Chapter 1 : Jeepney love story

67 2 0
                                    

Tyler's POV

Kumaripas na ako ng takbo palabas ng compound namin. Hindi ko na pinansin kung ano ang hitsura ko, basta huwag lang akong ma-late, ni-hindi na nga ako nag-breakfast eh kasi thirty minutes na lang at magsisimula na yung klase ko. Traffic pa naman palagi dun sa ruta papuntang school, bwisit kasi yung mga trailer trucks, palaging dun dumadaan sa rutang yun!!!

Ayaw ko talagang ma-late sa unang araw ko sa college kaya naman mas lalo ko pang binilisan ang takbo hanngang sa makarating ako sa gate at tuluyang makalabas sa compound namin.

Paglabas ko eh bumungad sa akin ang highway ( sa tapat lang kasi ng hi-way compound namin) pumara agad ako ng jeep at swerte naman na merong pumara. Pumasok agad ako sa jeep pagkapara nito at naupo. Inayos ko muna ang sarili ko bago ko iabot ang bayad ko.

" Bayad ho, pakiabot po."

Inalok naman ng lalaking nasa harap ko yung kamay nya para iabot yung bayad ko pero hindi ko muna inabot dahil sa napatingin ako dun sa red string na nakatali sa hinliliit nya.

Oo nga pala, nakikita ko yung bagay na yun .

Ni- trace ko ng tingin yung red string na nakatali sa hinliliit ng lalaki at nakita ko naman na hindi masyadong mahaba yung distansya ng red string na nagdurugtong sa kanila ng soulmate nya, actually katabi nya nga eh.

Isang babae na halos kasing edad lang ni Mr. Pogi itong si Ms. Ganda na soulmate ni Mr. Pogi. Red head itong si Ms. Ganda at mukhang rockistang emo samantalang itong si Mr. Pogi, simpleng lalaki lang at mukhang mayaman.

"Bayad po." dun ko inabot kay Ms. Ganda yung bayad ko para kapag inabot nya kay Mr. Pogi yung bayad ko eh magkakatinginan sila at magkakainlaban na silang dalawa. 

Kinuha naman ni Ms. Ganda yung byaad ko at iniabot dun kay Mr. Pogi yung bayad ko. Nakangiti akong tumitingin sa kanila. Nang inabot na yung bayad ko, eh sakto! Boom!

 Nagkatinginan yung dalawa at mukhang nagkainlaban na! Ganyan talaga ang kapangyarihan ng red sring of fate! Kung connected yung string nyo, soulmates na akyo habambuhay! :D

Medyo matagal rin silang nagkatinginan nang pagkalagkit-lagkit! Mas malagkit pa sa malagkit!!! XD

Medyo matagal na nga, mga 5 minutes din yun kaya binasag ko na ang katahimikan.

' Ehem...ehem.. Ba-hayad ko po!"

nagulat bigla yung dalawa at mukhang bumalik na sa real life yung mga diwa nila.

'Ahm, bayad daw po." malambing na sabi ni Ms. Ganda sabay abot kay Mr. pogi yung bayad ko, na may kasamang ngiti. 

Hahaha, another job done. Pakiramdam ko nakapagpasaya na naman ako ng tao. Well, sino  pa ba ang kikilos since ako lang naman ang nakakakita ng mga "bagay"( he's reffering to the red string) na iyon. Pero minsan pumapasok rin sa isip ko kung sino kaya yung taong nakatadhana para sa akin.

Nakikita ko naman yung red string na nakatali sa pinky finger ko pero mukhang malayo ang distance ko mula sa soulmate ko ( base dun sa length nung red string). Taga-ibang planeta ata tong soulmate ko!

Nang mapansin kong malapit na ako sa babaan papuntang school eh pumara na ako, para sakto ako dun sa babaan. Minsan kasi kapag dun ka papara sa mismong babaan ko eh lumalampas, eh ayoko pa naman ng ganun. Pakiramdam ko eh nanti-trip yung driver kaya nila ginagawa yun. XD

" Para po!' sabi ko sa pinaka-malumanay kong boses. Syempre kailangang  maging magalang!

Pumara naman ng sakto si mamang driver kaya ayun...

achievement.

Tumayo na ako, pero konting yuko kasi baka mauntog ako sa bubong ng jeep. Lumakad paalis, nang biglang may humawak sa kamay ko. Badshot naman oh! Late na nga ako tapos ayaw pa akong pababain ng jeep! 

The Red string of fate (BoyxBoy, Shounen-ai)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon