●●●●●●●●●●
-XXX-
N
arrator
🕸️
Isang malakas na sigaw ang maririnig mo dito sa apat na sulok ng malaking kwarto na ito isang sigaw, ng mura at galit ang maririnig mo dito. Dito sa malaking kwarto na to nag tipuntipun ang assassin group na kung tawagin ay Night Raid.
"P*TANGINA DALHIN NYO SA AKIN ANG BATA AT SILANG DALAWA BUHAY MAN O PATAY, WALA PANG GUMAGO SAKIN ANG NA BUHAY".
Sigaw at puno ng autoridad na boses na sabi ng pinaka leader ng grupong night raid. Ang grupong night raid ang isa sa pinaka nakaka takot na assassin group, wala silang sina santo kahit pa ka grupo nila. At ngayon nga ay nalaman nila na may dalawa sa kanilang membro ang lumabag sa tinatawag nilang code.
Kaya ngayon gusto silang ipa hunting ng tina tawag nilang big boss, hindi nya matanggap. Na may taksil sa grupo nya kaya gusto nya itong mahuli at maparusahan sila dahil sa pag labag nila sa code at pag tataksil nila sa grupo.
Si Ron Macfist at Yhanna Nash ang hinahanap nila, alam ng night raid na mahirap silang mahuli dahil silang dalawa ang pinaka masuhay na assassin sa grupo nila.
Kaya halos lahat ng kalsada sa bayan na pinamumunuan nila ay gabi gabi nilang sinusuyod, bawat bahay ay tinatanong nila kung may nakita na tao na kamukha sa larawan na dala nila pero wala ang parating sagot ang natatanggap nila.
Samantala si Ron at Yhanna naman ay nasa pinaka dulo ng bayan kung saan malapit ang gubat, dito na isipan ni Ron na mag tago muna pansamantala dahil kung mahanap man sila ng night raid ay makakatakbo pa sila sa gubat.
Si Ron at Yhanna ay parihong assassin sinanay sila para pumatay, silang dalawa ang pinaka mahusay at kahit na babae si Yhanna ay hindi mo sya makikitaan ng takot o kaba.
Noon paman may gusto na si Ron kay Yhanna humahanga sya dito dahil sa tibay ng loob nya at galing nya sa paghawak ng baril at mga patalim hangang rin sya sa husay mag plano ng dalaga.
Kaya hindi nya napigilan ang sarili na mahulog sa kanya, sa bawat misyon na gagawin nila palaging naka bantay si Ron sa dalaga at mas lalo pa syang na huhulog dito, hindi mo talaga makikitaan ang dalaga ng ano mang takot.
Kaya isang araw na hindi ina asahan habang wala ang kanilang big boss ay nag lakas na ng loob si Ron na ipag tapat sa dalaga na mahal nya na ito, sana nga lang hindi sya nito layuan dahil sa gagawin nya ngayon.
"Ahh..Yha....Yhannna ano...ano kasi may sasabihin ako sa'yo" utal utal na sabi nya sa dalaga.
Napa kamot pa ng ulo si Ron at abot hanggang langit ang kabang nararamdaman nya ngayon, ngunit napawi ang kaba na nararamdaman nya ng mag salita ang dalaga.
"Ron kung ano man ang sasabihin mo ituloy mo lang, akala mo ba hindi ko nararamdaman yon, kaya gusto ko sa'yo mismo mang galing at hindi yung dahil sa kutob ko lang" sagot naman ni Yhanna kay Ron.
Agad nag ningning ang mata ni Ron sa sinabi ng dalaga akala nya talaga na lalayuan sya nito dahil sa pag amin nya ng kanyang nararamdam, ngayun walang pag lagyan ang tuwa ni ron.
"Yhanna noon paman mahal nakita..Yhanna mahal na mahal kita"
Niyakap ni Ron si Yhanna ng mahigpit na mahigpit at mas lalo pa syang natuwa ng yumakap din pabalik sa kanya si Yhanna. Ngayung mahal din sya ng babaeng mahal nya ay hindi nya na ito pakakawalan pa.
BINABASA MO ANG
The Assassin's Code
ActionAng mga assassin ay ang grupo ng mga tao na sinanay upang pumatay ng kung sino man..pag inutos ito ng cliyente nila. At may mga code na sinosunod sila at bawal ang mag rebel at lalong lalo na ang pag suway sa tinatawag nilang code. Kamatayan ang par...