Thanks sa 66 readers :""> Dahil dyan eto ang U.D ko! ♥
By the way, si Yumi Cruz po ----->
From anime : My Little Monster
Ryui POV
"Miss yu! Miss yu!"
"Shut up!" - Sigaw ng masungit naming president habang inaasar sya ng mga classmates namin.
Hay nako. Ewan ko ba bakit galit na galit yan pag tinatawag namin na "Miss yu" Ano bang meron dun? Dahil parang katunog ng "Miss You?" Sows baba ng dahilan.
"Miss yu !Miss yu!"
"Nyemas sabi ko manahik ka dyan! Wag ka ngang maingay!" - Sigaw nya ulit. Pero hndi ko na kaya yung pag sisigaw nya, porket president sya may karapatan na syang sumigaw?
"Yumi pwede bang wag kang sumigaw?" - sabi ko ng seryoso sakanya. Takot to sakin kaya susunod to ;)
Tiningnan nya lng ako ng masama sabay focus ulit sa ginagawa nya.
"HAHAHAHA! Wala ka pala Ryui eh talo ka pa ng babae. Hahaha" - Tawanan at pangangasar sakin ng mga classmates ko, oo di totoo na takot sya sakin, isang hamak lang naman ako na Vice President kaya anong laban ko sa President di ba? Mas mataas rango nya sakin. -____-
Mukhang busy ang president namin ngayon dahil sa gaganapin na School Festival sa school namin, Nag iisip sya kung anong magandang gawin ng klase namin, ang hirap sakanya sinasarili nya yung mga bagay na dapat kami ang nagiisip. Masyado nyang iniistress ang sarili nya kaya ganyan sya. -____-
Habang nagklaklase ang teacher namin sa Math, biglang may nag excuss sa teacher namin para sa isang announcement. Binigyan daan naman ito ng teacher namin lumabas sya at tska sinabi ng babae yung announcement.
"Announce ko lang po ang tungkol sa School Festival natin, kailangan na po namin ng report nyo tungkol sa activity na gagawin ng section nyo, punta nalang po ang President at Vice President sa Office ng Principal dahil dun po gaganapin ang meeting salamat po."
"Ate ate!" - Sabi ng classmate ko, halatang pagtritripan nanaman nya yung announcer ng school.
"Ano po yun? May tanong ka po?" - sabi ng babae ng mahinahon.
"Ate ano number mo?"
Naghiyawan naman ang mga classmates ko. Parang Zoo tong room namin. Actually kaming section ang pinakamagulo sa lahat, pero pinakapaborito lahat ng mga teachers dito, kasi daw kahit makukulit kami eh matataas naman ang nakukuha namin sa exam.
Nung sinabi yun nang classmate ko, hindi na nakapag salita yung announcer, mahiyain kasi ito.
Pero mayat-maya ay biglang nagslita ang president namin.
"Nang babastos ka nanaman ba Lance?!"
Bumalik agad sa upuan si Lance tapos nanahimik. Lahat kami takot sa President namin. Lagi syang ganyan. Simula't pagpasok hanggang sa pag uwi ganyan sya. Feeling ko nga laging meron yan eh. Lagi kasi galit. =_____=
Uwian na, lahat ng classmates ko nagsilabasan na, kaming dalawa nalang ni Yumi/President ang naiiwan. Nakapatong ang ulo ni Yumi sa desk nya na parang natutulog, kanina pa sya ganyan simula nung last subject namin bakit kaya? Hndi ko din alam, kaya naman tinawag ko sya.
"Yumi di pa ba tayo pupunta?" - Napabangon ko sya sa pagkakahiga ng ulo nya sa desk sabay takip sa mukha nya.
"Una ka na , susunod na ko." - hindi parin nya tinanggal ang pagkakatakip sa mukha nya, kaya naman nauna na ko dun sa meeting.
BINABASA MO ANG
Never Say My Name With "MISS"
Non-FictionSi Yumi Cruz? Babaeng mataray at masungit. "M.M" for short. - Ganyan ko sya idescribe sa lahat ng lalaking nagtatanong sakin. Pero kung idedescribe ko sya para sa sarili ko? Wag nyo na ko tanungin. Basahin nyo nalang. Characters: (from anime: My Li...