Chapter X: Kaunting oras pa

848 33 10
                                    

    Magaling na ulit si Sharlene. Pinagpahinga lang siya ng mga dalawang araw upang tuluyan siyang gumaling. Sabay na pumasok ulit si Nash at Sharlene.

Nash: Bro, akala ko hindi tinatablan ng lagnat ang mga tomboy.

Sharlene: Grabe ka naman! Huwag mo ngang sinasabing ganun ako.

Nash: na ano? Tomboy?!

Sharlene:Hindi. Yung hindi tinatablan ng lagnat!

Nash: Hahaha. Aba mukang wala ka na ngang lagnat at nakukuha mo nang mabiro. Pero seryoso, Shar nag-alala ako. Di ka din kasi madalas nagkakasakit.

Sharlene's POV

              Oo alam kong sobrang nag-alala ka. Nakita ko kung paano mo ako binuhat nung matuba ako sa room. Nakita ko kung paano ka di mapakali non. Noong isang araw iniisip ko na sumuko na pero dahil sa nangyari, hindi ko na alam. Parehas kaming nahihirapan ni Jairus sa sitwasyon. Si Jairus... Si Jairus...

Nash: Shar, may sakit ka pa ba? Namumula ka kasi.

Sharlene: Namumula? Talaga?! Si Jairus kasi...

Nash: Anong meron sa kanya?

Pagpasok nila ng room. Nakita nila sina Jairus at Alexa na magkatabi. Nagtatawanan at nagkukulitan. Nakaupo si Jairus sa upuan ni Nash. Lumapit si Nash sa dalawa habang si Sharlene naupo na sa kanyang sariling upuan.

Nash: Aba, mukang nagkakatuwaan kayo dyan ah? Mukhang close na din kayo.

Alexa: Oo nga eh. Nito ko lang kasi nalaman na si Jairus pala yung kababata ko dati.

Jairus: Nakakatuwa lang na nagkita at naging magkaklase pa kami ngayon. 

Alexa: Ang tagal na din noh? hahaha. (pinisil ang pisngi ni Jairus)

Nash: Ganon?! Magkaklase na. Doon ka na pumesto sa upuan mo.

Jairus: Sige. Alexa mamaya na lang ulit.

Nash: Huwag ka nang babalik dito, (pabulong na sinabi)

Alexa: May sinasabi ka ba nash?

Nash: Wala!!! (medyo inis)

Alexa: Sungit mo na naman sa umaga!

Si Jairus naman ay umupo na sa kanyang upuan. Kinulbit niya si Sharlene.

Jairus: Nakita mo ba yun? Close na ulit kami ni Alexa. 

Nakatalikod pa din si Sharlene kay Jairus.

Sharlene: Oo nga eh. Nakita ko. Ang galing mo. Paano mo nagawa yun?

Jairus: Ako pa. Nga pala nagawa mo ba yung assignment natin?

Sharlene: Oo tapos ko na.

Jairus: Patingin nga kung tama yung ginawa mo.

Inabot ni Sharlene ang kanyang notebook ngunit nakatalikod pa din ito.

Jairus: Shar, dito sa part na to may maling computation.

Sharlene: Alin dyan?

Jairus: Yung number 7.

Sharlene: Anong part ba dyan?

Jairus: Eto nga! (tumingin kay Sharlene) Teka! Eh panong di mo makita eh nakatalikod ka! Humarap ka nga.

Sharlene: Ahhh. Nakikita ko naman.

Jairus: Ano yun may mata ka sa likod?

Sharlene: Basta nakikita ko!

I'm your Villain (JaiLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon