Introduction
Hindi kami mayaman, hindi rin kami mahirap. Pero gusto kong makaangat ng konti, dahil sa panahon ngayon nagmamahal na ang mga bilihin. Tao nga nagmamahal rin, bilihin pa kaya? Kaya ako, heto ginagawa ang lahat makamit ko lang ang gusto. Nag-aaral ng mabuti, tutal ay malapit na kong magtapos sa kurso kong BSEducation, ito ang kinuha kong course dahil gusto kong magturo. May utak naman ako kahit papaano. At isang taon na lang, graduate na ko. Kaya tuwing sembreak at bakasyon, nagtatrabaho ako.
"Yung order daw ng table 7!" Sigaw ng kasama ko. Kakaumpisa ng sembreak namin kaya todo kayod ako sa Restaurant.
"Coming!" At saka ako pumunta sa table 7 para ibigay ang order nila. 2pm hanggang 10pm ang oras ng trabaho ko. Kaya kahit papaano ay nakakapagpahinga pa rin ako.
By the way subway, I'm Abrilla Vin. Ang asawa ni Mr. Bean at anak namin si Munggo. Mungoo beans! Hahaha! Joke!
"Abrilla! Tawag ka ni Sir Alex!" Siya nga pala, si Krista yang sigaw ng sigaw, best friend ko. Mayaman yan pero gusto niyang magkaroon ng pera para sa sarili niya na pinaghirapan niya mismo.
"Hoy Abrilla daw!" Sigaw niya ulit! Oo na papunta na! Pssh. Ano na naman ba ang kailangan ng Alex na yan? Ikatlong tawag na nito sakin ah! Istorbo kang Alex ka! Uugh, sapakin kita eh! Pumunta na ko sa Sir Alex na 'un at ayan, mukha na namang demonyo, este Donyo.
"Miss Abrilla, may gagawin ka mamaya?" Tanong niya pagkarating ko ng office niya. Alam niyo 'ung office niya parang buong bahay na namin. Ang laki eh.
"Ahmm. Wala po Sir. Bakit?" Bait ko 'nu? Kunwari lang yan. Dahil sa totoo lang, naiinis ako sa taong 'to. Alam niyo kong bakit? Eh kasi schoolmate ko siya. Hindi naman gwapo ang feelingero! Pigtasin ko patsi mo jan eh!
"Samahan mo ko mamaya sa isang branch." Nakapatong ang paa niya sa lamesa, nagbabasa ng dyaryo habang kinakausap ako. Ang bastos!
"Meron pala akong gagawin Sir. May practice kami sa simbahan." Member ako ng choir sa simbahan namin pero wala kaming praktis. Charot ko lang. Ayoko ngang kasama yang Alex Montes na yan.
"Wala akong pakialam kung may praktis ka. Basta sasamahan mo ako." Ibinaba niya ang paa niya sa lamesa at nilapag ang diyaryo. Bastos talaga! Tatanungin pa ko kung may gagawin ako tapos sa huli sasamahan rin? Naku naku, kung hindi lang ka lang anak ng boss ko kanina ko pa hinampas sa'yo ang tray na hawak ko.
"Ayusin mo yan." Inutusan niya kong iligpit ang nagkalat sa lamesa niya. Ang tanda tanda na kasi may laruang sasakyan pa sa lamesa niya, at hindi lang isa, sampu!
"Aalis na tayo 4pm." Pahabol niyang sabi sakin at saka isinarado ang pinto.
"Okay po sir!" Magalang kong sagot. Pwe. Hirap maging mabait sa kanya. Hahaha! Nililigpit ko na ang mga gamit sa mesa niya. Yung mga ballpen, kinorte kong mga bahay at kalsada. Medyo marami kasi siyang ballpen dito. Koleksyon niya ata. At yung mga kotse, ayun nilagay ko sa kinorte kong kalsada. Can you imagine? May siyudad sa lamesa ni Alex! Haha! Wait, may laruang sundalo dito.
"Kunwari si Alex 'to," Bulong ko sa sarili ko habang nilalakad lakad ko ang sundalo gamit ang usang kamay ko. At 'ung isang kamay hawak ang laruang kotse at pinapaanadar at *Bugsssh* Nabangga si Alex! "Tulong tulong! Ay wag pala tulong, picture picture! Tapos ipost sa twitter at lagyan ng #Engot #Yehey #RIP." Hahaha! Okay back to work.
"Dyaryo! Kawawa ka naman, itatapon na kita." Itatapon ko na sana ang dyaryo pero may nahawi ang mata ko. Hindi, classified ads, hindi sa komiks, hindi sa balita. Ewan ko pero nagkainteres ako rito sa page na 'to. Marami akong nasasagap na kwento about dito, at 'ung ilan nagwowork. Hmmmm, nacucurious ako dito!
*Isip isip isip*
Okay okay, I'm gonna read you. Welcome to my life HOROSCOPE!
--
I just want to say thank you to PiaArriele for making the cover of this story. Thanks a lot Pia!! :))
BINABASA MO ANG
HOROSCOPE (SOON)
Novela JuvenilIstorya ng babaeng laging nakaasa sa horoscope ang buong araw niya. Horoscope na nagsasabi ang dapat at hindi mo gawin at paniwalaan. May silbi nga ba ang horoscope na 'un sa kanya o ito lang ang magiging dahilan kung bakit hindi niya nakakamit ang...