Chapter 14

27 1 0
                                    


Pagkatapos naming kumain, umalis na kami sa cafeteria at pumunta sa classroom.

Nang nasa loob na kami ng classroom, lahat ng nga kaklase ko ngaghihiyawan. Alam na this! Walang teacher sa next subject.

"Mukhang wala tayong teacher sa next subject natin," bulong na pasabi ni Lorrie.

"Mukha nga ee," sagot ni Leuchrisse sa kaniya.

Pumunta na ako sa upuan ko at kinuha ang phone ko. Wala naman kasi kaming teacher so sulit-sulitin na. Minsan lang naman 'to mangyayari eh!

Habang hinahagulgol ko ang aking phone, kinuha ko ang aking headset at nagpamusic. Hindi naman ito masama.

Tinignan ko ang buong klase, may kani-kaniyang gawain. May naglalaro ng Pokemon Go, may mga classmate akong naglalandi at mostly, mga one-third nang klase ay natutulog.

I can see in my peripheral vision na may balak na umupo sina Lorrie at si Leuchrise sa tabi ko dahil bored sila. Kaya sinilipan ko sila at parang sinasabi ko na 'punta na kayo dito sa tabi ko' look.

What do you expect? Dali-dali silang pumunta sa tabi ko.

"Alam mo ba na kanina pa namin gustong umupo dito sa tabi mo? Kaya lang tinitignan kami ni JK parang sinasabi niya na 'busy siya so back off' look?" She rolled her eyes at kinuha ang kaniyang phone.

"Oo nga! Parang makapatay siya ng tao ngayon? Tignan mo siya kung gusto mo ng ebedensiya," sabi niya sa akin.

Dahil gusto kong makasigurado kung tama nga ang sinasabi nila, lumingon ako sa likod at tinignan si Kristoff. Binawi ko kaagad ang tingin ko sa kaniya dahil nakatingin siya sa akin.

Tumahimik na lang ako.

"Uy, bakit bigla kang natahimik jan?" tanong ni Lorrie sa akin.

"Uh-wala naman. Sumasakit lang ang tiyan ko," I lied.

"Ah? Gusto mong samahan kita sa Clinic?"

"Huwag na. Mawawala din ito mamaya," sagot ko.

"Oh. Sige."

~~~

"Ang boring ng araw na ito," malungkot na saad ni Leuchrisse.

"Wag kang emo girl! Hindi bagay sayo. Umabsent lang si kuya, bored agad?" Pagtataray ni Lorrie.

"For your info, hindi ako bored dahil sa kuya mo noh! Sadyang malungkot lang ang araw na ito para sa akin," she explained.

Away na naman ito.

"Maniwala ako."

"Totoo!"

Tumahimik na lang si Lorrie. Alam niya namang mag-aaway lang sila.

"Alam mo ba girl na bumalik na si Maria?"

"Oo girl. Balita na nga sa buong school eh!"

"Hay naku! Bakit pa siya bumalik dito?"

"Ewan ko nga ee. Shh! Baka may makarinig sa atin. Halika na nga." At sabay hatak sa babaeng kasama niya.

"Oh my gosh!" Napasinghap si Lorrie sa narinig niya at tinignan si Leuchrisse.

"Oo girl. Alam ko ang ibig mong sabihin. Bumalik na pala ang kontrabida." She 'tssed' at napa roll eyes.

"Wait? Sino si Maria?" I asked confusedly.

Lumingon si Lorrie sa akin, "Si Maria ang nag-iisang ex ni Kuya JK pero I don't like her. Malandi siya kasi." Gigil niyang sabi.

I'm Chasing the Devil [On-Hold]Where stories live. Discover now