-E-

9 1 1
                                    

"Cedes wala akong pagtingin para kay Barbara ikaw lang ang iniibig ko at ikaw lamang ang nais kong maging kabiyak habang-buhay"

Ang sarap pakinggan, ngunit langit ka, lupa ako. Kailanman hindi ko kayang mahigitan ang senorita Barbara.

"Ngunit Claudio, hindi ako nararapat sa iyo. Ang katulad ng senorita Barbara ang nababagay sa isang tulad mo na haciendero. Taga-silbi lamang ako ng pamilya niyo. Hindi nakapag-aral at.."

"Cedes makinig ka, Ikaw ang iniibig ko. Wala pwedeng humadlang. Ipaglalaban kita sa aking mga magulang. Bigyan mo lamang ako ng konting panahon. Ipapakilala na kita sa kanila."

Natatakot ako sa pwedeng mangyari. Ngunit magiging handa ako sa kahihinatnan ng ating pag-iibigan

"Salamat Claudio. Salamat sa pagtanggap sa akin. Ikaw lamang ang mamahalin ko tandaan mo iyan".

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. May tumatawag. Si Cy ang bestfriend ko.

"hello Cy oh bat napatawag ka? Aga aga"

"Rieeee hehehe sensya na. Sleep over ako sa inyo mamaya. Napaka boring dito"
Parang kapatid ko na rin si Cy madalas sya dito sa house namin. May mga gamit sya dito, paano ba naman mas gusto nya dito samin dahil palaging wala sa pilipinas ang magulang niya tas nagiisang anak pa. Pareho kaming only child.

"Sige Cy" excited kong sabi, mapupuyat na naman ako neto.

"Bye Rieeee kitakits mamaya muahh"

Binaba ko na yung phone ko. Anong oras na ba? 7:00 am.

Salamat Claudio. Salamat sa pagtanggap sa akin. Ikaw lamang ang mamahalin ko tandaan mo iyan.

Biglang nagflashback sakin yung napanaginipan ko. Kinikilabutan ako. Nagiging weird na ko. Hays ano bang nangyayari sakin.

-

슬미

Once Upon A Dream (Short Story)Where stories live. Discover now