Chapter 3

54 6 0
                                    

Chapter 3

By Pair

______________




"Ate Andy, paki bigay naman nito kay kuya Travis. Diba kaklase mo siya?"paki-usap ng isang babae na mukhang freshmen pa.
Maputi, mahaba at medyo brown ang buhok. Mukhang may lahi. Ang gandang bata.

May inabot siyang box at may nakapatong pa na envelope.

May mga nakacut out na mga puso sa harap na ginupit mula sa pulang colored-paper.

At may nakasulat na Travis Elguira sa labas.

Kukunin ko na sana nang maalala kong si Travis nga pala ang pagbibigyan nito.

Hell no.
Ni hindi nga ako kinakausap nun.

Nahalata ko na.

Lahat ng kaklase namin, nakakausap na niya.
Hindi naman chit-chat. Usually school-related, pero pag ako? Dedma. Iba ang sasabihan niya kahit kagrupo niya ako.

Pag may suggestion siya, ipaparinig niya lang at para bang hinihintay niyang magets ko.

Pag may ipapagawa siya, ipapadaan niya pa sa ibang kagrupo namin.

Wtf. Ano bang problema nya!

"Ah, eh kasi—"

Bago pa man ako makatanggi ay inilapag na ng babae ang box sa kamay ko, at tumakbo palayo habang nagsasabi na salamat Ate Andy.

Sa daming kaklase namin saakin pa niya naisipang ibigay.

Tiningnan ko ang box, cake ang laman.

Ano kaya ang pangalan ng batang yun?

Tiningnan ko ang envelope na nakapatong sa box at ibinaliktad iyon.

Blanko.

Walang nakalagay na pangalan.
Paano naman malalaman ni Travis kung kanino iyon galing?

Bat ko ba pinoproblema?

Bahala na nga siya.

Naglakad ako papuntang room.

"Andddddy!"

Halos mabitawan ko ang box dahil sa sigaw mula sa likod ko.
Paglingon ko ay nakita ko si Janice na tumatakbo papalapit sakin.

Tumigil ako sa paglalakad at ngumiti sa kaibigan ko.

Tiningnan niya ang hawak kong box at nagngiting aso.

"Travis Axe Elguira." Binasa niya ang nakasulat at tiningnan ako. May mapangasar na ngiti nakapinta sa mga labi niya.

Uminit ang pisngi ko.

"Hindi to galing sakin! Binigay lang to ng bata kanina, hindi na ako nakatanggi kasi—"

"Wala naman akong sinabi ah." Mapangasar parin ang ngiti niya.

Yumuko nalang ako at kinagat ang labi ko.

Nakita ko si Janice na nagpipigil na lamang ng tawa niya habang naglalakad kami papuntang classroom.

Pagkadating namin sa aming classroom, nagmamadali kong nilapag ang box sa mesa ni Travis.

Napatingin lahat ng kaklase ko.

Tiningnan ko ang ekspresyon ni Travis.

Blank.

Fearless: Andromeda (Palawan Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon