-D-

29 1 1
                                    


Nakita kita nakaupo malapit sa ilog, bakas ang iyong kakisigan suot ang isang magarang damit. Medyo nahiya pa ako sayo dahil sa suot kong gusot-gusot na saya.

"Mahal! ako'y nakagagalak na makita kang muli." Ang sabi mo.

"Ipagpaumanhin mo, ang iyong ina kasi ay inutusan ako, sapagkat may mahalagang panauhin daw kayong darating."

Bakas ang pag-aalala sa iyong mukha.

"Hayaan mo sa susunod Cedes, Ipapaalam ko na ito sa aking mama."

"Ngunit Claudio, trabaho ko ito bilang taga silbi sa inyo. At ano na lamang ang sasabihin ng iyong mama kapag nalaman niya na isa lamang taga silbi ang iyong kabiyak".

Niyakap mo ako.

"Tandan mo Cedes mahal na mahal kita"

Bigla akong nagising na hingal na hingal.
Ano ba yang napanaginipan ko. Weird. Who are they?. Masyadong makaluma. gosh feeling ko binangungot ako. Ngayon lang ako nanaginip ng ganon.
Bumangon na lamang ako. Hindi ko na kakayanin pang matulog.

6:00 am naisipan kong magjogging, mamayang 10:00am pa naman ang pasok ko at walking distance lang. Almost 30 mins. na pala mula nung lumabas ako.Then, I saw an unfamiliar face. Infairness ang gwapo. Bagong lipat kaya? hm.

"Hey" sabi nung guy habang nakatingin sakin. Grabe pati yung boses ang gwapo.

"Huh?"

"Pwede magtanong miss, bagong lipat lang kasi ako. Nalibang sa pagja-jogging. Saan ang direksyon papuntang Block#1016?

Wow. Malapit lang sa bahay namin

"Ah sumunod ka nalang sakin tamang tama, medyo malapit lang sa house namin, block1018 ako."

"Thank you miss, ako nga pala si Gab. Gab Monteclaro."

"Nice name. Rie Vasco naman. Nice meeting you".

"Nice meeting you too Rie."

Ngumiti siya sakin saka sya nakipagshake hands.
Saglit kong nakalimutan yung creepy kong napanaginipan dahil kay Gab. Ang gwapo tas kapit-bahay ko pa.

Naghanda na ko para sa pagpasok ko. Graduating Student ako kaya kailangan kong magsipag.

-

슬미

Once Upon A Dream (Short Story)Where stories live. Discover now