Kontrabida

4.8K 46 4
                                    

Umpisahan natin ang kwento
Ang bida ay ikaw at ako
Sobrang kilig ng pagsasama
Para bang sikat na telenovela

Ngunit kagaya ng isang hit sa takilya
May mangugulo para baliktarin ang tema
Unti-unti akong madedehado
At biglang-bigla ang dating tayo
Ay naging kayo

Bakit ba kailangang may intriga
Sa isang magandang istorya
At laging may kontrabida
Para mang-agaw ng eksena

Ngunit lahat ay aking gagawin 
Upang muli kang magiging akin
At hindi magpapatalo ang leading man sa kwento
Maghihintay parin ako ng twist sa bandang dulo
Sana'y happy ending 
Ang love story natin

"Hindi ko napansin na unti unti na palang nagbabago ang lahat. Hindi ko malalaman ang nararamdaman mo kung di pa dahil sa isang sulat  ." -Sharlene

"Masaya ako at naging kaibigan kita. Nahulog na din ako sayo matagal na. Ngunit hindi ko alam kung ano nga ba talaga ang dapat piliin, ikaw o yung ating pagsasama."-Alexa

"Una pa lang kitang makita, minahal na kita. Matagal akong naghintay na dumating ang panahong ito, ngunit ang masakit hindi mo ako nakilala."-Jairus

"Hindi ko alam kung kailan nagsimula na mahulog ako sayo. Hindi ko nasabi sayo agad  ang nararamdaman ko dahil baka layuan mo ako. Kaya ito ibinuhos ko sa isang sulat ang lahat."- Nash

I'm your Villain (JaiLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon