The first Chase

2.9K 55 23
                                        

The Chase

 

 

+++

 

 

They say that if you survive a tragic incident that almost took your life, you’ll change. In his case, it’s LITERAL.

 

 

+++

“Kuya, pagod na ko. Di ko na kayang tumakbo. Iwanan mo nalang ako dito.” Sabi ko sa kuya ko na kasama kong tumakbo palayo sa mga lalaking kanina pa humahabol sa amin.

“No! I will never leave you here. Makakatakas tayo sa kanila ng magkasama.” Mariing sabi sa akin ng kuya ko habang marahang pinisil ang kamay kong kanina pa niya hawak. Gusto ko ng sumuko ng mga oras na to pero dahil sa mga salita ng kuya ko, ng nagiisang taong karamay ko sa akin ay tinatagan ko ang loob ko. Nagpatuloy kami sa pagtakbo pero sadyang bumibigay na ang katawan ko. Hanggang sa naramdaman ko nalang ang paglapat ng katawan ko sa malamig at matigas na semento.

“Demi!” Sigaw sa akin ni kuya na medyo malayo na sa pwesto ko. Tumakbo siya papalapit ulit sa pwesto ko pero nakakailang hakbang palang siya ay nakarinig ako ng malakas na putok kasabay ng pagbagsak ng katawan ng kuya ko.

“Kuya! Kuya Pyro!!!” Sigaw ko. Pinilit kong gumapang papalapit sa katawan niya pero may dalawang pares ng kamay na humablot sa akin at marahas akong kinaladkad palayo. Nakita kong may isang lalaking may dala ng baril ang lumapit sa pwesto ng kuya ko at pinaputukan ulit ang nakahandusay na katawan niya.

“Kuya! Kuya!!”

Napabalikwas ako ng bangon at sapo sapo ang dibdib ko. Panaginip. Napanaginipan ko na naman ang malagim na pangyayaring iyon. Dalawang taon na ang nakalipas simula ng mangyari ang insidenteng iyon pero malinaaw parin sa alaala ko ang mga nangyari nung gabing iyon.

Matapos nilang barilin ang kuya ko ay kinaladkad nila ako pabalik sa bodega kung saan nila ako muling itinali at paulitulit na pinahirapan para lang sabihin sa kanila kung nasaan ang magaling kong ama. Nagising nalang ako sa isang ospital noon. Ang sabi sa akin ng stepmom namin ay patay na daw ang kuya ko. Ako ang sinisisi niya sa pagkawala ng kuya ko. Kung hindi raw ako naglayas ng gabing iyon ay hindi ako makikidnapped ng mga lalaking iyon. Hindi ko alam kung papaano nila ko nailigtas o kung sino ang nag ligtas sa akin.

Simula ng araw na iyon, mas naging mahirap ang lahat para sa akin. Mas sumama ang pakikitungo sa akin ng  stepmom namin lalo na ang anak niyang patay na patay sa kuya ko. Pero simula din ng araw na yun, pakiramdam ko mas naging ligtas ako.

Bumalik lang ako sa reyalidad ng may marinig kong kumatok. Napakunot noo ako.

THE CHASETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon