Chapter XVI: Hello Mythos!

873 38 14
                                    

Nagumpisa na ang summer. Ilang araw na hindi naguusap ang dalawa ni Alexa at Nash. Kahit anong tanong ni Sharlene sa dalawa hindi sila nagsasalita. Unti unti na namang nakaramdam si Sharlene ng pagiisa. Naisip niya kasing naglilihim na din si Nash at Alexa sa kanya. Hindi niya din gustong kausapin si Jairus dahil sa nakita niya. 

Sa kwarto ni Nash...

Nash's POV

          Ano bang ginagawa ko sa buhay ko? Nasaktan ko si Alexa. Hindi ko naman sinasadya na sabihin yun sa kanya. Nadala lang ako ng mga pangyayari. Para kasing unti unti na din nawala si Sharlene. Kahit yung pwesto ko sa family nina Sharlene nawawala na. Ang dami nang nagbago sa amin. Hindi na nga katulad ng dati. Mababalik pa kaya ang lahat?

Ang nakaraan ni Nash...

(Ten years ago) 

Nash's Dad: Mukhang may bago tayong kapit bahay ahhh...

Nash's Mom: Tingnan mo oh. Mukhang may mga bata din sa kanila Nash.

Napatingin si Nash sa bintana. Nakita niya si Sharlene na may hawak hawak na manika.

Kinahapunan, lumabas siya para maglaro. Nakita niya si Sharlene na naglalaro magisa.

Nash: Bata, laro tayo!

Sharlene: Sige! Di ako sinasama ni kuya sa mga laro nya eh. Girl daw ako. Ano bang laro?

Nash: Uhmm... barilan! May mga baril ako dito.

Sharlene: Ayoko! Nakakapagod yun! 

Nash: Eh anong laro?

Sharlene: Eh di nanay tatay!

Wala na ngang nagawa si Nash kundi ang sumunod sa mga gustong laro ni Sharlene. Ngunit habang nagtatagal mas gusto nang makipaglaro sa kuya ni Sharlene na siya ding nagturo sa kanya magbasketball. Kaya si Sharlene, napilitan na ding maglaro ng mga panlalaking laro.

Naging close din ang pamilya ng dalawa. Dalawang taon ang nakalipas...

Sharlene: Nash, nash makikipaglaro daw sa atin si Jairus.

Nash: Osige ba.

Doon na nga nila nakilala si Jairus.

Nash: Bakit kaya laging kasama ni Sharlene si Jairus? Hindi na siya masyadong nakikipaglaro sa akin. 

Madalas nang naiinis si Nash kay Jairus dahil sa pakiramdam niya inaagawan siya ng atensyon mula sa kanyang kaibigan. Kaya ang ginawa ni Nash, mas lumapit pa siya ng lumapit kay Sharlene at pinakikita kung gaano sila kaclose. Hanggang sa dumating nga ang insidente kung saan nagaway ang dalawa ni Jairus at Nash. Lumipas ang school year at tuluyan nang umalis si Jairus.

Nash: Sharlene! Halika na uuwi na tayo. Ano pa bang ginagawa mo dyan sa playground!

Sharlene: Iniintay ko si Jairus! Sige mauna ka na.

Nash: Araw araw mo na lang ginagawa yan. Hindi ka pa ba nagsasawa?

Sharlene: Hindi! Basta iintayin ko siya.

Nash: Tigas naman ng ulo mo! Malapit na dumilim di pa ba tayo uuwi? Sumbong kita kay tita!

Sharlene: Eh kasi naman! (nagdadabog na sumama kay Nash)

Araw araw nakikita ni Nash na naghihintay si Sharlene at hawak hawak lagi ang litrato ni Jairus at Sharlene nung play. Natigil lang ito nang...

Nash: Tita, bakit po wala pa sina mommy at daddy?

I'm your Villain (JaiLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon