Prologue-and they lived happily ever after. The end.
Napangiwi ako nang marinig koang last line sa story na binabasa ni papa kay Casey, bunso kong kapatid.
Sana ganyan lang kadali ang buhay. Pero hindi.
Para lang yan sa mga prinsesa at prinsipe. Para lang yan sa pinanganak sa mga palasyo at may mga alalay.Hindi yan para sakin.
Hindi naman sa naghihirap kami to the point na wala na kaming makain. Syempre, tama lang na mapag-aral kami, makakain ng tatlong beses sa isang araw, at mabili ang ibang gusto namin.
Normal lang ang buhay ko. Mula noon pa man, alam ko na na hindi ako dapat maghangad ng sobra.Hindi na ako nagaassume. Dun lang ako sa alam kong abot ko, atyung totoo.
Minsan masarap din mangarap, pero hindi dapat tayo mag ilusyon.
Tayo din ang masasaktan.
Life's never easy. I only realized that nung nawala si mama. 8 palang ako nun, pero madami siyang alalaalang iniwan. I think that's why it hurts.Dahil may memories, at naramdaman ko ang pagmamahal niya saamin.
May dangal na namatay si mama. Namatay siya sa isang barilan. Police woman ang mama ko, at masakit isipin na namatay siya dahil lang nabaril siya sa pagtatanggol ng isang bata sa isang lasinggero.
Alam kong walang kasalanan angbata, but I can't help na sisihin siya. Sinusumbatan ko siya sa isip ko minsan.
Bakit siya pa yung pinagtanggol ni mama. Dahil sa kanya, nangungulila kami sa ina.
Simula nang pagkamatay ni mama, hindi na ulit uminom ng alak si papa, hindi naman talaga siya lasinggero. Pero para nadin siguro sa respeto niya kay mama.
Bumaling ako ulit sa bag ko nang mapagtanto long natigil ako sa ginagawa ko dahil sa naalala ko nanaman si mama.Inayos ko ang gamit ko para sa klase namin bukas. Wala na akong ibang hinahangad pa kundi makapagtapos ng pagaaral at magkaroon ng magandang trabaho. I do well in class naman, kahit medyo tamad ako, maayosnaman ang grades ko. Hindi ko hahayaang bababa ito ng husto.
Bago ako bumalik ng kwarto ko, dumaan ako kay Papa.
"Good night Pa."
Mahina kong bulong bago sinarado ang pinto niya.Tumango lang siya at ngumiti sakin. Hinalikan niya sa noo si Casey at humiga na sakanyangkama.
Sinarado ko ang pintuan ng kwarto nila.
10 palang si Casey kaya sa kwarto padin siya ni Papa natutulog.
Tatlo kaming magkakapatid.
Ang kuya kong si Phoenix ay Grade 12
Ako naman ay Grade 10
At Si Cassey ay Grade 5.
Madami ang nagsasabi na ako ang nakasalo ng mga features ni mama.Lalo na ang mata kong may pagkachinita.
I have her eyes.
Kaya tuwing tumitingin ako sa salamin, hindi ko maiwasang hindi maalalala si Mama.If I could sum up all that I'velearned in this life, is that it goes on. Even when you die. It still goes on. Maybe not for you, but for those who still live.
Laging sinasabi noon ni Mama, make your life worth living for, but honestly, I don't know how.
"May gwapong transferee daw. Ang swerte natin magiging kaklase natin sya. Kyaaah!" Tili ni Gwen sa canteen, dahilan kung bat napatingin ang mga estudyante sakanya. But she didn't care.
Patuloy padin siya sa paghagikhik at pagyugyog sa mesa."Sus Gwen. Lumalandi kananaman." Singhal ko sa kanya at nagpatuloy sa pagnguya ng burger ko.
"Sus. Eto naman, kala mo naman hindi tumitingin sa gwapo. Tingnan lang natin kung di ka magkakacrush dun." Humalakhak siya at kinuha ang salamin niya sa bag niya at nagpulbo. Umirap ako sakanya.
Tiningnan niya ako ng masama.
"Andy naman! Magdiet ka kaya. Ang taba mo na. Ang sexy mo kaya nung elementary tayo. Kaya nga nagkakandarapa ang mga lalaki sayo noon. Beauty, body and brains." Ani niya at hinablot ang burger ko. Inagaw ko ito pabalik at nilamon.Seriously ano bang problema nila kung kumain ako ng kumain? Katawan ba nila to?
Nakakainis, lagi nalang nilang binibring-up kung gano ako kaganda nung payat pa ako.Maganda padin naman ako ngayon ah.
Tsaka hindi naman ako mataba. Chubby lang. Large lang naman ang mga damit ko. At nagkakadoble-chin lang naman ako kapag yumuyuko ako.Madalas nakawagwag ang hindi nakasuklay kong buhok dahil mahirap itali sa sobrang kapal nito.I always keep it just below my shoulders. Madalas sinasabi ni Gwen na pahabain ko daw ito at ipatreat ay ayos na ito.
Pero wala akong time para doon.
I don't see the need. Gagastos lang ako dun. Sayang, pambili payun ng pagkain.Hindi ko naman makakain ang buhok ko eh.
Nang makita namin ni Gwen sina Janice at Scarlette, na nakabili na ng recess nila, naglakad kami pabalik ng room.
My friends are all pretty.
Si Gwen ay morena, tall andslender. She's very outgoing at pinakakikay saaming apat. Si Scarlette naman ay petite, at maputi, at ang pinakamagulo at weirdo samin. Si Janice naman ang parang nanay naming apat. Sakanya kami lagi dumedepende.
Naging normal naman ang 3rd period pero buong umaga kong narinig sa mga kaklase ko tungkol sa magttransfer na si Travis.Gwapo, matalino at masipag daw.
Travis dito, Travis doon. Psh. Siguraduhin niyo lang mala Adonis ang gwapo nyan kundi isa-isa ko kayong pagtitirisin.
"Andy! Tawag ka daw ni Ma'am Vivienne sa room niya!" Hinihingal na sabi ni Scarlette sakin. Tumakbo nanaman yata 'to.
Tumayo ako at naglakad. Maysinigaw pa sakin si Scarlette nung malayo na ako sa room pero di ko na naintindihan.
Dahan dahan kong binuksan ko amg pintuan ng room ni Ma'am Vivienne. Sumilip ako sa maliit na opening ng pintuan. Nakita ko si Ma'am sa kanyang table na may kausap na estudyanteng lalaki, nakatalikod. Matangkad siya at maganda ang built ng katawan niya. Tinitigan ko lang ang lalakingnakatalikod hanggang sa mapansin ako ni Ma'am Vivienne at pinalapit sakanya.
"Andy, tour mo naman ang bago niyong kaklase." Nakangiting sambit ni ma'am.
Lumingon ang lalaki.
Damn cliches. Pero bumilis ang tibok ng puso ko.So this is what all the fuss is about.
Damn-They were right.
He's hot.Magulo ang buhok niya at defined ang kilay niya.
Singkit, at parang iniukit ang panga.Nakatingin lang siya sakin, but his eyes were so intense that I couldalmost feel it piercing through my soul.
So this is—
"Travis Axe Elguira. Isama mo nalang siya sa room niyo." Ngumisi si Ma'am Vivienne.
Stupid heart.
Stupid hormones.Wag kang lumandi Andy.
BINABASA MO ANG
Fearless: Andromeda (Palawan Series #1)
Roman d'amourAndromeda Marie Sy is usually brave, daring and rational. Palagi siyang maingat sa paggawa ng mga bagay at iniiwasan ang ano mang maaaring magpahamak sa kaniya. She knew that she only had one life to live, kaya naman ginagawa niya ang lahat para m...