the second chase

1.4K 47 23
                                    

“Baby please, wag mo ng pagpilitang hanapin si kuya. Hindi na ako ang dating kuya na kilala mo. Masyadong delikado para sayo. Start a new life Demi. Kalimutan mo na si kuya. Wala na si kuya. Hindi na ako kailanman maaring bumalik sa dating ako. Mahal na mahal kita baby ko. Mahal na mahal ka ni kuya.”

Napabalikwas ako ng bangon. Narinig ko na naman ang boses ni kuya. Bakit kuya? Bakit? Bakit gusto mong kalimutan kita? Ikaw nalang ang meron ako.

Inilibot ko ang paningin ko. Nasa kwarto ko na naman ako. Madilim na sa labas at dama ko ang lamig ng simoy ng hangin dahil bukas ang pintuan ng veranda ko. Lumapit ako doon para isara iyon pero laking gulat ko ng may tumambad sa aking isang pigura mula sa labas.

Dahil sa gulat ay napaatras ako. Huli na para maisara ang pintuan ng veranda dahil nakapasok na siya sa kwarto ko. Kahit medyo madilim ay naaininag ko parin ang nakamaskara niyang mukha.

Dahil sa takot ay mabilis akong tumayo at tumakbo palabas ng kwarto. Halos gumulong ako pababa ng hagdan dahil sa pilit akong kumakawala sa hawak ng estrangherong nanghimasok sa pamamahay ko. Takot na takot ako. Ang tibok ng puso ko’y di normal, parang gusto na nitong kumawala mula sa dibdib ko. Pakiramdam ko, mauulit ang lahat ng nangyari sa akin noon.

Patuloy ako sa pagtakbo hanggang makalabas na ako ng bahay ngunit sa kasamaang palad, sinalubong ako ng dalawa pang lalaking nakamaskara. Mga kasamahan ata sila ng lalaking humahabol sa akin. Huli na para makaiwas pa sa kanila. Agad akong sinunggaban nung isang lalaki at pwersahang tinakpan ng panyong may nakakahilong amoy ang aking bibig dahilan para mawalan ako ng ulirat. Ito na ata ang katapusan ko. Kuya, kung naririnig mo man ako, patawad.

Napasinghap ako at agad na napamulat dahil sa malamig na tubig na pwersahang isinaboy sa mukha ko. Bahagya pa akong napaubo dahil sa pagpasok ng tubig sa ilong ko. Sino ba ang mga taong ito?

“Mabuti naman at gising ka na.” Isang matinig at nakakasurang boses ang pumailanglang sa kwartong pinaglagakan nila sa akin. Kilala ko ang may ari ng boses na iyon. Ang walang puso kong madrasta. Matalim ko siyang tinignan.

“Anong kailangan mo sa akin?” Malamig na tanong ko sa kanya.

“Isa lang ang kailangan ko. Ang pirma mo.” Malanding sagot niya sa akin.

“Patayin mo nalang ako.” Mariin na sabi ko sa kanya. Hinding hindi ako papayag na sa kanya mapunta ang pinaghirapan ng daddy ko. Napaghandaan ko na ang kamatayan ko kaya naman, nagpagawa na ako ng last will and testament sa attorney ni daddy na kung sakaling mamatay ako, lahat ng pagaari ko ay mapupunta sa iba’t ibang charity.

“Talagang papatayin kita pag hindi ka pumirma!” Inis na sigaw niya sa akin. Nginisian ko lang siya.

THE CHASETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon