Hello

12 0 0
                                    

Una kitang nakita sa hospital nakahiga, malungkot at parang wala ka nang pag-asa... hindi naman dahil sumisilip ako sayo nakatapat kasi sa higaan ko yung bintana
kaya kita nakikita. Sabi nga ng mga nurse kaya daw may salamin sa harap natin dahil ayun ang ibinilin ng may-ari ng hospital para makita nya ang kanyang asawa hanggang sa kamatayan. Grabe noh? Ang sweet ng storya nila. Any way naalala mo pa ba nung una kitang nilapitan ang snob mo kaya! Kinamusta pa nga kita ehh

"Hi! Ako nga pala si Kristine. Anong pangalan mo?" Sinabi ko sayo tapos anong nireply mo?

"Hmph! Wala akong pake isarado mo na nga yang bintana nayan! Gusto kong magpahinga." Wow! Ako na nga nangamusta ikaw pa galit?

"Ok! Pero lagi-lagi kitang kakamustahin. Para mainis ka hehe" sabi ko sayo

"I don't care stupid girl" sabi mo sakin. Ang rude mo tlga noh?

" Stupi- ano?! Sige ikaw nagsabi nyan belat" sinabi ko sayo at sinarado ko na yung salamin..binuksan ko ulit ung salamanin at sinabi ko sayo

"FYI, di ako stupid, childish lang ako" at sinarado ko ulit yung window.. Ughh nakakainis ka tlga noh? At dahil ikaw nagsabi nyan ginawa ko para sayo. After ng mga ilang months na pangunfulit ko naging close tayo at medyo naging mabait ka sakin, pero sinasabihan mo padin ako ng stupid girl... nakakainis tlga. Nagtaka ako one day matamlay ka na may hawak-hawak na papel. Nagtrespass pa nga ako sa room mo di mo man lang ako napansin

" Uy! Bakit ka malungkot? Ano yang papel na hawak mo?" Sabi ko habang nag-aalala

"...." wala ka man lang sinabi nakatulala ka lng sa tabi

"Akin na nga! Patingin!" Kinuha ko sayo habang nakatulala ka lng dyan, ayaw mo kasing sabihin ehh yan tuloy.

"Uy! Akin nayan!" Natauhan ka bigla at tumayo ka sa higaan mo para kunin sakin yung papel. Tumakbo ako pabalik sa kwarto ko at sinarado ko yung window

"Ayaw ko nga! Di ka sumasagot ehh" aabi ko sayo at binasa ko yung papel.kung naalala ko pa ang sabi ata dun ay:

Hi! Gino pasenya ka na ah! Di kami makakapunta sayo ngayon madami kasing work dito sa Canada ehh. Pero sa Christmas pupunta tlga kami dyan. Promise.

Love Mom and Dad

Pagatapos ko basahin, binuksan ko yung bintana para ibigay sayo kaso kinuha mo agad sakin. Ang bilis mo nga ehh at dun ko unang nalaman ang pangalan mo.

"Sorry. Di ko sinasadya... hindi sinasadya ko pala.. ay hindi... i mean sorry talaga" sabi ko sayo

"Hindi okay lang." Malungkot mong sinabi

"Ahh alam ko na! Tuturuan kitang gumawa ng paper crane! Sabi daw nila pag gumawa ka daw nun ng 1000 pcs. matutupad ang kahilingan mo"

"Pftt hahaha You're such a stupid girl.." sabi mo sakin ginanahan ka na nun.

"Ha?!!! Stupi-" pinatahimik mo ko at sinabi

"Pero salamat sayo dahil ok na ko" sinabi mo sakin

Dun ko unang nakita ang masaya mong mukha at di ko alam kung bakit ako namula pero dahil sa kahihiyan sinarado ko yung bintana at nagtago sa ilalim.

"Uy! Kristine! Anong nangyari?!" Nag aalala mong sinabi

"Uyy ok ka lng?" Dinagdag mo pa

Tumayo ako at binuksan ko ulit yung bintana at sinabi ko "Takot ka noh? Joke lng" masaya kong sinabi

Pinitik mo ko sa noo ko at tapos sinabi mo sakin "Tch. Nakakainis ka! Matulog ka na nga!" Sinarado mo yung bintana at bumalik ka sa kama.

"Uyy sorry na! Sorry na ha! Goodnight" masaya kong sinabi at natulog na din.

---------------------------
Author note:
Sana magustuhan nyo. Sana po supportahan nyo ang ginagawa kong storya. Pagpasensyahan na po sa wrong spelling at grammar. Salamat

Meet You At That Window Where stories live. Discover now