Chapter 10- Last Round

412 19 6
                                    

A/N: Hello po!! Yay! kinakakabahan na ako kung satisfied pi kayo sa story ko o hindi dahil matatapos na. Haiiist. Anyway, sana mag-enjoy kayo sa last Chapter ng Escalator. Enjoy!!! :)

Chapter 10

Shit! Nakalimutan kong punasan yung mga luha ko, di bale na. Wala naman saysay kung itatago ko!

"T-Totoo ba na may girlfriend kana?"

"Yha-Yhanie"

"Oo lang o hindi ang sagot Gian!"

Oo! Gian ang pangalan niya pero ang real name niya ay Giel Angelo Zeu.

"Yha-Yhanie. Let me explain" nilapitan niya ko.

"Don't touch me! Wag kang lalapit"

 Siguro time na rin na sabihin ko yung nararamdaman ko sa kanya para makamove on na ko.

"Please listen to me Yhanie"

"Ikaw yung makinig Kuya! Alam mo bang mahal na mahal kita?! Di ko nga alam kung bakit eh. Sa dinami-dami ba naman na lalaki sa mundo, sayo pa tumibok 'tong puso ko?!" tinuro ko yung dibdib ko.

"Yha-"

"Tumahinik ka nga muna Kuya! Patapusin mo ko!" tumahimik naman siya.

"Siguro nga isa lang ako sa mga babae na nagkakagusto sa'yo, alam kong di pa tayo nagkikita, hanggang text lang at tawagan tayo pero bakit ganun? Minahal pa rin kita? Gusto na nga kitang e'block sa FB pero di ko nga magawa kasi sabi nang puso ko wag, masasaktan lang ako. Pinaibig mo ko Kuya nang walang kahirap-hirap. Alam mo ba yun? Gusto ko san sabihin yun sa'yo 'tong nararamdaman ko kaya nga lang natatakot ako baka iwasan mo lang ako kasi kapatid lang yung turing mo sakin hanggang sa nalaman ko na may girlfriend ka na pala sa FB, alam mo ba Kuya, halos di akp makapagconcentrate sa school dahil selos na selos ako? Kaw kasi Kuya eh, pinaramdam mo sakin na may pakialam ka sakin at parang mahal mo ko kaya ayun umasa ako lalo na pumunta ka dito pero in the end, girlfriend mo lang pala yung aatupagin mo dito"

Whooo!! Nasabi ko na rin sa wakas ang gusto kong sabihin. Hindi siya gumagalaw sa kinatatayuan niya. Ok Jean. Inhale. Exhale. Lumakad na ko papuntang pintuan para lumabas.

Di niya ko hinabol. Siguro nga, ito na ang huling pagkikita namin. Ang sakit nang puso ko. Huhuhuhu. Pupunta na sana ako sa may escalator nang,

"Yhanie! Wait!" Si Kuya pero di ako lumingon.

"Oh bakit?" sabi ko nang mahina para di ako pumiyok.

"May sasabihin ako sa'yo, please. Makinig ka naman oh"

"O-Ok. 5 minutes"

"Yhanie, totoo na may girlfriend ako pero sa FB na nakita mo, di yun totoo. Deal yun namin nang kaibigan ko. Natalo kasi ako sa pustahan namin sa NBA kaya ayan. Pero may boyfriend na yun at barkada ko pa ang lalaki. Di naman magagalit yun, trip-trip lang eh. Di ko naman alam na masasaktan ka. At yung tinutukoy kong girlfriend,

Ikaw yun Yhanie. Mahal kita"

O________________________________________________O

ak-ako?! Psh! Binobola lang yata ako. Sh*t! Panaginip ba 'to?

"Kung hindi kita mahal, sana di kita pinuntahan dito. Sana di ako umeffort na tawagan mga bestfriend mo para sa surprise na 'to. Alam mo bang pinahirapan pa ako nang mga bestfriends mo para umuo lang sila sa plano ko? At alam mo bang tinawagan ko pa si Lester para di kana guluhin nang gagong yun? Marerealize niya lang yung worth mo kung wala kana sa kanya? Di ko yun hahayaan. Di ko lang kasi alam kung pano sabihin sayo na mahal kita, basta nagising na lang ako na mahal na kiya Ja "

"Ja?"

"Ja means Jean Anne"

Di pa rin ako lumingon instead umiyak lang ako nang umiyak. Eh gag* pala siya eh. Mahal niya naman pala ako, pinaiyak pa ko. T___T

"Yhanie naman oh, magsalita kanaman. Gusto ko sana na umamin sa'yo kaya nga lang tumawag na naman si Lester kaya ayun, ikaw naunang nagconfess"

Bahala ka! Ang unfair naman! Nakakahiya yung confession ko. Huhuhu. Lumakad ako papuntang escalator,

"Yhanie?! Aalis ka lang ba na walang sasabihin? Pagkatapos kong magconfess, aalis ka na lang?! You are so unfair"

Lumakad pa ako. Nakakahiya! Marami na palang mga taong nakatingin samin,

"Kapag sumakay ka sa Escalator na yan, it means hindi mo ko mahal at uuwi na lang ako samin"

Psh! Grabe naman makapagblackmail si Kuya, pumunta ako sa may foodcourt, may hagdan dun papuntang second floor.

"Yhanie? Saan ka pupunta?!" sigaw niya.

Tumingin ako sa mga mata niya,

"Sa second floor, bakit?!"

"Bakit ka dyan dadaan? Eh may escalator naman?!"

"Tanga ka ba?!" Pinahiran ko yung luha ko.

"Eh sabi mo kung sasakay ako sa escalator ibig sabihin nun, di na kiya mahal kaya maghahagdan na lang ako"

Ganito mukha ni Kuya

 (?___?)

tapos nung nagets niya yung ibig kong sabihin, naging ganito na

(^____^)

"Hintayin mo ko Yhanie.. Yohooooo! Mahal ako ni Yhanie!! I love you!"

"Heh! Dalian mo nga Kuya! I Love you Too!"

-------++++++ T H EE N D++++++----------------

***************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************

A/N: Thank you po pala sa mga bumasa ng story ko nung nagsimula akong magsulat dito sa wattpad. Sana po eh sumportahan niyo rin po ako sa ibang story ko na gagawin. Ito po kasi yung first book na natapos ko. Hahaha. Salamat po talaga. I love you po :* Baka gusto niyong basahin ang one-shot story ko, ito po yung link

http://www.wattpad.com/22664015-just-a-kiss

Sana nagustohan niyo :*

---- Putche :)

Escalator (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon