-M-

6 1 1
                                    

Nagmamadali akong pumunta sa tagpuan namin ni Claudio, may sasabihin daw siya sa akin. Ngunit laking gulat ko ng si Senorita Barbara ang aking makita
"Senorita Barbara ano hong ginagawa nyo dito?"

"Ang akala mo siguro ay si Claudio ang iyong makikita pwes nagkakamali ka! Ilusyonada! Alam kong kayamanan lamang ang habol mo kay Claudio. Hampas-lupa! Magkano ba ang kailangan mo! ibibigay ko layuan mo lang si Claudio!"

Sinampal niya ako. Unti-unting tumulo ang luha ko.

"Nagkakamali ho kayo senorita. Tapat at tunay ho kaming nagmamahalan. Ipagpaumanhin niyo ho pero hindi ko ho kayang malayo kay Claudio. Mahal ko siya."

"Puwes papatayin kitang hampaslupa ka!!!!!"

Galit na galit si Senorita. At bigla kong natanaw si Claudio na paparating.

"Barbara bitawan mo yan.! Si Cedes lamang ang aking minamahal!"

"Kayamanan lamang ang habol niya Claudio! Papatayin kitang ilusyunada ka!"

Tinutok sa akin ni Barbara ang baril. Ngunit dali daling tumakbo si Claudio papunta sa kanya. Nag aagawan sila sa baril hindi ko mapigilang maiyak hanggang sa marinig kong pumutok ang baril.

"Ah!!" Si senorita barbara ang tinamaan. Bumagsak siya sa lupa

"Ayos ka lang Cedes?" Dali daling tumakbo si claudio papunta sa akin at kaagad ko siyang niyakap.

"Salamat Claudio." Agarang tumulo ang aking mga luha

"A-aka..a-llla n..yo magi..ging m-mas.aya kayo .!"
Buhay pa si senorita, bigla niyang tinutok ang baril sa akin.

"Wag!" sigaw ni claudio hindi! Sinalo nya ang bala na dapat sa akin tumama

"Claudio!! Hindi. Cladio wag.. wag mo kong iwan. Mahal na mahal kita!"
Tuluyan na akong napahagulgol hindi maaari.

"Ce..des p-pata..wad
tan..daan m.oo m.ahal na mahal kit..a. sa su..sunod n-na b-bu.hay ko i-ikaw pa r-rin ang ma..mahalin k-ko Ba..balikan ki..ta p-panga..ko"

"Hindi!!"

niyakap ko si Claudio. Hindi ko na kakayanin pang mabuhay. Kinuha ko ang baril. Pangako Claudio sa susunod kong buhay magiging maligaya na tayo. Magkikita muli tayo. Mahal na mahal kita. Tinutok ko ang baril sa sentido ko.

"Ah!" Nagising ako na naninikip ang dibdib ko. Ano yon, bakit ang lungkot naman.

*ring*
Uh may tumatawag sino kaya to?

"Hello? Sino to?

("Rie si Gab ito")

"Oh Gab bakit napatawag ka saka san mo nakuha # ko?" Gabing-gabi na ah ano kayang pakay sakin ni Gab.

("nakuha ko sa katulong niyo. Hindi kasi kita matyempuhan sa bahay niyo.")

"Ah ganun ba."

("Rie pwede ba tayong magkita bukas may sasabihin lang akong importante.")

"Sure saan ba?"

("Tetext ko sa iyo kung saan . Sige bye.")

"Bye."

Binaba ko na yung phone ko. May sasabihin raw sakin bukas si Gab? Hala baka kaya crush ako non. LOL

-

슬미

Once Upon A Dream (Short Story)Where stories live. Discover now