Flora's POV
*knock knock
"Mom it's too early to wake me up. So please let me sleep for a while," sabi ko kay mama habang nakahiga ako. "Ano ba malalate ka na kaya bumangon ka na dyan!" sabi ni mama na pasigaw. "Opo, babangon na po!"Haysst inaantok pa ako. Wala na akong magagawa kaya bumangon na lang ako sa kama. Ayaw kasi na mama na malate ako sa bago kong school kasi first day of school na ngayon. Oo nga pala ako si Margaret Flora Gomez minsan tinatawag nila akong Flora. At new student ako sa Kingdom High. At half-korean at half-filipino ako. Isa akong nerd.
"Bilisan mo na at maligo ka na malalate ka na sa school mo!"
"Opo," sabi ko na papasok pa lang sa banyo.
Tapos na akong maligo at magbihis kaya dumiretso na ako sa baba para kumain ng almusal.
Tapos na akong kumain ng almusal kaya nauna na akong umalis ng bahay at nagcommute. Dapat nga ihahatid ako ng driver namin sa school kaso may emergency daw.
"Haysst ano ba yan ang tagal naman ng jeep malalate na ako eh," sabi ko na naiirita habang nagaantay ng jeep.
Mga ilang minutes may nakita na akong jeep. Pinara ko ang jeep at sumakay na. Syempre nagbayad ako.
Pagkatapos kong magbayad may nakita akong isang lalake sa tabi ng jeepney driver. Parehas pala kami ng school uniform. So ang ibig sabihin nun ay parehas kami ng school na pinapasukan.
Hindi ko gaano makita ang mukha niya kasi nakashades siya kaya hindi ko siya mamukhaan. Habang pinagmamasdan ko siya nakita niya ako sa salamin na nakatitig sa kanya kaya umiwas ako ng tingin sa kanya. Baka pagkamalan niya na may gusto ako sa kanya. Nakita ko na yung school na papasukan ko kaya nagpara na ako at bumaba na ng jeep.
Hindi pa ako pamilyar dito sa school kaya nagtanong na lang ako sa babae na nakasalubong ko.
"Umm excuse me po. Saan po ba makikita yung list ng mga sections?" sabi ko sa babae na nadaanan ko.
"Ah yun ba? Nakapost yun sa bulletin board. Diretso ka lang sa hallway na dyan tapos sa unang likuan, kumaliwa ka na lang... Makikita mo na agad yun."
" Ah okay, thank you," sabi ko sa babae.
Dumiretso na ako sa direksyon na sinabi ni ate. At sa wakas nahanap ko na rin Dumiretso na ako sa bulletin board para tignan ang list ng sections. Nahanap ko na rin ang pangngalan ko at magiging classroom ko ay class 3-B.
Pumunta na ako ng office para kunin ang I.D ko. Lumabas na ako ng office at dumiretso na ako sa classroom. Papasok pa lang ako ng classroom ng may nabunggo akong isang lalake. Inangat ko ang ulo ko para mag-sorry pero nagulat ako dahil siya yung nakasabayan ko sa jeep. Magsasalita na sana ako biglang pumasok ang adviser namin kaya hindi ako nakapagsorry sa lalaking nabunggo ko.
"Okay class, I'm your adviser Ms. Claire Carnett and I will be your English teacher," sabi ni ma'am sa amin.
"Okay class, kayo naman ang magpakilala. Let's start from the old students here in Kingdom High."
Nagpakilala na sila isa't isa. Sumunod na ang lalaking nabangga ko.
"May name is Nathan Liu Anderson," sabi nung lalaking nabunggo ko.
Nathan pala ang pangngalan niya. Ang gwapo niya.
Tapos na magpakilala ang mga dating estudyante dito sa school. Ngayon kami naman ang sumunod, mga new student dito sa Kingdom High. Tapos na silang magpakilala at ako na ang sumunod.
"Hi my name is Margaret Flora Gomez, but you can call me Flora instead," pagpapakilala ko sa kanila.
Pagkatapos kong magpakilala sa kanila umupo na ako sa bandang likod. Ito lang kasi ang vacant seat.
May narinig akong humihilik sa tabi ko. Kung minamalas ka nga naman si Nathan pa ang naging katabi ko. Natutulog siya sa loob ng classroom? Dahil sa sobrang ingay niya narinig siya ni Ma'am Claire.
"Nathan Liu Anderson, wake up. This is not the right time to sleep in here!" galit na sabi ni ma'am kay Nathan at sakto nagising na siya.
Nung nagising siya tinignan niya ng masamang tingin kay ma'am. Umirap na lang siya.
---------
Natapos na rin ang walong subject. Nagpakilala pa kasi ang mga teachers namin every subject. Nauna na akong lumabas ng classroom kasi may work pa si mama at papa ngaun at ako naman ang magbabantay ng bahay. Day-off kasi yung mga maids except si manang Jessy at driver. Yung iba nagkasakit kaya si manang na lang ang magbabantay. Sabi kasi ni mama na matanda na si manang kaya kailangan ko siyang samahan sa bahay.Nakauwi na rin ako. At umalis na rin sila mama at papa. Haysst nagugutom na ako buti na lang nagluto si manang kanina.
YOU ARE READING
Ms. Nerd Meets Mr. Snobber
RomanceThey said that a nerd can't love a snobber. But in the end, a nerd suddenly fell in love with a snobber. Meet Nathan Liu Anderson a half-korean and half-filipino. Kilala din siyang bilang heartthrob ng school, "Sober" at "Bully" ng school. At sila...