? Psh." Sabi ni Joanna.

Alam na alam na niya kung kumain si Dia or hindi eh. Lumapit si Joanna sa pusa na alaga ni Dianne at inamo ito. Inagaw ni Dianne yung pusa at inakap niya ito habang umiiyak.

"Akisha, magmomove on na si Mama." Matigas niyang sabi dun sa pusa niya.

"Oh may gas Bes! Narecord mo ba yun?! Bebs! Bat ngayon mo lang naisipan yan! My goodness! Nakakaloka! At sa pusa mo pa sinabi hindi sa amin ah." sabi ni Joanna.

"Joanna bayaan mo na nga! At least sinabi niya na, nagmomove on na siya! Ohaaa! Let's celebrate! Wahahaha joke lang. Pero bebe! Kumain ka na! PLEASE lang talaga."

"Opo na.. kakain na." sabi niya

Hay sa wakas! Napakain ko rin tong babaeng to. Parang bruha na eh! Isang araw na ata hindi naliligo to eh! Wahahaha!

Also, isa pang ugali ni Eilish, napaka sensitive niyang babae. Yung over over nine thousand yung sensitivity level niya pag nasaktan. Minsan nga lahat ng problema siya ang nasalo eh. Kahit na may pagkamasama yang si Eilish, marunong paring masaktan niyan. Babae parin talaga siya. Kahit na may pagka batak ugali niyan, nasaktan, nasasaktan at masasaktan siya.

Pagtapos niya kumain ay pumunta siya sa CR. Awiee~ may emergency ata hahaha. Lumabas na siya

"Bebe! Bebs!"

0___0 grabe tong babaeng to, parang hindi nasaktan eh! Pag nagayos talaga siya ang ganda niya! Tumayo ako sa sofa nila at nilapitan siya.

"Ang bango mo na bebe! Awwie! Ayan! Ang ganda mo oh! Magaayos ka lagi! Di yung para kang witch kanina, nakakaloka eh. Ang ganda ganda mo tapos aaksayahin mo yun luha mo sa isang gago. Di worth talaga. Magsisisi talaga yung lalaking yun!" Sabi ko.

"Oo nga Bebs! Makita niya iniwan niya! Gagong yun! Awwie! Sumexy ka lalo Bebs! Pak ganern!" Sabi naman ni Joanna

"Wala akong pi--"

"Oo alam ko wala kang piso bebe, at di naman piso kailangan namin no! Kailanang namin ay ngumit ka. Mas priceless ang ngiti mo bebe. Ngiti na ah?"

Tinitignan namin siya, nakapoker face siya pero nagulat kami nung ngumiti siya sa amin. Omooo! Namiss ko ang ngiti niya!

"BES! OH MY GEE BES! NGUMITI SI DIANNE! KAKALOKA! AFTER 2 WEEKS AND A HALF! NGUMITI NA SI DIANNE!" Sinigaw ko habang pinapalo si Joanna. Waah T.T sorry Joanna hahaha

"Oo alam ko! Masakit! Grabe ka! Alam ko naman na nakangiti na si Eilish! Di mo ko kailagan paluin!" Sabi ni Joanna

"Tumigil nga kayong dalawa. Tch. Okay na ako. Narealize ko na di nga siya deserving. Walang kwenta. Magsama nalang sila. Hahaha." Malamig na sabi ni Eilish.

Goodness Gracious. Anlamig! Yung tono niya 0__0

"Bebe are you okay? Seriously? Anlamig mo bebe.. creepy konti." Sabi ko sa kaniya.

"HAHAHAHAHAHA!! Shit Bebe! Yung reaction mo! HAHAHAHAHA!! Walang hiya yan! SHET WAIT DI AKO MAKAHINGA KAKATAWA! FUCK! HAHAHAHA!!"

What the. Baliw na si bebe. Gahd. *nagsign of the cross* Lord yung kaibigan ko po. Huhu nababaliw na po siya. Tulungan niyo po siya. Parang awa niyo na po.

"Bebs, anyare? Nabaliw ka na?" Tanung ni Joanna.

"Bes, sinaniban ng masamang espiritu tong si Eilish. Gahd. Papa-exorcism ko na ba?"

"Anong trip niyo sakin? Kulamin ko kayo dyan gusto niyo? Porket bumalik na ang katinuaan ko eh. By the way papasok na tayo bukas. At seven o'clock narin pala. Tara kainin na natin yung niluto ni Crystal. Kanina pa gusto magpakain nun eh hahaha." sabi niya

Mga bes! Tumawa na siya talaga! T_T Ang bebe ko bumalik na talaga! Awiee im so happy!

Nagmadali akong umupo sa upuan. Kumuha si Eilish ng plato namin, kutsara't tinidor at baso. Agad kaming kumain at umuwi narin sa unit namin ni Joanna.

~ ~ ~ ~

VOTE, SHARE AND SUPPORT ❤

I Fell In Love with a Dummy UserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon