Chapter 3

12.5K 543 99
                                    

"Gian, pwede mo ba kaming tulungan dito?" tanong ni Samarah, isa sa mga kasamahan ko sa mga gumagawa ng props. Kasama niya sina Alexa at Robbie. May dala silang malaking poste — isang mast — na mukhang ilalagay nila sa barko ni Captain Hook.

Kaagad ko silang nilapitan at tumulong sa pagbubuhat.

"Haay. Salamat talaga at may nadagdag tayong member dito," sabi ni Alexa.

"Salamat, Gian. Nang dahil sa'yo, mas mapapabilis ang trabaho namin dito," sabi ni Robbie.

"Nasaan ang Jolly Roger?" malakas na tanong ni Lucas. Nasa barko siya at nakatingin sa mga nasa ibabang members ng team. May hawak siyang checklist. "Nawawala ang Jolly Roger ni Captain Hook!"

Sandaling napako sa kanya ang tingin ng mga members.

"Eh?! Wala ba sa mga binigay namin kanina?" tanong ni Samarah.

"Wala. Balikan ninyo sa kabilang team. Baka naiwan doon," utos niya saka pumunta sa kabilang side ng barko upang mag-check ng mga kulang pa. "Lizbeth! Ayusin ninyo ang blend ng kulay niyan. Kulay hippopotamus yang crocodile ninyo!"

"Sakit mo mag-salita, four eyes!" sagot ni Lizbeth. "Alisin mo nga yang salamin mo para makakita ka nang maayos!"

"Maaaan," buntong hininga ni Robbie. "Nag-umpisa na naman silang dalawa."

"Gian, pwede mo bang balikan sa fashion team ang jolly roger?" tanong ni Alexa. "Hindi siguro naisama sa mga sails na kinuha namin kanina."

"Fashion team?" tanong ko.

"Oo, yung mga in-charge sa pag-gawa ng mga costumes," paliwanag niya.

In-charge sa mga costumes. Yung team nina... Eva?!

***

Nasa tapat ako ng pinto ng fashion team. Ilang ulit kong pinilit na hawakan ang knob ng pinto. Hindi ko magawang pilitin ang sarili ko na pumasok. Hindi pa ako handa na makita siya!

Kaninang umaga, nag-skip ako ng breakfast para lang iwasan siya. Ngayong naalala ko, nagugutom na pala ako.

"Hindi ka ba papasok?"

Nagulat ako sa boses na nagmula sa likod ko. Agad akong napalingon sa kanya. Nakita ko si Eva na nakatayo roon. Pinigilan ko ang anumang reaksyon na gustong lumabas sa mukha ko. Tinatawag ko parin siyang Eva kahit alam kong hindi naman niya iyon totoong pangalan.

"P-papasok," kinakabahan kong sagot sa kanya. Napalunok ako nang maalala ang nakita ko kagabi.

Lumapit siya sa pinto at binuksan iyon. Pumasok siya at sumunod ako sa loob. Nakita kong busy ang lahat sa mga ginagawa nila.

"Gian! Napadaan ka rito?" tanong ni Lori.

"Hi Gian!" bati ng ilan sa kanila.

"Hi, may kukunin lang ako rito. Naiwan daw yung Jolly Roger dito," paliwanag ko.

"Hindi ba kinuha na ni Samarah 'yon kanina?" tanong ng isa sa kanila.

"Wala raw doon eh," sabi ko.

"Naku, saan kaya nalagay 'yon?" tanong ni Lori.

"Tulungan ka na namin sa paghahanap," sabi ng isa sa kanila.

"Hwag na, mukhang busy kayo eh. Saan ba nakalagay iyon kanina?" tanong ko.

"Ako ang in-charge doon. Nilagay ko 'yon kanina sa storage room," sabi ng babaeng nakasalamin at ponytail. "Sumunod ka sa'kin."

Sumunod ako sa kanya papunta sa isang silid na nasa dulo. Binuksan niya ang ilaw at tumambad sa akin ang napakaraming rolyo ng mga tela sa mga shelves. Iba't-ibang klase at kulay ang mga ito.

Saving Prince Charming by Alesana_MarieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon