🔫 Assassin 2 🔫

66 2 0
                                    

●●●●●●●●●●

-XXX-

We Are

🔫


Rave PoV

Naging maayos ang misyon namin dun sa kawawang doctor na yun, gustong gusto pa naman sya ng mga bata dun kaso dapat mapatay namin sya tssk isa pa naman sa code na dapat matapos namin ang misyon kahit na ano mang mangyari.

Siguro kaya gustong ipapatay ng cliyente namin yung doctor na yun dahil sa may gwapong mukaha at magaling din na doctor tssk kawalan sya sa mga kagaya nya, kasi baka yung cliyente namin mukhang unggoy.

May mag utos lang sa amin na ipa patay sya hmm ako na mismo ang gagawa nun, at ngyon ay pinatawag kami ni papa may pulong daw kami ngayon, bagong salta palang ako dito pero nan dito ako kasama nila sa pag pupulong.

Hmm lahat sila tahimik lang tagala ha, hindi mahilig mag salita ang mga assassin ano? Pag AKO naging isang mahusay na assassin na ako mismo ang mag hahanap sa mga walang kwenta kong mga magulang. Papatayan ko sila.

"Rave hindi ka pweding mag salita kapag hindi ka kina usap ni papa na intindihan mo" sabi ni ate Rho.

Isa bayan sa mga code? Tssk ang dami namang lintik na code nayan pero hindi ko dapat baliwalain yun, ika papahamak ko pa ata ang code na yan.

"Tama si Rhoanna, Rave mag obserba kalang muna ha" sabi naman ni kuya Troy sakin.

Tinignan ko silang dalawa dahil mag katabi naman kaming tatlo at tumango bilang sagot sa kanila. Kaya pala wala kang ingay na maririnig. Kompleto na naman kami dito si papa na nga lang hinihintay namin eh.


Rhoanna PoV

Kapag ganito na nag patawag ng meeting si papa malaking isda ang bibingwitin namin tssk talaga ha, minsan kasi ang tinatarbaho namin ay yung mga poletiko, mga businessman o di kaya mga VIP yung mga kagaya nung doctor na yun minsan lang at away bata lang yun.

Na may kasaling patayan kaya mas lalong naging exciting, pero ang mga ganitong klase ng misyon kailangan mga mahuhusay lang ang dapat ang humawak nito. Kasi sigurado ako na pag hindi magaling siguradong wala pang isang segundo patay na sya.

At tong si Rave bakit pinasama ni papa sa meeting?. Kung sa bagay ako nga sampo lang noon eh nung naki sali ako sa meeting buti nga sya dose na. Si papa nalang ang hinihintay namin dito tssk ang tagal nya naman.

At mga ilang minuto pa ay sawakas dumating na rin sya pero hindi ma ipinta ang mukha nya, anong nangyari?. Teka ganun ba talaga ka hirap ang susunod na misyon tsk. Kung ako ang tatanongin nyo kung ano ang pinaka mahirap na misyon na ginawa ko?

Simple lang! ang mabuhay sa araw araw, na kung hindi mo susundin tung gurang na to ikaw ang mamamatay. Na kahit na amin ka lang marunong ka ng kumasa ng baril, kahit na pito ka lang pinapakita na sa'yo kung pano ang pumatay.

Na kung mag papakita ka ng imosyon i kukulong ka sa basement ng isang araw na hindi makakakain at makaka inom ng tubig. Kahit na sampo ka lang ay may na patay kana. Pero kung sa misyon na binigay ng cliyente namin WALA.

May ilang segundo na rin na naka upo si papa pero hindi parin ito nag sasalita. Ganun ba talaga ka hirap ang misyon na kailangan naming taposin at hindi ma ipinta ang mukha ni papa.

Dahil walang na ngahas na mag salita kaya tsk ako na lang ang mag tatanong.

"Pa may problema po ba" tanong ko sa kanya.

The Assassin's CodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon