++++ the third chase ++++
“Sigurado ka bang gusto mo nang pumasok ngayon? I mean, ayos na ba ang pakiramdam mo?” muling tanong sa akin ni Nathan habang ipinaparada ang sasakyan niya sa parking lot ng school namin. Bahagyang nakangiti akong tumango sa kanya bilang tugon.
“Pero kasi, pwede kitang ihatid sa bahay niyo para makapahinga ka ng ayos. Kung iniisip mo yung mga dumukot sayo, wag kang mag alala. Ako na ang bahala sayo.” Pamimilit pa rin niya.
“Im fine Nathan. Wag ka nang mag alala pa dahil sobra sobrang pang aabala na ang ginawa ko sayo. Isa pa, ikaw na din ang nagsabi, dalawang araw akong tulog. Dalawang araw akong hindi pumasok kaya kailangan kong mag habol sa eskwela.” Nakangiti kong tugon sa kanya. Ayoko na siyang abalahin pa dahil sobra sobra na ang nagawa niya para sa akin. Isa pa, gusto ko nang Makita agad si kuya. Kahit Makita ko lang siya.
“Sabagay. Ikaw ang bahala. Basta pag kailangan mo ko, alam mo naman saan ako makikita diba?” sabi niya sa akin matapos makababa ng sasakyan. Tumango nalang ako sa kanya bilang tugon.
Inihatid ako ni Nathan sa room ko at siya na din ang nag dahilan sa prof ko para sa dalawang araw na hindi ko pag pasok. Napaka bait talaga ng lalaking yun. Ang hindi pag damay sa kanya sa problema ko ang tanging paraan para masuklian ko ang kabaitan niyang iyon sa akin.
Dumaan ang maghapon pero ni anino ng kuya ko o nung kaibigan niyang si Miro ay hindi ko nakita. Tsk. Paano ko malalaman ang mga sagot sa tanong ko kung hindi ko sila makikita?
Walang gana akong nagpasyang umuwi nalang muna. Alam kong hindi pa ako nakakasiguro na ligtas na ako sa bahay pero wala na akong pakialam. Inaasahan ko na din naman na sooner or later, mamamatay ako.
Dahil wala naman akong dalang sasakyan ay nag commute nalang ako. Dalawang sakay pa bago ako makauwi sa bahay.
Habang nag aabang ako ng masasakyan, di sinasadyang natanaw ko si Kuya Pyro na nakatayo sa tapat ng isang restaurant, tawid kalsada lang mula sa kinatatayuan ko. May humintong itim na van sa tapat niya at pag andar muli ng van, wala na siya sa kinatatayuan niya. Panigurado, sumakay siya sa van na iyon. Eto na ang pagkakataong inaantay ko.
Agad akong pumara ng taxi at pinasundan ang itim na van na iyon. Mabuti nalang at hindi pa sila gaanong nakakalayo. Sinabihan ko si manong driver na wag masyadong dumikit sa van na iyon dahil alam kong makakahalata sila.
Nang mapansin kong pumasok sila sa isang pamilyar na subdivision ay ipinahinto ko na kay manong driver ang taxi at agad na bumaba. Alam kong hindi rin naman ako makakapasok kung nakataxi ako.
Agad akong lumapit sa guard at nagkunwaring may dadalawin na kaibigan sa loob. Mabuti nalang at hindi masyadong mahigpit dito kaya hinayaan niya akong makapasok.
![](https://img.wattpad.com/cover/9605487-288-k428110.jpg)
BINABASA MO ANG
THE CHASE
VampireThey say that if you survive from tragic incident that almost took your life, you'll change. In their case, it's LITERAL.