Chapter XIV: Your Song

865 37 0
                                    

Sharlene's POV

          Kahit sobrang tampo kay Nash sa mga sinabi niya, lumapit pa din ako sa kanya dahil hindi talaga ako sanay na hindi kami nagpapansinan. Pero kasalanan ko din naman. Dapat di ko sinabi na makipagbreak na siya. Ngunit, sa bawat araw na lumilipas na hindi ko na masyadong nakakasama sina Nash at Alexa, unti unti ding nasasanay na ako nakasama si Jairus.


Isang umaga, papalapit si Sharlene kay Alexa para makipagkwentuhan...

Sharlene: Alexa, kamusta na?

Alexa: Bebe! Okay naman ako! Maraming taong sumusuporta para mabalik kay daddy yung pwesto nya sa gobyerno dati.

Sharlene: Oo nakita ko nga sa tv. Medyo magulo. Ingat ka lagi lalo na dun sa mga kalaban ng tatay mo.

Alexa: Oo nga eh. Buti nandyan din si Nash para lagi akong bantayan.

Biglang may mga lumapit na girls kay Alexa.

Girl1: Alexa, nalaman ko na nag aaral ka pala magpole dance.

Girl2: Gusto din namin sumama minsan.

Alexa: Ahh! Oo. Minsan sama kayo saken.

Girl3: San mo nga pala nabili yung dress mo dun sa instagram?

Alexa: Online shop yun. Sesend ko sayo yung link.

Sharlene: Alexa...

Girl2: Ang galing mo din mag ayos at magmake up girl! Ano ba yung mga gamit mo?

Alexa: ahh yun. Binili ni mommy yun. Natingin din ako ng tutorials sa net.

Sharlene's POV

                 Mukhang nakakita din si Alexa ng mga bagong kaibigan na katulad ng mga interest niya ah. Mabuti naman kung ganun. Kaso hindi naman ako makarelate sa mga pinaguusapan nila. 

Sharlene: Alexa, sige una na ako.

Alexa: Teka lang bebe. 

Girl1: Alexa, may dala akong fashion magazine. Ipili mo nga ako ng damit.

Sharlene: Okay lang Alexa. May gagawin na din ako.

Alexa: Sige bebe.

Bago siya umalis sa harap nila. Nakita ni Sharlene kung paano siya tingan ng mga kasama ni Alexa mula ulo hanggang paa.

Sharlene: (bulong sa sarili: Ano bang problema nila?! Parang ang sarap manapak!)

Isang umaga habang naglalakad si Sharlene sa corridor, may mga narinig siyang mga lower class na mga babae...

Girl1: Mukhang madalas na ata magisa si Sharlene ah.

Girl2: Siguro naetsapuwera na tong si Sharlene dahil girlfriend na ni Nash tong si Alexa.

Girl3: Sabagay, kung ako din naman pipili ba ako ng mas mukha pang lalake sa akin. Tomboy naman yun.

Girl2: Nakakairita pa feeling nya kayang kaya niya lahat dahil malakas sya. Lagi pa siya nakikisiksik kay Nash. Bestfriend bestfriend daw pero feeling ko nakikibestfriend lang naman talaga tong si Sharlene para sumikat din. Tapos kunyari tomboy pero nilalandi nya si Nash kaso sorry na lang for this tiboom dahil si Alexa ang pinili niya!

Hindi nakapagtimpi si Sharlene sa narinig...

Sharlene: Anong karapatan ninyong dungisan ang pakikipagkaibigan ko kay Nash?! Eh mga bata lang kayo. Ni hindi ninyo nga kami nakita dito sa school mula first year! Mga bago lang kayo dito!

I'm your Villain (JaiLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon