Six years ago
"Can you be my friend?" basa ng batang babae sa maliit na papel na nakuha niya mula sa bumagsak na lobo. "Kuya Gabby!"
Tumakbo ang batang si Giana papunta sa kuya niya na nasa tabi ng lawa at namimingwit.
"Bakit?" tanong sa kanya ni Gabriel na nilingon lang siya. May subo itong lollipop at nakasuot ng strawhat.
"May nakita akong papel, oh!" Ipinakita niya ang papel sa nakatatandang kapatid.
"Madumi yan Giana, itapon mo," utos nito sa kanya. "Hwag ka rin maingay, lumalayo ang mga isda."
"Hindi, may nakasulat kuya. Tignan mo!"
Walang nagawa si Gabriel kundi ang pagbigyan ang kapatid. "Can you be my friend?" basa nito sa sulat. "Saan mo nakuha yan?"
"May bumagsak na balloon! Galing sa langit, kuya! Angel siguro ang nagpadala nito!" excited na sabi ni Giana.
"Hah. Okay," di interesadong sagot ni Gabriel.
"Tara kuya, hanapin natin siya!"
"Paano natin hahanapin? Diba sabi mo nasa langit siya?"
"May naka-drawing na bahay!" turo ni Giana sa drawing na bahay sa likod ng papel.
"Bahay ba 'yan?" komento nito nang makita ang larawan.
"Sige na kuya! Hanapin natin siya!" sabi ni Giana at niyugyog ang braso ng kapatid.
"Oo na," napipilitang sagot ni Gabriel. "Pero magpaalam muna tayo kay Lola bago tayo umalis."
"Yehey!"
***
"Nakita mo na ba?" tanong ni Gabriel sa kapatid.
"Hindi pa, kuya," sagot ni Giana habang itinatapat ang papel sa bawat bahay na madaanan nila.
"Nakakatuwa naman kayong magkapatid," sabi ng kasama nilang si Ate Cecil. Inutusan ito ng Lola nila na bantayan silang dalawa.
"WAAAAAAHH!!!" malakas na sigaw ni Giana.
"Giana! Ano'ng problema?" nag-aalalang tanong ni Gabriel.
"Kuya! Nakita ko na!" kumikislap ang mga mata na sabi ni Giana. Tinuro niya ang bahay na nasa harapan nila. "Ito 'yon!"
Nang tignan ni Gabriel ang bahay, nakita niya ang pagkakahawig nito sa larawan. Dalawa ang palapag nito at may asul na bubong.
"ITO 'YON!!!" Mabilis na lumapit si Giana sa bakod at pinatunog ang doorbell. "We're here! We're here! We're here!" hindi mapakaling sabi ni Giana habang tumatalon-talon.
Makaraan ang ilang segundo, may nagbukas ng pinto. Nakita nila mula sa kabilang bahagi ng bakal na gate ang magandang babae na lumabas ng bahay.
"Laura," bati ni Ate Cecil sa babae.
Binuksan nito ang gate at nginitian sila.
"Ah, Ate Cecil, napadalaw po kayo?" nakangiting bati ng babaeng may-ari ng bahay.
"Sinamahan ko lang itong dalawang bata. Mga apo ni Lola Nora," paliwanag nito sa kausap.
"Nabalitaan ko nga na may mga apo raw si Lola Nora na dumating," sabi ng babae saka tumingin sa kanilang dalawa. "Ang cute ninyong dalawa. Ano ang mga pangalan ninyo? Pwede ninyo akong tawagin na Tita Laura."
BINABASA MO ANG
Saving Prince Charming by Alesana_Marie
RomanceKilalang Prinsipe sa mga kababaihan si Gian kahit na isa siyang babae. Itinuturing namang Prinsesa ng pamilya niya si Eva kahit na 'di naman dapat. Wala silang bagay na ipinag-kaparehas maliban sa sikreto ng nakaraan nila. Paano kung magkatagpo ang...