Chapter XIX: Forever Villain (Last Chapter)

1.3K 55 36
                                    

Matapos ang insidente, ilang araw na hindi na napasok si Jairus. Kumalat ang balitang kaya hindi siya napasok dahil sa pagkapahiya. Ang ibang balita naman ay nagtransfer na siya. Madaming nagtatanong kay Sharlene ngunit ang tanging sinasabi niya lang ay wala siyang alam. Hanggang sa isang araw...

Teacher: Miss San Pedro, ieexcuse ka muna naming sa klase ha.

Sharlene: Bakit po?

Teacher: May gusto kasing kumausap sayo.

Pumunta nga si Sharlene sa Guidance office. Kinakabahan siya dahil iniisip niyang may kinalaman iyon sa pangpapahiya niya kay Jairus sa harap ng school.

Sharlene: Ma'am ano po yun?

Teacher: Nandito kasi si Mr. and Mrs. Aquino para kausapin ka.

Sharlene: Po?!

Teacher: Sige lalabas muna ako para makapagusap kayo.

Jairus' Mom: Ikaw ba si Sharlene?

Sharlene: Opo. Bakit po?

Jairus' Mom: Nandito kami para kausapin ka tungkol kay Jairus.

Sharlene: Ahh sige po.

Jairus'Mom: Girlfriend ka ni Jairus diba?

Sharlene: uhhmm... opo...da..dati po.

Jairus' Mom: Sa totoo lang hindi namin alam na may girlfriend siya. Kaya pala ayaw bumalik sa amin ng batang yon dahil sayo.

Sharlene: Po?! Hindi ko po maintindihan.

Jairus' Mom: Hindi ba sayo sinabi ni Jairus na wala na naman talaga kaming balak na bumalik dito sa lugar na to. Ang balak namin papagaaralin si Jairus sa isang magandang school sa Manila dahil nandoon din naman ang last na kontrata ng dad niya. Pagnatapos ang kontratang yon, pupunta na kami ng Spain para doon na manirahan. Pero sobrang tigas ng ulo niya at pinipilit niyang bumalik dito.

Sharlene: Hindi ko alam na ganoon po ang nangyari. Hayaan ninyo po lalayo na po ako sa kanya.

Jairus' Mom: Hindi yun ang gusto kong sabihin ngayon. Hindi ko alam ang nangyari pero... (hindi naituloy nang ina ni Jairus ang pagsasalita at napahagulgol ito)

Kinabahan bigla si Sharlene sa naging reaksyon ng nanay ni Jairus.

Jairus' dad: Please hija, kung nagbreak nga kayo, balikan mo ang anak ko. Nagmamakaawa ako.

Nagulat si Sharlene sa narinig niya.

Jairus' Mom: Si Jairus...si Jairus nasa hospital.

Sharlene: Ano pong nangyari?!!!

Jairus' Dad: Kasalanan ko ang lahat. (napaluha)

Ikinuwento nga ng ama ni Jairus na napagbuntunan niya si Jairus nang bumalik dito. May naging problema sa trabaho ang kanyang ama. Pagsasabihan niya lang sana si Jairus at tuturuan ng leksyon na gaya ng dati dahil hindi ito nanguna sa entrance exam. Sinisi niya si Jairus dahil sa pagpupumilit na pumasok sa school nina Sharlene. Nagsabay ang init ng ulo ng kanyang ama dahil sa resulta ng exam ni Jairus at problema sa trabaho kaya hindi na namalayan ng ama na sobrang nabugbog niya ang kanyang anak. Nawalan ng malay si Jairus. Ginigising siya ng kanyang ina at ama ngunit hindi ito magising kaya agad nilang itinakbo sa hospital ang kanilang anak. Sising sisi naman ang kanyang ama sa mga nangyari. Ilang araw ang nagdaan ngunit napansin ng mga magulang na kahit ni isang kaibigan walang nadalaw kay Jairus. Kaya pinuntahan nila isa isa ang mga naging eskwelahan ni Jairus para ibalita sa kanyang mga kaibigan ang nangyari kay Jairus. Ngunit sa pagtatanong ng mga magulang ni Jairus sa mga dating schools ni Jairus, nalaman nila na si Jairus pala ay kinakatakutan ng kanyang mga kaeskwela at hindi siya nagkaroon ni isang kaibigan. Halos lahat ng tanungin niya tungkol sa kanilang anak, hindi maganda ang sinasabi. Mga guro lamang ang nakakapagsabi ng maganda kay Jairus dahil siya ay laging nangunguna sa klase. Hanggang sa puntahan na nga ng mga magulang ni Jairus ang present school niya. Napagalaman nga nila na girlfriend nga ng anak nila si Sharlene.

I'm your Villain (JaiLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon