🔫 Assassin 1 🔫

67 2 0
                                    

●●●●●●●●●●

-XXX-

The Gun That Made Me

🔫


Rhoanna PoV

Bagong araw bagong misyon para sa amin ang grupong night raid, ngayun may isang cliyente kami. Na handang mag bayad ng sampong milyon basta mapatay lang namin ang taong nag ngangalang Steve Hunders.

Pasaway daw to na doctor, kasi mas marami daw syang pasyente kay sa sa cliyente namin tsk. Tao nga naman aasapawan lang ng ka unti gusto na agad ipapatay. Nag imbistiga na ako at nalaman ko na mas magaling na doctor si Hunders.

Isa syang physician at gustong gusto sya ng mga bata dahil sa hindi lang mahusay na doctor ay mabait din ito. Minsan nga hindi nya na pinapabayad ang mga pasyente nya kung alam nyang mahirap ang mga ito.

"Hmmm kawawa kang doctor ka hindi kana ma sisikatan ng araw"

Sabi ko nalang sa sarili ko habang tinitigna ko ang larawan ng sunod kung biktima, maamo panaman ang mukha ng doctor na to.

Kahit na minsan nag sasalita na ata ang puso ko na sana may mag utos din na patayin kung sino mang p*ta na cliyente na yan. Ikagagalak ko na gawin yun, sana nga may mas alam pa ako na impormasyon sa cliyente namin pero masyadong pribado ang impormasyon.

Basta basta nalang tumatawag at may ipapapatay na agad tsk at bawal pang mag sabi ng impormasyon tungkol sa kanya. Basta may pera ka lang na ipakita wala na tanong tanong, patayin mo na lang ang kung sino man ang gusto nyang ipapatay.

Si papa ang kumukoha ng impormasyon at sa kanya rin deriktang nakikipag usap sa cliyente. Masyado talagang tuso yang si papa larawan at kung saan makikita ang biktima lang ang binibibigay na impormasyon.

At ngayun nga papunta na kami sa clinic ng bibiktimahin namin, nag sama pa kami ng isang bata para gamitin sa plano namin ulila na sya at sa lansangan lang to na pulot ni Troy.

Tsk pina kitaan lang ni Troy ng chocolate sumama na agad sa kanya, dose anyos na sya at sigurado ako na hindi na to pakakawalan ng night raid may potensyal daw eh 'rugby boy ng manila'.

Ngayun sumasakay na ako ako sa lamborghini ko kasama ko dito yung bata patungo sa clinic, naka sunod naman sa amin ang tatlong black colored mercedez benz.

"Bata anung pangalan mo?"

Pag uumpisa ko, tahimik lang kasi sya na naka tingin sa labas. Lalaki ang batang dinampot ni Troy sa lansangan mga ilang linggo na rin at tama nga may potensyal ang batang to na maging assassin.

Nung una syang dinala ni troy sa kuta napaka dungis nya pero matapos paligoan at bihisan aba may itsura pala tong bata na to. Sa totoo lang matangkad sya sa edad nya na dose, pag katapos nun pinahawak sya ni papa ng baril at nagulat ako sa nakita ko.

Naka ngisi syang kinuha ang baril, tuwang tuwa pa syang pinag mamasdan ang baril. Isang hand gun ang pinahawak ni papa sa kanya.

---flash back---


"Hahaha ganyan nga bata, oh nakita mo Rhoanna masayang nakahawak sya ng baril hindi kagaya mo kung hindi pa kita tinakot hindi ka hahawak ng baril"

Oh ngayun ano namang pakialam ko dyan tsk, para naman may ibubuga yan. Sigurado akong mag kakalat lang yan, tsk at isa pa amin na taon palang kaya ako nun syempre natatakot ako. Ang matindi pa pag may pinapatay sila talagang pinapakita nila sa akin kaya natatakot ako na humawak ng baril.

The Assassin's CodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon