Chapter 1

71 5 7
                                    

A/N: Thank you PiaArille for the cover!! :))) ♥

---

 Chapter 1

"Iwasan mong magtiwala sa kung sino-sino. Baka ka ma-nuno." Ugh? Ano 'to? Pinagloloko lang ata ako nitong horoscope na ito eh. "Ang lucky color mo ay Blue." Blue? Teka nakablue si Alex! Isa pa pupunitin na kitang dyaryo ka! "Ang lucky number mo ay 16, 5, 20, 23."  Sa wakas tumino ka rin. Hmmm. Hindi ko parin alam kung paniniwalaan kita. Pero, wala namang mawawala kung maniniwala ako diba? Susubukan lang naman.

--

"Sir Alex! Teka!" Hirap na hirap ako ngayong buhatin ang pinamili ng ugok na 'to. Walanghiya yan! Sabi niya sa isang branch ng restaurant kami pupunta, sa mall lang pala. Habang siya nakapamulsa, chillax na chillax, pasipol sipol pa. Hmmm! Nanggigil ako jusko!

"Bilis! Para kang pagong!" Aba, makapagsalita 'to ah. Sandali nga, waitress lang ako! Hindi ako yaya! Nilapag ko sa floor ang mga paperbags at kinuha ko ang isang paper bag at binato sa kanya. Sapol ang ulo.

"Hoy! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" Linapitan niya kong magkasalubong ang mga kilay at hawak ng isang kamay ang ulo habang ung isa nakaturo sa'kin.

"Hoy! Sir Alex Montes! Waitress niyo lang ako, hindi mo ako YAYA!" Sinigaw ko 'un sa kanya at halos mapatingin na sa amin ang mga nagdadaang mga tao.

"Pero sa amin ka nagtatrabaho!" Aray ha! Masakit yang sigaw mo! 

"Soooo?!!" Akala mo ikaw lang ang malakas ang sigaw.

"Pulutin mo yan!" Inuutusan niya kong pulutin ang binatong paper bag at 'ung nagkalat na laman nito, mga panyo.

"Sa'yo yan Sir di ba? Eh di ikaw pumulot." Nakacross arm kong sabi sa kanya. Feeling neto! Waitress ako! Waitress! At hindi ka costumer!

"Ahh, ayaw mo ha?" Napansin kong kumuha siya ng isang paper at *tugss!*

"Aray!" Binato niya sa akin. Sumusobra ka na talaga! *tugsss! Tugss!* Binato ko sa kanya ang dalawang paper bag at lahat 'un di niya naiwasan.

"Ikaaaaw!!" Nanggagalaiti na siya sa inis. Nung makita kong halos hakutin na niya ang lahat ng paper bag, tumakbo na ako. Mahirap na 'nu, masira pa ang beauty ko!

"Ho-hoy! San ka pupunta?! Bumalik ka!" Narinig kong sigaw niya sa akin. Lumingon ako at nakita kong hinahabol niya ko. Anak ng mais ka! Ang kulit mo!

"Stalker!" Sigaw ko sa mall. Baka sakaling may knight in shining leather shoes na tumulong sakin.

"Asa ka!" Sigaw rin niya. May nakita akong Dress shop, papasok na sana ako ng may isa pang tumatakbo mula sa kanan Ko ang nakabunggo sa akin. Kaya natumba kaming dalawa. Nakapatong siya sa akin at,

HOROSCOPE (SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon