Chapter 4

108K 1.5K 62
                                    

Chapter 4

Alas sinco na at wala pa rin si Henry pero naiintindihan ko naman iyon dahil alas sais siya madalas umaalis sa opisina. 

Allison, alam mo sa sarili mo na hindi sa opisina manggagaling ang asawa mo ngayon. Umiling ako sa naisip. Tatanungin ko na lamang siya mamaya kung bakit siya naroon at sino ang kasama niya kaysa ganitong bumubuo ako ng konklusyon mag-isa.

Hindi ko na muna inisip si Henry at ang kasama niya kanina sa parking lot at nagsimula nang mag-ayos para sa party mamaya ni Vanz. Naligo lamang ako ng mabilis at tinuyo ang buhok. Nagsimula na akong maglagay ng makeup. Una ay moisturizer, primer, foundation, kilay, mata, blush, at lipstick. I went for the nude shades this time. When I was satisfied with my makeup, isinuot ko na ang pinamili ko kanina. Napagpasiyahan ko ring i-loose bun ang buhok ko upang ma-emphasize ang aking neckline lalo na't naka-off-shoulders ako ngayon. I let some strands of my hair loose to make it a bit messy.  

Kinuha ko ang isang pair ng black velvet na heels at isinuot. Tumingin ako sa body mirror upang i-check kung maayos ba akong tingnan sa akin suot.

I look like my college self, that happy-go-lucky party girl. The very outgoing-looking me. I remembered my college days. Marami akong orgs na sinalihan at active ako sa lahat ng iyon. I can't help but compare my current self to my past.

Ngayon ay nakaimbak na lang ako rito sa bahay, watching TV series, cooking, and cleaning. Typical housewife less the love part.

Tinalikuran ko ang salamin at hinanap ang clutch bag ko at inilagay ang lipstick at powder ko para pang-retouch. Hinagilap ko rin ang aking cellphone upang makapag-book na ng ride. Napagpasiyahan kong hindi na mag-drive dahil baka maparami ang mainom ko mamaya at malasing.

Ilang minuto lamang ang lumipas at nakarating na ang na-book ko na driver. Laking pasalamat ko na rin na hindi gaanong traffic papunta sa Skye Lounge kaya naman mga alas ocho ako nakarating. One hour late pero it's still too early for the heart of the party.

Ang Skye Lounge ay nasa roof deck ng Gramercy Residence na may seventy one floors. Maraming neon lights at talaga namang pang-party ang vibe nito. Nirentahan malamang ni Vanz ang buong deck dahil iba ang vibe nito. Talagang walwal ang datingan nito ngayon kumpara sa usual na medyo chill lang. Halos lahat din nang makita ko ay mga college friends namin. Marami-rami ring hindi kakilala marahil ay mga katrabaho ni Vanz.

Nagulat ako nang may sumigaw sa likod ko at yumakap sa'kin.

"Alli! You're here!" Nilingon ko ang yumakap sa'kin at nakitang si Kate iyon. Niyakap ko rin siya.

"Kate!" sigaw ko, bukod sa excitement ay para na rin marinig niya dahil sa lakas ng tugtog. Nakita ko ang mga babae sa likod ni Kate at agad akong tumakbo papunta sa kanila.

"Oh my god! Rina! Tori!" Sigaw ko sabay silang niyakap sa sobrang kagalakan! Kaming apat nina Kate ang besties noong college. Bukod pa roon ay may banda kasi kami noon. Oo, ang housewife na ito ay may banda dati. Medyo sikat ang banda namin noon dahil bihira na lahat ay babae pero hindi lang naman dahil doon kaya kami sumikat. Syempre dahil na rin sa talento at hilig namin sa musika.

We were being scouted by companies but we had to disband due to personal reasons. Hobby lang talaga namin noon ang pagbabanda at isa pa, kinasal ako.

"Grabe, girl! Sobrang na-miss kitang gaga ka! Nag-asawa lang, nakalimot ka na!" Pagtatampo ni Tori gamit ang matinis niyang boses. Si Tori ang bassist namin noon at backing vocalist.

"Oo nga. I missed you so much, Alli. After you married, you always go out with Kate and Kate only. Hmp," si Rina naman ngayon ang nagtampo at ngumuso pa. Hindi ko napigilang kurutin ang pisngi niya. Napaka-cute at charming talaga ng isang 'to! She's the cute innocent type kasi. Hindi mo maiisip na drummer ang isang ito. She's half-Korean kaya naman super cute talaga nito.

The Devil Husband (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon