Gumawa tayo ng 1000 na paper crane at pagatapos nating gawin ay sakto Dec. 24 na! Nagcelebrate ako kasama pamilya ko. Habang ikaw hinihintay mo yung parents mo nang may biglang papel na ibinigay sayo ng nurse na nagsasabing di sila daw makakapunta dahil hectic ang schedule nila. Lumapit ako sa bintana
at binuksan ko."Uyy! Ok ka lang ba?" Nag aalala kong sinabi sayo
"Hm? Ahh oo ok lng ako. Di daw sila makakapunta ngayon ehh hectic. Alam ko nanaman ehh. Sige sarado mo na yung bintana nagcecelebrate pa kayo" ngumiti ka sakin pero alam kong peke yun at humiga ka na.
Sinarado ko ang yung at nagcelebrate na kami ulit. Sinabi nga sakin ng pamilya ko na yayain daw kita pero sinabi kong pagod ka na at gusto mo nang matulog. Pagkatapos namin magcelebrate naghahanda na ako para supresahin ka. Para ngang Mission Impossible ako nun ehh, iniiwasan ko na makita ako ng mga nurse baka mapagalitan ako. Mahirap pero ok lang tutal ikaw ang first friend na nagawa ko sa hospital- hindi in my whole life ikaw lang ang naging friend ko. Nung 11:50 na ng gabi at pumunta ako sa kwarto mo gamit yung bintana at ginising kita.
"Uyy gising na may papakita ako sayo" naeexcitw kong sinabi
"Huh? Matulog ka na nga bawal tayong lumabas tuwing gabi" sabi mo sakin at pumikit ulit
"Dali na! Saglit lng to. Dalii" sinabi ko sayo at hinihila kita.
"Hayy sige na nga" sabi mo sakin at tumayo na sa kama mo at naglakad na tayo ng dahan-dahan
"Dali! Punta tayong rooftop!" Sinabi ko sayo ng mahina habang naglalakad sa stairs.
"Teka lng hindi to makapaghintay ehh" sinabi mo sakin
"Dali!! Malapit na tayo!" Sinabi ko. Mas nauna akong pumunta sa rooftop kesa sayo kaya naghanda na ako.
"Uyy! Asan kana?" Sabi mo habang hinahanap mo ako. Nasa taas ako ng pinutuan naghihintay na mag 12pm at tapos binato ko ang mga paper crane na ginawa natin at tumingain ka sa taas at sinabi ko
"MERRY CHRISTMAS GINO! Kung totoo nga ang sabi nila ang wish ko ay sana maging masaya ka habang buhay!" Sinabi ko sayo habang nakasmile. Nagulat ka at biglang naging galit ang mukha mo.
"Bumaba ka nga dyan at bka mahulog ka" sinabi mo sakin ng galit.
Bumaba ako akala ko galit ka at sinabi ko
"Sorry na akala ko magiging masaya ka" malungkot kong sinabi.
Nyakap mo ko at sinabi mo sakin "Salamat kristine ito ang pinakamasaya kong Christmas dahil kasama kita" masaya mong sinabi. Namula ako nun at lumingon
"Uyy bakit ka lumingon?" Tinanong mo sakin.
"Wala tulog na tayo mahuli pa tayo ng nurse, pagalitan pa tayo." Sinabi ko at umalis na tayo sa rooftop at pumunta na sa kwarto natin.
Hindi matanggal sa isip ko yung mga sinabi mo kaya hindi ako nakatulog at dun ko nakumpirma na may gusto pala ako sayo. Naging maayos naman ang paguusap nang mga ilang months kaso minsan di ko mapigilan ang nararamdaman ko sayo kaya minsan awkward ako sa isip-isip ko nga nun ay Wag ka nga kiligin, friends lng kayo at dun lang yun.
Kaso one day may bumisita sayong babae hindi mo sya kamukha at hindi din mukhang nanay mo kasing taon ko lng din sya. Binigyan ka ng bulaklak at gift, tuwang-tuwa ka naman. Nainis ako kaya hindi kita kinausap at nagbasa nalng. Binuksan mo yung bintana.
------------
Author's note:
Sana po magustuhan nyo. Baka po tumagal ang update neto kasi marami pa po akong gagawin.
YOU ARE READING
Meet You At That Window
Novela JuvenilIsang babae at isang lalaki, magkatabi ng kwarto at may salamin sa tapat ng kama nila. Ano kayang mangyayari?