[12]

26 0 0
                                    


A/N:

Ang chapter na ito ay para kay Damien kasi birthday niya noong sabado. Hindi ako naka-update dahil na rin sa aming exams ngayong week. I hope you'll like this chapter guys.

Don't forget to vote, comment, and share :*

Lovelots.



Johann's POV


"Bro, bakit tulala ka?" tanong ko kay Damien.


Ganyan naman siya palagi, nakatulala. Ewan ko sa lalaking 'yan.


He sighed before answering my question, "Wala lang 'to. Oh? Bakit ka nandito? Akala ko kasama mo sina AC?"


"Ah, tinakasan ako ng mga gugong. Hay naku!" sagot ko sa kanya. Tumawa na lang siya.

"Kawawa ka naman, bro." Tinapik tapik niya ang braso ko at umiling pa ang loko, kaya naman nakatikim siya ng batok sa akin. "Bakit mo ako binatukan?"

"Wala lang, gusto ko lang mambatok. Teka? Nasaan si JK?"

"Ah? Hindi ko din alam. Baka may pinuntahan, o di kaya pumunta sa-" napatigil siya. Tinaas ko ang kaliwang kilay ko nang napatigil siya. "-oh di kaya alam mo na? May pinagawa ang ama niya sa kanya."

Ay, oo nga pala. Anak siya ng isang mafia. Tsk! Napailing na lang ako.

"Sige bro. Alis muna ako," pagpaalam ni Damien.

"Saan ka pupunta?"

"Diyan lang." Tipid niyang sagot at umalis na siya.


Natandaan ko pa noon, nang naging sila ng kapatid ko- ni Lorrie.



"Gag* ka pre. Bakit mo ginawa 'yun? Diba sabi ko sa'yo patulan mo na lahat ng babae dito sa mundo huwag lang ang kapatid ko," galit kong sabi sa kanya.

"Diba? NANGAKO KA SA AKIN DAMIEN! NANGAKO KA SA AKIN, SA AMIN. BAKIT?! BAKIT KAPATID KO PA ANG PINATULAN MO?!"

Hindi naman sa nagdadamot ako, pero nangako siya sa akin- sa amin, sa buong barkada na hindi na papatulan ang kapatid ko-si Lorrie. Pero anong nangyari? Naging sila. Kung hindi ko pa sila nakita na naghahalikan sa kwarto ni Lorrie, edi hindi ko nalaman ang buong katotohanan.


"GAG* KA TALAGA!" I punched him. Sinuntok ko siya sa mukha, sa tiyan, at sa ibang parte pa ng kanyang katawan. "BAKIT? BAKIT SIYA PA? ALAM NATIN NA MAHAL KA NG KAPATID KO PERO DIBA SABI KO KAHIT ANONG PILIT NIYA SA'YO HUWAG MO SIYANG PATULAN??!! DIBA? SINABI KO 'YUN SA'YO! ALAM MO ANG DAHILAN KUNG BAKIT AYAW KO! AYAW KONG MAKITANG NASASAKTAN ANG KAPATID KO DAHIL LANG SAYO!"


"HAHAHA! NASASAKTAN NA NGA SIYA JOHANN SA PINANGGAGAWA MO SA KANYA! DI MO BA NAKIKITA?!" Aba't sumagot pa kaya sinuntok ko siya ulit sa mukha. "OO, NANGAKO AKO PERO HINDI KO SINABI NA TUTUPARIN KO, ALAM MONG MAHAL KO ANG KAPATID MO DIBA? HAYAAN MO NA LANG KAMING MAGING MASAYA PWEDE BA?" galit din niyang sabi.


Napailing ako at kinalma ko ang aking boses," Alam mo Damien kung bakit hindi kayo pa pwede ngayon. Alam mo 'yun. Ayusin muna natin ang problema natin bago kayo maging maligaya. Alam mo ang problema natin. Hindi pa kayo pwede hangga't hindi pa okay ang lahat. Naiintindihan mo ba ako? Hindi kayo maging masaya kung ganito ka, ganito tayo."

I'm Chasing the Devil [On-Hold]Where stories live. Discover now