Chapter 9

17 2 2
                                    

"Uggh! Paano nga ulit ito?"

"Kanina ko pa inuulit 'yan sa'yo Leuchrisse. Ano ba?!" Pag-aangal ko sa kanya. Examination week na kasi namin ngayon. Si Lorrie? Ayun kasama si Johann may pinuntahan lang saglit. Kaya kami ni Leuchrisse ang naiwan dito sa field at nagrereview kami sa math. Kanina ko pa inuulit sa kaniya ang formula pero hanggang ngayon di pa niya kabisado. Kasi naman bukas na ang aming exam sa math.

"Pasensya na po ha? Mahina kasi ang utak ko sa math. Nosebleed here!" Sabi niya habang ang kanyang hintuturo ay sa ilong niya.

"Oh edi wow! Ang arte mo. Alam mo ba?" Sabi ko sa kaniya.

"Hmmp! Turuan mo na lang ako kaya? Sige na? Please?" Pagmamakaawa niya sa akin. Matching with puupy eyes pa. Hahaha! Tawa na lang ako sa isip ko habang tinitignan siya.

"Hmmm?" sambit ko at para bang pinag-iisipan ko kung turuan ko siya o hindi.

"Sige na! Ang arte mo AC!"

"Gusto mong turuan kita o hindi?" At tinaas ko ang aking kilay.

"Turuan syempre. Eto nanan ang high blood mo masyado. Oh sige, ipagpatuloy mo na 'yan," sagot niya at tumalikod na siya sa akin. Aww. Nakakatawang isipin na ganito pala ang ugali ni Leuchrisse.

"Hays! Wala naman akong ibang choice kundi turuan ka," pagsurrender ko sa kaniya.

"Talaga? Yehey!!!" patawa niyang sabi.

"Pero last na to okay?"

"Aye aye Captain!" At ayun tinuruan ko ulit siya at mabuti na lang na medyo gets na niya kaya madali lang sa akin na magstudy habang tinuturuan siya sa math.

Ilang minuto at natapos din kami sa pagrereview ngunit wala pa sina Lorrie at Johann. Nasaan na ba yung dalawang 'yon? Habang hinihintay sila nagpaalam ako kay Leuchrisse na pupunta ako sa library muna kasi kukuha ako ng aking library card at umoo naman siya. Kaya dali-dali aking tumakbo papuntang library at hinanap ang aking library card.

"Excuse me, miss?" Kinilibit ko ang babae kaya napatingin siya sa akin.

"Yes?"

"Tanong ko lang po kung nasaan dito nakalagay ang mga library card?" pagtatanong ko.

"Nasa 2nd floor pa yun. Pakaliwa ka lang at makita mo. Pero kung hindi mo pa din mahanap, pumunta ka sa librarian desk at magtanong," pagbigay niya ng instruction.

"Ahh. Ganun po ba? Sige salamat po," pagpasalamat ko sa kaniya at pumunta na ako sa 2nd floor. Nagpakaliwa ako at hinanap ko kung nasaan nakalagay ang mga library card. At ayun! Nakita ko na sa wakas!

Hmm? Letter S? Where art thou? Sylvestre? Bakit wala dito ang library card ko? Pumunta at chineck ko ulit sa letter S pero wala talaga. Ano ba yan? Bakit ganon? Dahil wala ang laat name ko doon, pumunta ako sa librarian desk.

Pumunta ako sa librarian desk at hinahanap ko si Ms. Librarian ngunit wala siya dito. Hays! Ano ba naman yan? Kailangan ko kasi ang library card ko para makapasok sa exam namin sa english tomorrow. Aish! May saltik kasi ang english teacher namin kaya niya kami pinakuha ng library card. Dahil hindi ko mahanap si Ms. Librarian, umalis na lang ako sa library at binalikan si Leuchrisse.

Nung malapit na ako sa field, may narinig akong kalabog sa isang kuwarto na galing sa abandon building. Sabi daw nila nasunog daw ito tatlong taong nakakalipas. Kaya napatigil ako sa paglalakad.

Dahil na curious ako, lumapit ako sa may pintuan at binuksan ito. Pumasok ako sa loob, hindi na ako kumatok dahil alam kong wala namang tao dito. Malay natin daga lang naman pala yun. Diretso lang ako sa paglalakad nang may nakita akong isang kuwarto. Sa pagkakaalam ko dito ko siguro narinig ang kalabog. Kung isipin niyo, ang abandon building ay isang two-storey at ako ay nasa unang palapag ng building. Kaya naman pumunta ako sa loob ng kuwarto, wala kang makita kundi mga paintings sa dingding na parang hindi pa siya luma at mga libro sa isang bookshelf.

Nagtataka ako dahil may mga kalat sa sahig, mga newspaper. Kinuha ko ang mga ito at tinipon. And something caught my attention, isang lumang newspaper na ang kanyang headline ay ganito: "Isang estudyante patay dahil sa nasabing sunog sa SouthWest University. Ilan nagsasabi na hindi ito namatay sa sunog at ang iba naman sinasabing ang estudyante ay narape." Kinuha ko ulit ang ibang mga dyaryo at pinatuloy ang pagbasa. "Sa aming mga nakalap na balita, ito daw ay sinadyang patayin. Pinasara ng paaralan ang pag-iimbestiga dito dahil wala sino man ang nakaalam sa nasabing trahedya."

Binasa o ang ilang mga balita tungkol sa school at halos lahat na nakalagay dito ay tungkol sa isang estudyante na namatay sa pag-aakalang nasunugan daw ito dito sa buidling na ito. May feeling ako na parang malapit ang taong ito sa akin.
*Blag*

May narinig akong basag na bote galing sa itaas ng building at alam kong may tao dito. Kinuha ko ang isang kahoy at hinawakan ito ng mahigpit. Lumabas ako sa kuwartong iyon at pumunta sa ikalawang palapag. Hinay-hinay akong lumakad para hindi marinig ang mga yapak ko. Pumunta ako sa isang kwarto na bukas. Sa pagpasok ko walang tao ngunot may narinig akong mga yapak. Yapak ng tao kaya naman tumago ako sa likod ng pintuan. Nang nakita ko ang kanyang anino, mas hingpitan ko ang paghawak sa kahoy na hawak hawak ko. At nung nasa pintuan na siya-

"Waaahhh!!" Sigaw ko at hinampas siya ng kahoy.

"Aray! Aray! Ano ba!" Reklamo niya. Sa pagkakaalam ko siya ay isang lalaki. "Masakit! Sheyyt!"

"Sino ka?" Tanong ko sa kaniya, "Bakit ka nandito?"

"Ano ba AC? Papatayin mo ba ako ha?" Omygosh!

"Kristoff? I mean JK? Bakit ka nandito?"

"Nakita kita kasi kanina na pumasok dito. Kaya sinundan kita. Hinanap pa nga kita sa unang palapag pero wala ka doomn at nang may narinig akong basag na bote mula dito, umakyat ako," pag-explain niya.

"Ganun ba? Sorry ha kung natamaan kita. Akala ko kasi masamang tao. Hay ano ba naman yan! Umalis na nga lang tayo dito. Nakakatakot!" Sambit ko sa kaniya.

"Mabuti pa nga at umalis na tayo. Sakit ng paghahampas mo sa akin ha?" Pagrereklamo niya.

"Sorry naman! Hindi ko alam na ikaw pala 'yun!"

"Okay lang. Halika na. Hinahanap na tayo siguro nila Johann," sabi niya. Ay oo nga pala si Leuchrisse.

Kaya naman tumakbo kami papuntang field at nakita namin sila malapit sa stage.

"Oh! Ayan na sila JK at AC," sabi ni Johann.

"Sorry kung natagalan kami. Si Leuchrisse nasaan?" Tanong ko sa dalawa.

"Ah, kasama niya kanina si Lorrie. Hinahanap nila kayo. Saan ba kayo galing?"

"Jan lang sa abandon building ng school," I answered. I saw him flinched kaya naman tinanong ko siya,"Johann okay ka lang ba?"

"Ah! Oo naman. Nabigla lang ako sa sinabi mo. Hindi kasi yan pwedeng pasukin."

"Kasi may narinig akong kalabog doon kaya pumasok ako. Teka tatawagin ko lang sina Lorrie at Leuchrisse. Sasabihin kong nandito na ako." Saad ko. Kaya naman kinuha ko ang phone ko at dinial ang mga number nila.

Ilang minuto nandito na silang dalawa.
"Ano ba yan. Pinaikot mo pa kami dito sa school AC!" Wika ni Leuchrisse.

"Sorry naman."

"Saan gusto niyong kumain?" Pagtatanong ni Johann sa amin.

"JOLLIBEE!" Sabay naming sabi.

"Sige. Itext ko na lang si Damien." Sabi naman ni Kristoff.

~~~
A/N
Don't forget to vote ♥ comment ♥ Share♥

I'm Chasing the Devil [On-Hold]Where stories live. Discover now