Scene 5 - Change

37 1 2
                                    

Hiiiiyaaaaaaaaahhh! XD After 1000000000years eto at bumabalik muli :) Kaya ko to. XD 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Scene 5 - Change

After 4 years...

YUMI POV

"Miss Yumi!" - narinig kong may sumisigaw ng pangalan ko.

"Oh manang bakit po?"

"Yung passport nyo po nakalimutan niyo eh!" - chineck ko naman yung bag ko, at ayun wala nga .___.

"Naku sorry manang, sa dinami dami pa ng pwede kong kalimutan eto pa , haaay, salamat manang!" - sabi ko sabay hug kay manang. Siya yung nakakasama ko sa bahay pag wala sila mama at papa , kaya naman close kami nito ni manang, pangalawang nanay nadin turing ko sakanya, tinuturing din naman nya ako na parang tunay na anak.

"Sigurado ka na ba sa pag alis mo?" - biglang sabi ni manang sakin. Napaisip ako. Sigurado naman na ako, para rin naman to sa sarili ko, kailangan kong bumalik ng pilipinas para sa trabaho ng mga magulang ko na naiwan doon. 

"Opo naman manang! Bakit hindi? Kailangan eh" - sabi ko sabay ngiti kay manang, alam kong nagaalala sya para sakin kase alam nya na ayaw ko ng bumalik pa sa pilipinas dahil nga sa nangyari 4 years ago. Pero alam ko na matagal na yun. Hindi na dapat balikan pa.

"Osige, magiingat ka, balitaan mo ko agad pag nasa pilipinas ka na ha" 

"Opo manang! Bbye po!" - sabay hatak sa luggage ko at papasok na ng airport. 

-----

Ilang oras din ang byahe ko at finally andito na din sa airport. 

Walang magsusundo sakin, sinabi ko na kase yun kay mama at papa, malaki na ko, at alam ko pa naman kung pano makauwi sa bahay namin dito sa pinas kaya hindi ako maliligaw. 

Its been 4 years, dami din nangyari sa buhay ko, madaming problema, at kahit kailan hindi nawawalan ng problema. Hindi natuloy ang engagement namin ni Jake, maging ako hindi ko din alam kung bat hindi natuloy, basta pagpunta namin ng america, mga 2 months palang hindi na tinuloy ni papa. Masaya , kase hindi ko kailangan magpakasal sa taong hindi ko gusto, pero malungkot kasi may nasayang ako. Pero alam ko naman na tapos na yun. Never din kami nagkausap ni Ryui simula nung umalis ako, siguro nakalimutan na din nya ako.

Naisipan ko munang mag pumunta sa cafe shop, nagutom din kasi ako sa byahe kanina. Pumiwesto ako sa may bandang may gilid, para makita ko rin yung labas, nakakamiss din pala umuwi dito sa pinas. 

Nilabas ko yung cellphone ko at tinignan ang mga messages. Wala naman kaimpo-importante na messages. 

"Whats that? " 

"Nagkakagulo yung mga tao sa labas." 

"Tignan natin tara!"

 

Hindi ko alam pero nakaagaw ng atensyon ko yung narinig ko kanina, napatingin naman ako sa labas at nakita ko nag kukumpulan halos lahat ng tao sa labas. Naisipan ko na din makitingin, di naman masamang tumingin di ba? Pero kung nag propoposed yung guy dun, sure nakakakilig yun! Kaya agad naman akong lumabas sa cafe nun. Halos lahat din kase ng tao sa cafe nagsilabasan na eh.

"WAAAAAAHHHH!! SHET SAGUTIN MO NA YAN!" - sigawan at tilian ang narinig ko pagkalabas ko ng cafe, grabe sobrang lakas ng hiyawan. Pinipilit kong makipagsiksikan sa mga tao sa labas para makita ko kung sino ung guy na yun at pati yung swerte na girl, unti unti rin akong natutulak papunta sa unahan .

"Ysa, Can you be my ... girlfriend?" - sigawan at tilian ang lahat ng tao. Unti unti din akong napupunta sa harapan

"Yes!" - narinig kong boses ng babae at nagsitilian na ang lahat. May iba akong naramdaman, na parang panghihinayang kase di ko man lang makita ngayon yung itsura nung guy pati ng girl, kasi siksik parin ako dito sa likod, d ako makapunta sa harapan. Pero maya't maya ay unti unti naring nawala ang mga tao.

Unti unti ko din natatanaw yung guy at yung girl. Unti unti ding nadurog ang puso ko ng makita ko kung sino yung guy na yun.

Si Ryui. Alam kong siya yun, siyang siya. 

Ryui POV

"Ysa, Can you be my ... girlfriend?" - sigawan at hiyawan ang naririnig ko sa paligid ko. Nakikita ko sa mata ni Ysa na malapit na siyang umiyak. Itong araw na to ang pinaka espesyal, pinaka masaya para saming dalawa. 

"Yes!" - Sinabi nya yun ng mangiyak iyak na sya sa sobrang tuwa. Pinunasan ko naman agad ang kanyang mga luha,at hinalikan sa noo at niyakap. Sobrang saya, Hindi ko maexplain yung saya na nararamdaman ko habang kayakap yung taong nagmamahal sakin at minamahal ko. 

It's been 4 years, madaming nangyari sakin sa loob ng 4 na taon, puno ng sakit at paghihinakit. Hindi ko na magawang pumasok ng regular sa school ko nung high school ako, lagi nalang ako nasa bahay, iniisip, bat nya ko iniwan. Gugustuhin ko na sanang wag ng mag aral pa at hintayin nalang ang pagbabalik niya, pero alam ko na sa huli ako lang din ang masasaktan, may Fiance na sya, ano pa ko sa buhay nya?

Sa mga panahon na malungkot ako at nag iisa, andyan si Ysa para sakin. Si Ysa, kababata ko nung nasa province pa ako nakatira noon, siya yung tipo ng babae na kaya kang pangitiin sa paraan na alam nya. Nang magkita kami ulit, nung una di ko siya makuhang magustuhan, alam kong matagal na syang may gusto sakin pero mas nananaig parin ang nararamdaman ko para kay Yumi, pero nagbago ang lahat. 

Natutunan ko siyang mahalin sa paraan na kung pano nya ako minahal. Dun ko naramdaman na masarap pala sa pakiramdam na mahal ka din ng taong mahal mo. 

Pero bat kailangan niya pang bumalik?

Yakap-yakap ko si Ysa ng unti unti naring nawawala ang tao na nakapalibot samin kanina, nakaagaw ng atensyon ko ang isang babae na nakatayo sa harap ko. 

Hindi ako nagkakamali na siya yun, Si Yumi. 

Hindi ko maipaliwanang kung ano magging reaksyon ko nang nakita ko sya, nasa harap ko siya ngayon at tulala. Hindi ko din maintindhan yung nararamdaman ko, bat ganito? Naguluhan ako bigla.

Nagtama ang mga mata namin ni Yumi, agad naman siyang umiwas at lumakad palayo.

"T-teka Yu--" -Di ko na gawang banggitin ng buo ang pangalan niya, bigla akong hinalikan ni Ysa sa labi. Nakaramdam ako ng sakit, sakit na hindi ko alam bat ko nararamdaman. Pakiramdam kong mali, pero alam kong tama.

-----------------------------------------------------------------

Urggh. Tatapusin ko na tong story nato. Wala naman nagbabasa HAHAHAHAHA. Pero kung may magbasa man at gusto pang iextend ang kwento neto, why not! Gagawin ko talaga HAHAHAHA XD

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 04, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Never Say My Name With "MISS"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon