Chapter Twelve

20 4 0
                                    

Joanna POV

"I hope you enjoyed the first song. The second song is one of the songs na commonly na narerequest para kantahin ko. Minsan nga naisip ko kailan kaya ako mabibigyan nito. Hahaha joke lang. The second song is Roses." sabi ni Eilish

Kakaloka! Ang ganda ng boses talaga nitong si Eilish! Mamamalimos nga akong boses sa kanya mamaya pag okay na siya sa kantahan. Hahaha.

Anyways andito kami ni Crystal nakikipagchikahan sa isang tropa ng lalaki na nakiupo sa amin. Mga 4 ata sila or lima.

"Miss, kakilala niyo ba yung bokalista ngayon? Kasing ganda niyo siya eh. Kaclose niyo ba siya or anything?" tanung nung isang ng katropa nila.

"Pfft. Ano yan pre? May interest ka dun sa bokalista? Tangina pre. Akin siya." Sabi nung isa.

Pfft ganda kasi ni Eilish kaya ayan pinagaagawan na. Maganda na talented pa.

"Magaway away kayo dyan sige. Basta sa akin si Joanna." Sabi nung katabi ko. Kikiligin na ba ako? Haha joke lang. Di naman kami close nito. FC lang siya sa amin. Well single naman kami nila Eilish kaya no problem makipag mingle.

"Ay. Seryoso ba yan? Kikiligin na ba ako?" Sabi ko sa kanya.

"Beyb! Ma-Mahal ko talyaga sha beyb Jo! Ma-mashaket! RP lang ang yahat! Taposh yung isha? Iniwan ako! Pinaasha ako! Putaktye! Lashing nya ako!"

Napakamot ulo ako eh. My goodness tapos ni Eilish, si Crystal naman. Nakakadalawang Dwayne na nanggagago kay Crystal eh. Buti ako isa palang. Hindi kami nagbibilangan ng heartbreak. Wag kayong manguna dito. Hahaha.

"Kasi naman eh. Tanga yang mga Dwayne mo beyb! Mahal ka nga RP naman. Walang kwenta yan." sabi ko sa kanya. Jusporsanto!

Wala namang kasalanan si Crystal dun eh. Yung lalaki! Sasabihan niyang "Iloveyou babe" o kaya naman "ikaw lang" tapos ano pa? Basta madami! At nasaksihan ni Eilish lahat yun. Kung paano siya sinaktan nung dalawang Dwayne. Pero nevertheless, makakamove on tong si Crystal. I know it.

Nilingunan ko si Eilish na nasa stage kumakanta. Nagulat ako kasi hindi niya napapansin na may luha sa kaniyang mga mata. Grabe. Pero alam niyo. Ang taas ng tolerance niyang si Eilish. Kakaiba siyang babae. Di niya napapansin na umiiyak siya kahit na na sa harap siya ng maraming tao. Parang kunwari wala lang.

Kumpara natin yan sa lovelife niya, nasasaktan siya pero pinapakita niya sa amin na okay lang siya. Kahit na sobra sobra na. Wala parin. Ngiti dito ngiti dito pero mamaya, makikita mo iiyak yan ng iiyak. Siya pa nga minsan nagpapatawa sa amin kahit alam namin na nasasaktan siya.

'Oh dyusko kailan kaya titigil mga kaibigan ko sa pagiging martyr.' sabi ko sa isipan ko. Pagtapos niyang kumanta ay namaalam na siya kasi alas dose na ng hating gabi. Well yun lang naman talaga ang shift niya. Pero nagulat ako kasi tumakbo na siya papunta sa rest house namin. Tumayo ako sa kinauupuan ako. Hinatak ko si Crystal at inalalayan.

Kitang kita ko sa mata ni Eilish na nasasaktan siya. So is Crystal, na buhat ko. Mabigat pala tong babaeng to -__- di ko keri. Ibagsak ko nalang kaya to? Hahaha joke lang.

Nagulat ako dahil may isang lalaking tumulong sa akin at binuhat si Crystal na parang bagong kasal. -____- yung totoo kuya?

"Saan siya dadalahin miss beautiful?" Tanung nung lalaki.

"Sumunod ka na lang kuya. Malapit na rin dito yung rest house na tinitirahan namin eh. Paki bilisan kuya." sabi ko at magmadali maglakad. Nilingunan ko si kuya at mabuti wala siyang balak na gawin kay Crystal nor sakin.

Nang makarating na kami sa tapat ng rest house nakita ko si Eilish umiiyak sa may balcony. Haaay. Isa pa to. Wasted ang isa yung isa naman umiiyak. Siya pati ako iiyak na rin.

I Fell In Love with a Dummy UserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon