Chapter 11

22 1 2
                                    

A/N

Hi mga readers. Sorry talaga kung medyo nalulumay na itong story ko. Busy lang talaga ako ngayong week hanggang mag-end ang buwan na ito. Ang chapter na pala ito ay moments muna ng tatlo- AC, Lorrie at tsaka ni Leuchrisse. Pero i-insert ko lang muna dito si Johann sa chapter para mas masaya. Wala pa kasi akong may naisip, eto lang muna. Free to comment below kung may suggestions kayo.

Don't forget to vote, comment and share.

Love lots. :*



"AC! Oh my gosh! Basahin mo ito oh!" Sigaw na sabi ni Lorrie sa akin.

"Ano ba 'yan at atat na atat kang basahin ko yan? Ha?" Iritado kong tanong sa kaniya. Kanina niya pa ako kinukulit. Kasi may binabasa siyang story, sa pagkakaalam ko wattpad lang naman ang pinagkaabalahan ni Lorrie.

"Eeeh! Huwag ka nga! Promise, basahin mo to. Titigil na ako sa pagkukulit sa'yo. Promise ko talaga sa iyo yan." Sabi niya habang tinataas ang kanyang kamay.

"Ano ba ang story na iyan? Ha? At bakit gusto mong basahin ko yan? Ano ba ang laman niyan? Pwede ba yang makain?" I said sarcastically.

"Uy, grabe ka naman. Kasi naman- Paano ba to? Uhm. Gumuwa kasi ako ng story sa wattpad. Nagbabakasakaling mapansin ako, at gusto kong ikaw ang unang makabasa nito bago ko ipublish. Please?" Pagmamakaawa niyang sabi. *sigh* Ano pa nga ba ang magagawa ko?

"Oh sige, sige. Para sa ikaliligaya mo, babasahin ko. In one condition," sabi ko sa kanya.

She pouted, "Ay? May kapalit? Pero sige. Ano yun?"


"Madali lang naman ito, gusto ko na sumama ka sa akin next week. May party kasi akong i attend at wala akong kasama. Tinanong ko kanina si Leuchrisse pero hindi siya available. So, wala akong mapipilian kundi ikaw lang naman. So, available ka ba next week?" Sabi ko sa kaniya, I do the puppy eyes look. Sakaling pumayag siya.

She shrugged, "Ano pa nga ang magagawa? Sige ba. Pero teka? Anong date yun? At anong isusuot ko?"

"Formal dress," tipid kong sagot.

"Formal dress? Sige. Sasabihin ko lang si Johann. Ay este si Kuya. Uggh! Hindi ko na tinatawag na kuya si Kuya Johann." Sabi niya sa sarili.

"Okay lang iyan. Parang mas matanda ka pa nga sa kanya eh!" Sabi ko.

"Grabe ka naman. Ano ang theme ng party?"

"Hindi ko pa alam. Pero itext na lang kita kung alam ko na ok?" Tumungo lang siya sa akin.

"At huwag mong kalimutan na basahin ang story ko ha?" Sabi niya. I nod.



"Nandito lang naman pala kayong dalawa. Pinahirapan niyo pa akong hanapin kayo! Tabi nga AC, uupo ako," tampong sabi ni Leuchrisse. Nakakatawang tignan na ganito si Leuchrisse 'pag nagtatampo. I chuckled.

"Anong tawa tawa mo jan AC? Walang nakakatawa. BV naman oh! Kita mo toh?" tinuro niya ang mga pawis sa mukha niya. "Alam mo ba kung gaano kainit ang panahon ngayon? At alam mo bang pawis na pawis na ako sa kakahanap sa inyo ni Lorrie, at dito- dito ko lang kayo makikita sa field?"

"Kalma ka nga Leuchrisse. Ang OA! Parang init lang, nagrereklamo agad? Mabuti nga 'yan eh! Para mabawasan yang mga fats mo sa katawan," ungol na sabi ni Lorrie. Tumingin si Leuchrisse sa kanya at dinedma ito. "Aba?! Dinedma ako!"


Dinededma pa din ni Leuchrisse si Lorrie, kaya ito namang si Lorrie sinusuyo si Leuchrisse. "Huy, bes. Huwag ka ngang ganyan? Alam mo ang bangag mo. Huy."

I'm Chasing the Devil [On-Hold]Where stories live. Discover now