Chapter 2

49 2 4
                                    

"Gising ateeeeeeeee!!" Napatayo agad ako bigla sa narinig ko. Effective talagang pampagising 'tong Arinna. Ang singkit kasi ng boses.

"Tama na. Gising na ko!" Sigaw ko. Kita na ngang gising ako sumisigaw po.

"Good morning ate!" ^_^ Bati niya at saka humalik sa pisngi ko.

"Anong pagkain ang niluto ni Nanay" Tanong ko agad. Gutom na eh.

"Ano pa ba? Eh di Tulog si Ka Pepe na naman." Na naman? Nubayan! Ibig sabihin ng tulog si ka pepe is - tuyo, itlog, sinangag at kape. Ewan ko ba jan sa tatay ko kung bakit 'un ang tinawag niya sa laging inihahanda ni nanay.

-j-j-j-j-

"Good morning Nay!" Bati ko kay Nanay habang inihahanda na ang agahan.  

"Hoy Sean, nauna ka na naman ha!" Saka siya bumelat. Cute talaga ng batang 'to. Ang cute ikahon!

"Akin 'ung malaking tuyo.." Banta ko sa dalawang kapatid ko ng pabulong.

"Hoy Abrilla! Narinig ko 'un." Luh, may lahi bang dwende si Nanay? Ang laki ng tenga eh.

At yung dalawang kapatid ko ayan, binibelatan ako. Kaya binelatan ko na rin sila. 

=P 

"Anong oras pasok mo mamaya?" Tanong ni Nanay.

"Alas dos parin."

"Wag mong kalilimutang bumili ng kailangan ni Arinna sa skwelahan niya."

"Opo."

*Dyaryo! Dyaryo kayo jan!*

Parang biglang lumaki ang tenga ko sa narinig ko. Dyaryo daw! Teka! Kumaripas ako ng takbo papalabas.

"Bata! Pabili" Sigaw ko sa nagtitinda ng dyaryo.

"Yung bulgar po ate?" Luh juskong bata ka! Aanhin ko ang bulgar?

"Loko!" Inabot ko na sa kanya ang bayad ko.

"Eh bulgar naman lahat ng tinda ko!" Sigaw niya sabay takbo. Loko talagang bata! Inisahan ako nun ah!

"Wag kang magpapakita saking bata ka!" Sigaw ko rin. Umagang umaga panira.

"Huy! Ke-aga aga sumisigaw ka jan." Sita ni Nanay sa kin. Bumalik na rin ako sa lamesa at sinimulan ko ng basahin ang dyaryo. Sa horoscope page agad ako, 'un naman ang dahilan kung bakit ako bumili.

"Wag kang matakot na magsalita para sa sarili mo. Malay mo, dahil dito, may magbago." Ang weird talaga nito. Parang nilalaro lang ako. "Ang lucky color mo ay purple, yellow at green." Wow! Ang ganda ng mga kulay na 'to ah. "Ang lucky number mo ay 3, 12, 25 at 26." Subukan ko kayang tumaya sa lotto? Wag na. Sugal 'un.

"Kumain ka na!" At saka nawala ang dyaryo sa harap ko. Pssh. Panira talaga si Nanay.

"Fine! Heto na susubo na."

-- 

"Good afternoon Krista!" Bati ko kaagad sa kanya pagkarating ko ng restaurant. 

"Good afterno- *Nakanganga/nakanoot ang noo* Anong nangyari sayo?" Tanong niya. Bakit ba? Wala namang kakaiba sa akin ah. Wala namang tumubong ilong sa noo ko, wala ring tenga ang tumubo sa ilong ko. 

HOROSCOPE (SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon